97

37 3 6
                                    

Jiyoung's

"Hyung! Si doc Ji, humaharot." sumbong ng hangal na si Jungmo kay doc Wooseok pagpasok na pagpasok niya sa office namin.

"Mogu tigilan mo ako isusungalngal ko sa'yo tong ginagawa ko."

"At sino naman ang sawing-palad?" isa pa tong si Usok eh, silaban ko to.

"Luh galet na galet ustu manaket." asar ni Jungmo.

Oo, Jungmo. Malapit na kitang saktan. Ikaw na susunod na makocoma.

"Hyung diba kilala mo si doc Sejun?" napakagaling, Goo Jungmo.

Una sa lahat, kita mong si doc Wooseok ang may-ari nitong ospital so malamang kilala niya lahat ng nandito.

Pangalawa, tama bang iissue ako sa bagong salta?

Mananakit na talaga ako ng Mogu. Konti na lang.

"Tanga malamang, sa akin sila nag-aapply eh." o edi ayan, natanga ka.

"Ay, oo nga. Anyways, siya yung sawing-palad." jusko, magsama nga kayong mga hayop kayo.

"Seryoso ba? Nako, Ji. Tirador ka pala ng mga bagong salta ah." see.

"Isang-isa pa, Jungmo. Cancelled ka na sa mga anak ko." banta ko kay Jungmo.

"Hoi walang ganyanan. Por que magkakaroon din ako ng kambal!?"

"Aba, Jungmo. Magkakaanak ka na naman?" gulat na tanong ni doc Wooseok.

"Anong 'na naman'? Ilan na ba anak ko, hyung? Sampu?" protesta ni Jungmo.

Waoie. Day care. 😂

"Pang-ilan mo na ba yan?"

"Pangalawa pa lang! Oa kayo. Mukha ba akong ganon kasipag gumawa ng bata ha?" bwiset. 😂

"Medyo lang naman." sagot ni doc Wooseok na sinisiyasat pa kuno si Jungmo.

Anw, yung iniisue nitong hinayupak na si Jungmo ay ang bagong pasok na si doctor Im Sejun. Ka-department siya ni manong Jinhyuk. Halos kakastart niya lang yata last month.

At kung bakit siya iniisue sa akin? Simple lang, nung nasa opisina nila ako, sinisilip daw ako ni Jungmo mula sa labas at kitang-kita niya raw kung paano ngumiti si doc Sejun kapag kausap ako.

Di ba naman gago.

"Wooseok." napatigil kami nang marinig namin si doc Jinhyuk.

Take note, kung balahura ako kay doc Wooseok, mas balahura tong si doc Jinhyuk. Hindi niya nga tinatawag na doc tong si Usok eh. 😂

Pero pag binawian yan ni doc Wooseok, di naman nakakapalag.

"Ano na naman."

"Wow. Ang aggressive naman. Hindi ba pwedeng, "bakit, hyung?" o kaya "yes, baby ko?" man lang?"

Dafuq? Anong "yes, baby ko?"? Bwisit na doc Jinhyuk to. 😂

"Inarte mo. Ano bang kailangan mo?"

"Ikaw." maharot na sagot ni doc Jinhyuk at kinindatan pa si doc Wooseok.

Ito na ba ang oras para idrop ko na yung paggalang kay doc Jinhyuk? ._.

"Yakk, hyung." komento ni Jungmo kaya natawa ako.

"Gusto mong gilitan kita ng leeg ngayon din? Ha, Jinhyuk?" ayan na agagalit na doc Wooseok.

"Biro lang. Ito naman."

"Ano ba kasi yun? Nagsasayang ka ng oras. Pag nalaman ko lang na may mga appointment ka ngayong oras na to tatanggalan talaga kita ng trabaho."

Wanna HaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon