Jiyoung's
Maaga akong pumasok ngayon dahil may ipapakilala raw sa akin si manong Wooseok. Sabi ko nga kasal na ako kaya hindi na ako open sa ganyan.
"Siraulo, bagong kasama mo sa field yon."
Sorry naman na, doc. Labyu hehet.
Nakaayos na yung opisina pagpasok ko kanina. Nakasetup na yung space para sa panibagong tao.
Huehue, di ko na solo tong opisina. :(
"Saang planeta ba siya galing, doc?"
"Sa Mars yata."
"Seryoso nga?"
"Ewan ko sa'yo, Jiyoung! Naglolokohan na lang tayo dito eh."
"Anla? Ikaw tong sumasakay sa mga kalokohan ko eh." 😂
Lemme share a secret with you.
Alam niyo bang strikto sa iba yan si doc. Ako lang nakakausap niya nang ganyan dito sa trabaho. Paano ba naman kasi, ilang taon na kaming magkasama. Gaya nga ng kwento ko sa inyo noon, papa niya pa ang may-ari nitong ospital nung nagOJT ako dito.
"Seryoso na. Galing abroad tong bago. Sa pagkakaalam ko magkaedad lang kayo eh." Hala omg.
"Nako, doc. Sigurado ka bang sa akin mo isasama yan? Knowing na magkaedad lang kami?" pag nagkataon dalawa na kaming mambabalahura kay doc hehehehe.
Pero seryoso naman ako kapag kailangan.
"Kilala ko yung batang yon, Ji. Hindi ka uubra doon. Kaya ko nga siya isinama sa'yo nang tumino-tino ka naman." GRABE NAMAN.
"Grabe ka naman, doc! Matino naman ako magtrabaho no! Sa'yo lang hindi yie."
"Ay, ewan ko sa'yo. Tsaka isipin mo, ikaw na lang ang nag-iisang neurologist dito sa ospital kaya sa'yo ko lang talaga siya pwedeng isama." paliwanag ni doc.
Bibihira kasi mga napapadpad na neurologist dito. May mga sumubok pero di rin kinaya. Ending, ako lang ang naiwan.
Buti na lang may makakasama na ako. Mababawasan kahit paano yung tambak kong trabaho. uwu
"Ehem loyalty award ehem."
"Bilhan na nga kita medal."
"Tapos dagdag, doc?"
"Medal? Go, kahit ilan pa." buset 😂
Habang hinihintay yung panibagong doktor, tamang kwentuhan muna kami ni doc Wooseok. Palitan kami ng mga rants sa mga pasaway na pasyente, ganon.
Alam niyo kung anong suggestion niya kada reklamo ko?
"Ituluyan mo na lang." di ba naman gago. :(
"Ikaw kaya ang ituluyan ko, doc? Kanina ka pa eh."
"Tuluyan na kitang isisante, Ji. Gusto mo?"
"Nako, doc. Pagsisisihan mo yan." naiiling-iling kong sagot.
Syempre, sa akin siya pinakaclose. Wala nang mambabalahura sa kanya kapag tinanggal niya ako. Alam kong mamimiss niya yon. 😂
Luv na luv ko kaya yan si doc. Yieeee. HAHAHAHAHAHAHA.
Ganyan kami mag-usap pero sobrang tatay nyan sa akin. Very tatay. Alam niyo bang nasermonan ako nyan nung nalaman niyang hindi ako natulog at nagdiretso akong magtrabaho. Sabi ko nga pwede na siyang magpari sa sermon niya sa akin.
BINABASA MO ANG
Wanna Have
RandomIn which Wanna One falls for each of the beautiful ladies in Archon.