40

84 1 2
                                    

Third Person's

Gabi na at katatapos nilang kumain ng dinner. Walang utos-utos, si Minhyun at Jungmin na ang nagkusang mag-ayos ng mga pinagkainan. Napansin ni Jiyoung na naghahanap ng idadamay si Jungmin kaya madali siyang nagtatakbo sa kwarto ni Ong at humiga sa tabi ni Ong.

"O, bakit?" nagtatakang tanong ni Ong.

"Naghahanap na naman ng idadamay tong si Jungmin eh. Mamaya ako na naman makita." nagsumiksik si Jiyoung sa gilid ni Ong kaya syempre, nakaisip siya ng very bright idea.

"jUNG--" hindi na naituloy ni Ong yung plano niya dahil umibabaw sa kanya si Jiyoung at tinakpan yung bibig niya.

"Dadi naman eh!" pabulong na sabi ni Jiyoung.

Bigla namang narealize ni gaga na nakapatong siya kay Ong nang tinitigan niya ito sa mata. Like bakit parang sobrang lapit na naman ng mukha nilang dalawa. Syempre naisip niya yun kaya madali siyang gumulong at nalaglag siya sa higaan.

Bobo.

Imbes na tulungan siya ni Ong, ayun tinawanan lang niya ang anak niyang nalaglag.

"Kawawa ka naman." natatawang sabi ni Ong.

"Aray ko haiuop." dahan-dahang tumayo si Jiyoung at iniunat yung braso niya. Muntik na siyang maiyak sa sakit kaya hindi niya na itinuloy na iunat yung kaliwang braso niya.

"Fuck! Ang sakit!" napabangon si Ong nang marinig ang daing ni Jiyoung. Agad niyang tinulungan si Jiyoung na umupo.

Nagmadali namang pumunta si Jinyoung sa kwarto ni Ong para tingnan kung anong nangyari sa kapatid niya.

"Hindi ko maiunat. Masakit." kalmado pero may diing sambit ni Jiyoung na sinusubukan pa rin iunat yung braso niya.

"Wag mo nang piliting iunat. Ano ba kasing ginagawa mo?" umupo si Jinyoung sa tabi ng kapatid niya.

"Si dadi kasi, inaasar ako." sumbong ni Jiyoung.

"O tapos?"

"Ano. Ako. Pumaibabaw. Tapos gumulong ako sa maling direksyon. Nahulog." nakayukong kwento ni Jiyoung. Sabay na tumawa si Ong at Jinyoung kaya dismayadong tiningnan sila ni Jiyoung.

"Wala kayong kwenta." lalo lang nagtawanan sila Ong at Jinyoung.

"Ang lakas din kasi ng tama mo eh." natawa na lang si Jinyoung habang naiiling.

"Nood tayong movie!" aya ni Sungwoon.

"Tapos tutulugan mo na naman??" sagot ni Jaenin.

"Oo nga. Wala ka naman kwentang manood ng movie eh!" gatong ni Jisung.

"Wala pang kalahati ng movie tulog na eh. Hahaha!" isa pa tong si Minhyun.

"Mga bwisit. Dali na! Minsan lang to o, kasama natin sila Hwayoung." naks, may paspecial mention?

Yiiiiiiiiiieeeeeeeiiiiiissue 😂

"Tara, tara. Dali!" nagnakaw na ng unan si Jiyoung kung saan at pumwesto na sa harapan ng screen.

Napansin ni Jihoon na ang kinuha ni Jiyoung yung banana plushie sa kwarto niya. Napangiti na lang siya at tumulong na kila Ong na manguha ng mga ilalatag at mga unan.

Di pa rin naman siya kinakausap ni Jiyoung. 😂

Matapos nilang mag-ayos, kanya-kanyang pwesto na sila sa inilatag nilang beddings.

Magkatabi si Jisung at Jaenin na sinundan ni Jungmin at Minhyun. Syempre katabi ni Minhyun si Jaehwan sa kabilang side. Stronger than strong ang MinHwan no.

Wanna HaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon