28

84 3 46
                                    

Third Person's

Gising na si Jiyoung pero nanatili lang siyang nakayakap kay Jinyoung na natutulog pa rin.

Nakayakap din naman sa kanya si Jinyoung so y not cherish the moment diba.

"Mammaaaaaaa!" agad na napabangon yung kambal sa narinig nilang iyak ng bata...

Na sinundan ng tawa ni Sungwoon.

Nagmadaling pinuntahan ni Jiyoung kung sino man yung umiiyak at nasalubong niya si Joomin na naglalakad habang humahagulgol.

Kawawa naman hoi! ;-;

"Bakit, baby ko?" kinarga ni Jiyoung si Joomin na umiyak nang umiyak sa balikat niya.

"Sinong nang-away sa baby namin?" lumapit si Jinyoung at hinaplos yung buhok ni Joomin.

Di rin nagtagal nakakumpol na yung buong sangkatauhan malapit sa kanila.

Lumingon si Joomin na naiiyak-iyak pa at itinuro si Sungwoon na natawa.

"Hyung naman. Di porke pambata yang height mo, pwede ka nang mang-away ng bata." Jaehwan u betch. 😂

"Punyeta ka." at hinabol ng tsinelas ni Sungwoon si Jaehwan.

Gago eh. 😂

"Dadda, pakitimplahan na ng gatas si Joomin. Matutulog na to." sabi ni Jiyoung kay Jinyoung habang yakap-yakap si Joomin na humihikab.

Agad namang umexit sa scenario si Jinyoung para gawin na yung sinabi ng kapatid niya.

"Uyyyyy. Inggit." asar ni Jaenin kay Jihoon na nasa tabi niya.

"Loko."

"Sus. Inggit ka eh, gusto mo ikaw tawaging 'Dadda' ni Jiyoung eh. Yiiiiiiiieeeeeee." pangungulit pa ni Jaenin. Natawa lang si Jihoon.

Kasi medyo totoo naman. O o p z 🙊

"Hyung, ano bang ginawa mo kay Joomin?" tanong ni Jihoon.

"Tinakot niya siguro. Parang si Jiyoung yan nung bata eh, kapag tinatakot at nasasaktan lang umiiyak." sagot ni Jinyoung mula sa kusina.

"Ay shet, strong naman pala ng bebe Jiyoung namin." sabi ni Daehwi.

"Syempre anak ko yan." sabay na sabi ni Ong at Minhyun kaya nagtinginan silang lahat sa kanilang dalawa.

"Ganun ba ka-in demand maging anak si Jiyoung? Omygod." natatawang sabi ni Yoonjung.

"Bandang huli tinatagong anak pala siya ng OngHwang." at humagalpak si Hwayoung.

Umarte namang parang shookt na shookt si Daniel.

"Hyung, how could you do this to me?" pagdadrama ni Niel.

"Buong pag-aakala ko panganay natin si Jiyoung, tapos ganyan?" okay, popcorns, everyone? 😂

"Daniel, let me explain-"

"Explain mo mukha mo, hyung! I'm done. Tapusin na natin to." wao kinacareer ni Daniel.

"May bago nang best actor! Palitan na si Jihoon!" sigaw ni Jaehwan.

"Shet, Jihoon! Laos ka na!" at natawa si Jisung.

"Pero bago ang lahat, kanino ba talaga si Jiyoung?" pagbabalik ni Daehwi ng topic.

Kay Jihoon daw. Eme.

Nabaling ang atensyon nilang lahat kay Jiyoung na pinapatulog si Joomin.

"Wae?" tanong ni Jiyoung nang mapansin niyang lahat sila ay sa kanya na nakatingin.

Wanna HaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon