24

96 3 59
                                    

Third Person's

Gusto sana ni Jiyoung na tabihan na yung kapatid niya kaso naalala niya si Hyorin kaya malamang hindi papayag si Guanlin na magpalit sila ng pwesto.

Tahimik lang silang lahat. Andyang kakanta saglit si Ong tapos sasabayan ni Jiyoung pero eventually nakatulog na rin si Jiyoung.

Yung tatlo sa likod, nakatulog na rin.

Si Guanlin nakasandal ang ulo kay Hyorin na nakasandal naman sa balikat niya. Si Jinyoung nakasandal sa bintana.

Tahimik lang din kila Daniel. Mabagal lang din siyang magdrive dahil mahihilo si Jaenin. Tulog naman na siya at nakasandal kay Jisung na gising pa at hinihimas yung buhok ng dalaga. Todo bantay lang siya kay Jaenin.

Wait, kinilig ako.

Maya't-mayang sinusulyapan ni Daniel si Hwayoung na nakatanaw sa bintana.

Napatingin si Hwayoung kay Daniel nang bigla nitong hawakan ang kamay niya. Tinitigan niya si Daniel na nakafocus lang sa daan. Naramdaman niya namang humigpit ang pagkakahawak nito sa kamay niya.

Ay pwe, kinilig na naman ako.

Nagkukwentuhan naman sila Minhyun habang pauwi. Sila na lang yata ang gising na gising sa lahat.

Sila Jaehwan tahimik na rin. Tulog na si Sungwoon sa passenger's seat. Si Jihoon naman nakangiting kinakalikot yung phone niya. Si Woojin, tulala lang.

Dalawang uri ng baliw: 2Park.

Pagdating nila, nagising na si Guanlin at Jinyoung. Naunang lumabas si Jinyoung at binuhat yung kapatid niyang natutulog na.

Ganun na rin sana gagawin ni Guanlin kaso nagising na si Hyorin. Ending dalawa sila ni Ong nakaalalay kay Hyorin papasok ng gate.

Pagpasok nila, nandoon na sila Minhyun. Inakyat na muna ni Jinyoung si Jiyoung sa kwarto nila para makatulog na nang maayos.

Nang ihiga niya si Jiyoung...

Gising pala ang gaga. Nakangiti pa sa kanya.

"Bwisit ka. Gising ka naman pala pinagbitbit mo pa ako."

"Nagising ako buhat-buhat mo na ako. Edi sinulit ko na lang."

"Bababa ka pa ba?" tanong ni Jinyoung.

"Di na. Ibabye at igoodnight mo na lang ako sa kanila. Inaantok na ako." sagot ni Jiyoung at nagkumot na.

Humiga si Jinyoung sa tabi ni Jiyoung kaya napaharap ito sa kanya.

"Hindi ka na bababa?"

"Hindi na. Tinatamad na ako."

ArchOne 😎

Jinyoung: Goodnight! Tutulog na kami ni @Jiyoung. Tinatamad na kami bumaba. 😂

Hyorin: Goodnight~

Jinyoung: Kamusta na paa mo?

Hyorin: Paa pa rin naman. 😂

Jinyoung: Put—

Hyorin: Masakit pa rin. Hinilot na ni Guanlin kanina pagdating.

Jungmin: Pagaling, Hyooooo.

Jihoon: Oy goodnight! Punta na kami, inaantok na si Niel hyung. 😂

Wanna HaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon