18

111 6 25
                                    

Third Person's

Natunghayan natin ang pagsisimula ng kwentong pinamagatang Mi Amore na pinagbidahan nila Kim Jaenin at Yoon Jisung na talaga namang pumukaw sa atensyon at damdamin ng sambayanang ArchOne.

Matapos ang maikling scenario ay nakatulog na rin sila. Anong oras na kasi.

Alas-dos na ng madaling-araw.

Si Jisung, tulog na sa kwarto niya. Nakatakip pa ng unan yung mukha. Halata mong kinilig bago nakatulog eh.

Si Sungwoon naman, talagang artistang-artista ang dating kahit tulog.

Si Minhyun, natutulog sa sala kasama si Daniel. Si Jungmin kasi ang natutulog sa kwarto niya tapos sila Hwayoung at Jaenin naman sa kwarto ni Daniel kasama sila Rooney at Peter.

Si Ong, talagang pinanindigan yung pa-gwardiya sa kwarto niya. Ayun at may Ong Seals na nakahilera sa may entrance ng kwarto niya. Tapos ang himbing na ng tulog niya, yakap si Ong Nable.

Si Jaehwan, ang himbing na rin ng tulog kahit ang gulo-gulo ng kwarto niya.

Si Woojin na ineexpect nating hindi matutulog, ayun plakda na.

Pati si Jinyoung na nakalubog sa ball pit niya katabi yung kapatid niya.

Si Daehwi at Yoonjung naman, natulog nang magkatabi. Para silang mga prinsesa doon sa kwarto ni Daehwi.

Si Guanlin at Hyorin, para na namang mga unan na tinalukbungan ng kumot.

Si Jungmin ang sarap na rin ng tulog sa higaan ni Minhyun.

Si Hwayoung at Jaenin, tulog na rin. Nakasiksik sa pagitan nila si Rooney.

Dalawang nilalang na lang ang nananatiling gising.

Si Jihoon at Jiyoung.

Yie naman.

Alam niyo kung bakit gising pa yang dalawang yan?

Tinatanong pa ba yun. Syempre gutom.

Lumabas si Jihoon at nilapitan yung mga chicken. Napansin naman siya ni Jiyoung na nakasilip sa may entrance ng kwarto ni Jinyoung.

She took that as a signal at lumabas na rin.

"Kain tayo." aya ni Jihoon at inabutan ng plato si Jiyoung.

Kumuha sila ng tig-isang buong manok. Yes, tig-isa sila.

Tapos naupo silang dalawa nang magkaharap doon sa isang maliit na mesa.

Bago magsimulang kumain ay tumayo si Jihoon at pumunta sa ref para kumuha ng dalawang maiinom. Pagbalik ay iniabot niya kay Jiyoung yung isa. Tapos umupo na siya at sinimulan na nilang bunuin yung manok.

Dire-diretso lang sa pagkain si Jiyoung habang si Jihoon naman ay maya't-mayang napapatingin sa dalaga.

Yung frenny kasi natin akala mo hamster kapag kumakain. Lahat ng pagkain iniimbak sa pisngi.

Bahagya namang napatingin si Jiyoung kay Jihoon na nawala na yata sa mundo at nakatitig na lang kay Jiyoung.

"Huy." Jiyoung snapped in front of Jihoon.

Nabalik naman sa realidad si Jihoon at ngumiti lang kay Jiyoung bago nagpatuloy sa pagkain.

"Ayaw mo yan?" tanong ni Jihoon na nakaturo sa mga balat ng manok na inihiwalay ni Jiyoung at inilagay sa isang side ng plato.

Kukunin na sana ni Jihoon yung mga balat nang biglang paluin ni Jiyoung yung kamay niya.

"No, no, no. You are not allowed to touch that, bebe boi." at inilayo ni Jiyoung yung plato niya kay Jihoon.

Wanna HaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon