13

95 5 49
                                    

Third Person's

At dahil tapos na ang kainan ay kanya-kanyang tago at takas na sila sa mga ligpitin. Ending, si Minhyun at Jungmin yung nagligpit.

Nakita naman yun ni Jiyoung na talagang ipinakalubog-lubog yung sarili niya sa mga bola ni Jinyoung para hindi siya makita. O diba. Witty.

Pag-ahon ni Jiyoung ay kasunod niya rin sila Daniel at Jihoon na ginaya ang kanyang style.

Wao. So qt naman dis bois.

Pero hindi pa lumabas agad si Jiyoung kahit iniwan na siya nila Daniel. Inilubog niya ulit yung sarili niya sa mga bola tapos nag-abang ng dadaan.

At kada dumaan ay binabato niya ng bola. Kaya wala nang magugulat kung mamaya ubos na yung bola sa kwarto ni Jinyoung at nakakalat na lahat sa labas.

"Huy wag mong ikalaaaaaaaaat!" sigaw ni Jinyoung at binato pabalik kay Jiyoung yung mga bolang kinalat niya sa labas.

Tapos ayan nagbatuhan na silang dalawa ng bola doon sa loob ng kwarto ni Jinyoung.

"Jinyoung ayoko naaaaaa!" sigaw ni Jiyoung pero patuloy na pinagbabato yung kapatid niya. Edi ginagantihan din siya.

"Ayaw mo na pero binabato mo pa rin ako?" natatawang sabi ni Jinyoung at patuloy na pinaulanan ng bola yung kapatid niya.

Matatapos pa kaya sila?

"O, last na to." sabi ni Jiyoung at binato ng bola si Jinyoung tapos nanahimik na.

"Last na rin to." binato rin ni Jinyoung si Jiyoung kaya triggered na naman siya.

"LAST NA NGA EH!" binato ulit ni Jiyoung si Jinyoung tapos bumawi na naman si Jinyoung.

Hanggang sa nagbabatuhan na naman silang dalawa.

Last na raw eh.

Napansin naman ni Jiyoung si Yoonjung kaya nakaisip siya ng bright idea para patahimikin yung kuya niya.

"Yoonjung!" tawag ni Jiyoung at binato ng bola si Jinyoung na bigla namang natahimik.

"Yes?" lumapit si Yoonjung kay Jiyoung.

"Ay, Ji. Pahiram pala ako nung libro na sinasabi mo sa akin last week." umupo si Yoonjung sa may entrance ng kwarto ni Jinyoung habang kausap si Jiyoung kaya hindi na tuluyan pang nakaimik si Jinyoung.

"Hala oo nga. Last week pa pala yun buti pinaalala mo. Wait." tumayo si Jiyoung para kunin sa bag niya yung librong sinasabi ni Yoonjung.

At dahil sadyang mapang-asar si Jiyoung ay sinadya niyang tagalan yung paghahanap kahit nasa pinakaibabaw lang ng gamit niya yung libro. Syempre para matagal doon si Yoonjung at hindi makaimik si Jinyoung. Andyang inilabas niya pa isa-isa yung mga gamit niya tapos mapang-asar na tumingin kay Jinyoung. Tapos isa-isa niyang ibinalik sa bag niya at kinuha na yung libro kasi yari na talaga siya sa kapatid niya.

Buti na lang hindi masyadong napansin ni Yoonjung na ang tagal ni Jiyoung.

"Eto oh. Hehe." iniabot na ni Jiyoung yung libro kay Yoonjung.

"Yey, thank youuuu!" nakangiting sambit ni Yoonjung at tumingin din saglit kay Jinyoung habang nakangiti bago siya lumabas ng kwarto.

Dahan-dahan namang umupo si Jiyoung malapit kay Jinyoung.

"YIEIEIEIEIEIEEEEEEEE!" pang-aasar ni Jiyoung at tinulak si Jinyoung dahilan upang matumba ito sa mga bola. Hinila tuloy siya ni Jinyoung kaya napahiga rin siya tapos dinaganan siya.

Wanna HaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon