29

79 3 33
                                    

Jiyoung's

Oh-kaaaaaaay. Seongwoo oppa just asked me out on a date.

Pero hoi, friendly date lang yon wag tayong ano. Wait, more like father-daughter date.

Tutal inaangkin niya naman ako as his daughter so, yeah. 😂

"Saan mo ako dadalhiiiiiin?" tanong ko.

"Kay papa mo."

Bastos. : )

"Di ba papa kita."

"Ay, anak ba kita?"

"HUWAO. ILAN BA ANAK MO'T HINDI MO NA MATANDAAN KUNG SINO-SINO?" at tinawanan niya lang ako.

"Teka nga, anong trip mo ba't ako inaya mo?" tanong ko sa kanya.

"Ayaw mo ba?"

"Hindi naman sa ganun. Ang random kasi." paliwanag ko.

"Alangang idate ko si Daniel. Edi nagmukha kaming bading na magjowa?"

"Ay, hindi ba?" 😂

"Hayop ka." this time, ako naman ang tumawa sa kanya.

"May bebe na yon si Niel eh. Ipinagpalit niya na ako." at nag-inarte siyang akala mo sinaktang tunay.

"Lolo mo ipinagpalit."

"Saan mo ba ako dadalhi-- Hui. Tulala ka dyan?" bahagya ko siyang itinulak.

Paano ba naman, natulala na sa harapan ko. Sinundan ko tuloy yung tinitingnan niya at napatakip ako ng bibig sa nakita ko.

Kung di ako nagkakamali, ex niya yon.

Na may ibang kadate.

"Kuya. Gutom na ako, tara naaa." I managed to distract him. Hinila ko na siya paalis sa lugar na iyon.

Nang tumigil kami sa paglalakad, tinitigan ko siya. Kitang-kita yung sakit sa mga mata niya. :(

"Doon kami madalas magdate noon eh." at tumawa siya nang mapait.

"Ngayon iba na yung kasama niya doon."

"And she looks happier." nanatili lang siyang nakangiti habang nakatingin sa malayo.

'Cause, baby, you look happier, you do
My friends told me one day I'll feel it, too
Until then I'd smile to hide the truth
But I know I was happier with you'

Teka ang bastos naman nung kanta. Nilingon ko yung pinanggagalingan ng tugtog at tiningnan nang masama yung nagpapatugtog. Pinatay niya bigla. 😅

"Paaaaaa. Akala ko ba magdedate tayo? Di mo naman ako ininform na magbabalik-tanaw pala tayo. Nakalimutan kong dalhin yung memories ko." natawa siya sa sinabi ko.

Wanna HaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon