[Khee: Yeolil, yeolil, yeolil hae~ hekhek]
Jungmin's
Sa wakas. Natapos din.
Sadly, pangalawa lang sila. Pero okay na rin.
"Dapat binili na ni Guanlin yung mga hurado eh. Panalo pa sana kayo." sabi ni Jiyoung.
Gago talaga to kahit kelan eh. Ayan, nabatukan tuloy siya ni Jinyoung.
"Aray! Tingnan niyo naman kasi itsura ni Guanlin. Kayang-kaya akong bilhin. O diba." protesta ni Jiyoung at itinuro si Guanlin na walang alam sa mga ganap.
Nagulat tuloy siya lahat kami sa kanya nakatingin.
"Wao. Kabili-bili ka ba?" tanong ni Jinyoung kaya inirapan siya ni Jiyoung.
Burn. 😂
"Pricey ako hindi lang halata. Diba ganon naman? Kahit gaano ka kahalaga, hindi nila makikita." sagot ni Jiyoung kaya nakatanggap na naman siya ng batok. This time from Hwayoung naman.
"Inarte mo." sabi ni Hwayoung.
"O, saan pala tayo ngayon?" tanong ni Woojin kaya natigil kaming lahat sa paglalakad.
Nakaisip ng bright idea si Jiyoung kaya tiningnan niya kami isa-isa.
Wait.
Parang alam ko to.
"제!" panimula ni Jiyoung at Hyorin.
"로!" dugtong ni Jaenin.
"베!" - Hwayoung
"이!" - ako
"스!" - Yoonjung
"Sa Zero Base?" tanong ni Jaehwan.
"Ay hindi, koya. Sa vending machine." pamimilosopo ni Jaenin.
"Luh? Anong gagawin niyo doon?" pagtataka ni Minhyun.
"MARAMI!" sagot naman ni Hwayoung.
Doon kaya yung lugar na hindi kayo mauubusan ng gagawin. Legit.
Ending, umagree silang lahat kaya doon ang punta namin.
Pagdating sa Zero Base, nag-unahan nang pumasok sila Jiyoung, Jihoon, Guanlin, Hyorin, Jinyoung, Daniel, at Daehwi.
Qt nila parang mga kinder na dinala sa playground. 😂
Pagpasok namin, nakita namin si Jiyoung na nakalubog na sa mga bola sa kwarto ni Jinyoung. Si Jihoon namimili na ng ilulutong ramyeon. Si Jinyoung nakaupo. Si Daehwi nasa kwarto niya. Si Daniel nilalaro na sila Rooney at Peter. Tapos si Hyorin at Guanlin nandoon sa kwarto ni Jihoon, ready to sleep na.
"Hoy Guanlin lumayas kayo dyaaaaaaaaaaaaaaaan!" sigaw ni Jihoon.
Too late, tulog na yung dalawa. 😂
"Oy, Jiyoung! Luto na yung ramyeon." mabilis pa sa alas-kwatrong umahon si Jiyoung mula sa pagkakalubog sa mga bola tapos nagtatatakbo papuntang kusina.
"Ilan yang iniluto mo?" tanong ni Sungwoon na lumapit kay Jihoon.
"Uhh... Apat?" sagot ni Jihoon.
"Sino-sinong kakain?" - Minhyun
"Mamaya pa kami ah, matutulog din muna yata tong mga to eh." dugtong ni Jisung at dumiretso na sa kwarto niya.
"Hyung. Sa aming dalawa lang to ni Jiyoung." napakamot ng ulo si Jihoon. Natatawang tumango si Minhyun.
"Tulog muna ako!" paalam ni Jaehwan at dumiretso na sa kwarto niya para matulog.
BINABASA MO ANG
Wanna Have
RandomIn which Wanna One falls for each of the beautiful ladies in Archon.