Dedicated sa kanya kasi super love ko ang mga stories niya! Galing mo, idol kita! ^_^
First Kathniel fanfic ko po ito. Hope you like it!
===========================================================
CHAPTER 1 - The Boss Meets the Wallflower
==v Kath's POV v==
"Anak, gising na..", untag sa 'kin ni Mommy.
"Ma, five minutes pa..", ungol ko naman.
" Anong five minutes. Bumangon ka na jan at baka mahuli ka pa sa job interview mo."
Napabalikwas naman ako ng bangon sa sinabing yun ni mama. Oo nga pala. I have a job interview with one of the most prestigious companies in the Philippines. Hindi ako dapat mahuli.
"Onga pala ma. Hay. Ano ba 'yan. Kinakabahan ako."
"Sus! Ikaw pa anak. Kayang kaya mo 'yan. Syempre nagmana ka sa 'kin noh!", sabi naman ni mama habang hunihimas-himas ang buhok ko.
"Salamat ma. Kaya kita mahal eh." At hinalikan ko siya sa pisngi.
"O, siya. Kumilos ka na anak. Ang tagal mo pa namang maligo.", nakatawang sani ni mama sabay tulak sa'kin sa direksyon ng banyo.
Nga pala. Ako si Kathryn Chandria Bernardo, Kath na lang for short. Nerd ako. Yun ang sabi nila. Pero parang hindi naman. Porket naka glasses ba nerd na agad? Marunong naman akong mag-ayos ng sarili. Nakikisabay din naman ako sa mga fashion trends, marunong magbihis ng tama at maglagay ng konting make up. Kaya nga lang, hindi ako mahilig lumabas. I prefer to spend my free time reading a good book and contemplating man's existence. (naks! Translate mo nga miss author?!). In short, wala po akong social life.
Don't get me wrong. May mga kaibigan naman ako noh! Kaya lang, hindi ko masabayan yung mga trip nila kung minsan. Night out?! Ni hindi pa nga ako nakakatapak sa entrance ng mga bar. Tsaka ayoko sa mga crowded at maiingay na places. Sabi nga ng bestfriend kong si Julia, wallflower daw ako. Yung tipong nakaupo lng sa sulok sa mga parties. Eh sa ganun ako eh. Anong magagawa nila?! Haha. Nagsuplada na. Sorry naman.
BINABASA MO ANG
The Boss and the Wallflower (A Kathniel FanFic)
FanfictionWallflower n. - Usually refer to people who are shy and fade in the background , that none really knows or pays any attention to. Si Kathryn. Mahiyain, tahimik, pero matalino at mapagmahal. Minsan na siyang umibig. Pero patago. Nawalan na siya ng pa...