Hwayoung's
Aga-aga ang sama ng mood ni Jaenin. Kanina pa niya kami sinusungitan. :(
"Anong problema ni Jaenin? Di niya ako pinapansin." malambing na tanong ni Daniel at umupo sa tabi ko.
"Hayaan mo na lang muna siya, lalamig din ulo nyan mamaya." may idea kasi ako kung bakit ganyan si Jaenin.
Pero hindi ko pwedeng sabihin kay Niel dahil pambabae lang yon.
If u kno wat I mean.
Hihe.
"Jinyoung! Si Joomin ayun, o!" sigaw ni Jiyoung na nakikipaglaro sa kapatid niya at sa mga pamangkin nila. Napuno ng sigawan at tawanan ang buong zero base.
"Ang ingay naman!" biglang sigaw ni Jaenin kaya napatigil sa paghahabulan yung apat. Napaupo sa sahig si Joomin. Nagtatakang tiningnan naman nung kambal si Jaenin na dumiretso sa kwarto ni Woojin.
Maya-maya, umiyak na si Joomin. Agad siyang nilapitan ni Jinyoung at pinatahan.
"Daddaaaaaaaaaaa" malakas na iyak ni Joomin at yumakap kay Jinyoung.
"Ssh, ssh.. Tahan na, baby ko.. Opo, andito si dadda.. Ssh.." malambing na sabi ni Jinyoung at kinarga si Joomin na umiiyak pa rin.
Naiwan namang tulala si Jiyoung at Jaegum na nakaupo sa sahig.
"Balakayojan." nahiga na lang si Jiyoung sa tapat nung tv at nagplay ng movie. Si Jaegum kalaro ni Guanlin.
Pinakain ko muna saglit yung mga alaga ni Daniel bago ko pinuntahan si Jaenin sa kwarto ni Woojin.
"Hwayooooouuuuuung."
"Meron ka, no?"
"Wao, gandang pambungad naman, mars." tinawanan ko lang siya.
"Kilala kita. Ganyan ka lang naman kapag it's your time of the month."
"Sila Jiyoung?" nag-aalala niyang tanong.
"Nandoon sa labas, nanonood ng movie. Si Joomin tulog naman na yata."
"Hala baka nagalit yun."
"Sira! Para namang hindi ka aware na walang pakialam sa mundo yung kambal na yun."
"Hindi, kasi naiyak si Joomin."
"Wala yun, alam naman nilang normal sa bata yung ganun. Tsaka pamangkin nila yan, alam nila ugali nyan." paliwanag ko sa kanya.
"Tara na, doon na tayo sa labas. Maiintindihan din nyang mga yan." inaya ko na siyang lumabas ng kwarto.
Paglabas namin, nakaabang si Woojin sa may labas ng kwarto.
Eh??
Ay, sa bagay, kwarto niya to.
Nagulat ako nung bigla siyang lumapit kay Jaenin.
Teka kinikilig ako hehehe
Tumigil siya sa tabi ni Jaenin at itinapat yung mukha niya sa mukha ni Jaenin. Parang ganito:
BINABASA MO ANG
Wanna Have
RandomIn which Wanna One falls for each of the beautiful ladies in Archon.