66

67 4 4
                                    

Third Person's

Nagstart na yung performance ng mga girl groups. Tahimik na nanonood ang Wanna One at Archon sa mga pwesto nila. Nakalimutan na yata nilang parehas silang nawawalan ng isa.

At kung sino, edi sina Jiyoung at Jihoon.

"Ji- Eh? Nasaan si Jihoon hyung?" pagtataka ni Jinyoung.

"Bakit?" tanong ni Yoonjung na nakasandal sa balikat niya.

"Nawawala yung kapatid ko eh. Pati pala siya nawawala."

"Nandoon sila sa waiting room." sabi ni Hwayoung.

Tumango lang si Jinyoung. Aware naman siyang ayaw ng kapatid niyang nanonood ng mauunang performances dahil lalo itong kakabahan.

Syempre, aware siya doon dahil kapatid niya yon.

Bigla namang nakaramdam ng konting selos si Jinyoung dahil nasanay siyang sa kanya dumidikit yung kapatid niya kapag kinakabahan tuwing interschool competitions.

"Awwww, hindi na siya hinahanap ni Jiyoung." asar ni Yoonjung. Tiningnan naman siya ng binata at nagpout, dahilan para matawa si Yoonjung.

"Puntahan natin? I'm feeling uneasy, anyway."

"Why didn't you tell me sooner? Kanina pa sana tayo lumabas." worried na tanong ni Jinyoung habang hawak ang kamay ni Yoonjung. Lumabas sila ng auditorium at pumunta sa waiting room.

Only to find Jiyoung peacefully sleeping on Jihoon. Literally.

Yep, nasa ibabaw na naman siya ni Jihoon natutulog. Nakaupo siya sa lap ni Jihoon facing her side at yung ulo niya nasa balikat ni Jihoon. U gettin' me?

Si Jihoon, ayun at payapang naglalaro. What would you expect, tho.

"Kanina pa siya tulog, hyung?"

"Yep. Pagkatapos niyang ayusan at nung iniwan na kami ng mga staff, pumwesto na siya tapos natulog."

"Want me to wake her up?"

"No, no. Don't. Si Jiyoung yan, hindi yan magigising basta-basta." natatawang sagot ni Jinyoung.

Nabaling naman ang atensyon ng binata kay Yoonjung.

"You okay here?" tanong niya sa dalaga. Ngumiti naman ito at nagthumbs up.

"Of course, as long as I have you with me." she said, flashing a sweet smile.

Niyakap ni Jinyoung si Yoonjung at hinalikan sa noo.

"Fighting~" malambing nitong sabi.

"Jiyoung-ah, nandito sila Jinyoung." bulong ni Jihoon kay Jiyoung na nagising na rin naman.

Paglingon niya, nakita niya si Jinyoung na kumakaway kasama si Yoonjung. Humikab siya at sumandal ulit kay Jihoon habang hinihintay na gumising na yung diwa niya.

Umupo si Jinyoung sa tabi ni Jihoon at si Yoonjung naman sa tabi ni Jinyoung. Umalis si Jiyoung mula sa pagkakaupo sa lap ni Jihoon at pumwesto sa pagitan nung dalawang binata.

Tapos naglambing sa kapatid niya.

"Minsan talaga naiisip ko na lang magtanong kila mama paano ako nagkaroon ng kapatid na pusa eh." natatawang sabi ni Jinyoung.

"Buti hindi ka inaaway ng mga aso natin eh, no?" dagdag niya pa.

Walang ganang tiningnan ni Jiyoung yung kapatid niya.

"Hehe. I love you, baby kong pusa." nakangiting sabi ni Jinyoung at niyakap yung kapatid niya.

"Meow." oo, si Jiyoung yan.

Wanna HaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon