[Khee: reminder lang, wala akong sinusunod na timeline hehe.]
Jinyoung's
Maaga akong bumangon dahil may pasok na. Wag niyo nang tanungin si Jiyoung, mamaya pa babangon yang isang yan.
Sinasabi ko naman sa inyo, 70% ng buhay niya itinutulog niya lang.
"Good morning, Jinyoung!" nakangiting bati sa akin ni Yoonjung paglabas ko ng kwarto. Kalalabas niya lang din ng kwarto niya sa baba at papunta ng kusina.
Ewan pero napangiti ako.
Paglingon ko nang konti, nakita ko si Daniel hyung na natutulog sa sofa.
Luh? Sa pagkakatanda ko kagabi, natutulog yata siya sa kwarto ni Hwayoung nung dumating kami eh.
"Dapat itinali niyo na lang sa labas si Daniel, wala tayong bantay." natatawang sabi ni Jungmin.
"Sus, gusto mo lang may kasama kang nakatali sa labas eh." sabay tawa ni Jaenin.
Siraulong to, ang aga-aga puro kalokohan. 😂
"Magtigil kayong dalawa dyan kung ayaw niyong ngayon ko kayo itali sa labas." ayan, gg na si Hwayoung. 😂
"Ano ba yang tali-tali sa labas na naririnig ko?" napalingon kami kay Daniel hyung na pumasok sa kusina. Gulo-gulo pa yung buhok niya, tipong kababalik lang ng diwa niya ganon.
Bigla namang humagalpak sila Jaenin at Jungmin kaya lalong naguluhan si Daniel hyung.
"Mga baliw. Kumain na nga kayo." inilapag na ni Hwayoung sa harapan namin yung mga pagkain.
"Hala? Ang aga pa pala eh. 8 pa pasok natin diba?" pagtataka ni Daniel hyung.
Napatingin din tuloy ako sa orasan. Hala, alas-kwatro pa lang?????
Uy, sayang tulog. :(
"Sasabay ba kayo sa amin?" tanong ni Hwayoung.
"Syempre, marsie. Alangan namang maiwan silang dalawa dito." oo nga.
"Bakit naman kasi pagkaaga-aga niyong papasok? Di naman kayo excited?" natatawang tanong ni Daniel hyung.
"Tutulong kasi kami sa Dance Club, hun. May paperformance daw sila Chungha eonni."
"Weh? Bakit kayo lang nasabihan?"
"Tanggal na kami sa club?" hala ang oa, hyung. 😂
"Tange. Syempre kaming mga babae naman daw ngayon. Last year kasi yata ang mga lalaki." napatango kami ni hyung.
"Gisingin na pala yung dalawang naghahibernate pa." umakyat na ako para gisingin yung kapatid ko.
"Jiyoung. Bumangon ka na dyan." as expected, walang response.
"Bae Jiyoung."
"Ssh, 5 minutes." sagot niya habang nakapikit pa rin.
"Jiyoung." di ko siya pinakinggan.
"5 minutes, kuya. 5 minutes." at tumalikod siya sa akin.
"Huwag mo nang hintaying si Hwayoung ang gumising sa'yo, Jiyoung."
Ayaw kasi nito na ginigising siya ni Hwayoung. She's sort of a nagger at ayaw na ayaw ni Jiyoung ng ganung paraan ng panggigising. Nakakainit daw ng ulo.
Ganyan kaarte yang kapatid ko. May preference hanggang sa paraan ng panggigising sa kanya.
Pag naman ako nanggising sa kanya kahit anong paraan di siya nagrereklamo.
BINABASA MO ANG
Wanna Have
RandomIn which Wanna One falls for each of the beautiful ladies in Archon.