4.GUCCI

1.4K 49 0
                                    

Alanganin man pero naniniwala pa din ako na may kakayahan ni kuya Nonoy na mapa gana nya ang cellfone ni Zee.Kaya naman kahit malapit na ang oras ng hapunan,nandito pa din ako sa bahay nila.Maya maya pa ay dumating na ang humahangos na bata na kundi ako nagkakamali ay si neneng.
Payat at maitim,idagdag mo pa ang pagka boyish nya kumilos...tipikal na batang kalye.Agad akong ngumiti sa kanya dahil nakatingin sya sa akin pagpasok nya.

"Nay,Nagmamadali po akong pumasok dito sa loob dahil nagkakagulo na naman sa labasan.Nagwawala na naman si Mang Paking at may dala dalang itak._Neneng.Saka sya kaagad lumapit sa tatay nya at nag mano.

"Ikaw talagang bata ka,kundi pa may nagwawala sa kalsada hindi kapa uuwi?Gusto mong tuluyan ng matulog sa labas ha neneng?_Kuya Nonoy

"Tay naman,wala naman tayong tv dito sa bahay.Nakakainip kapag ako lang dito mag isa at wala kayo ni nanay.Kaya sa labas na muna ako tatambay._Neneng.Sabay punas sa sipon nyang palabas labas.Nakaka tuwa syang mag salita dahil umaarte arte pa sya na minumwestra ang mga kamay.

"Naku naku,Hindi kana nahiya sa bisita natin.Kay amos amos mong bata ka.Gabi na,amoy araw kapa.Maligo kana duon at ng makapag hapunan na tayo._Ate Chedeng.Saka naman sya biglang nahiya at mabilis na pumasok sa banyo para maligo.

"Malapit ng matapos ito iha,Hihinangin ko na lang yung pyesa na ipinalit ko at gagana na ito maya maya lang.Mabuti pa,dito kana maghapunan.
Yun nga lang,pagpasensyahan mo na kung galunggong na pinirito lang ang ulam._Kuya Nonoy

"Naghahain na ako,bago mo ituloy yan mabuti pang kumain na muna tayo habang mainit pa yung galunggong,mas masarap itong kainin kapag bagong luto._Ate Chedeng

"Naku nakakahiya naman po,Pag uwi ko na lang ako kakain sa bahay.
Wag nyo na po akong alalahanin,busog pa naman po ako._AKO.
Pero wala naman akong nagawa ng pilitin nila ako ng mag asawang
sabayan silang kumain.Ayoko din namang isipin nila na maselan ako at ayaw kong kainin ang ihinanda nila.

"Marunong din naman palang magkamay ang mayayaman.At saka kumakain ka din pala ng galunggong.Akala ko kasi puro steak at mamahaling karne lang ang gusto mong ulamin._Kuya Nonoy.Hindi na ko magtataka kung alam nilang mayaman ako dahil sa kotseng dala ko.Pero atlis mayaman lang at hindi anak ng bilyonaryo.

"Maraming salamat po sa hapunan.masarap po pala talaga ang bagong lutong galunggong,malutong at saka malasa po.Wag po kayong mag alala, hindi porke may kotse hindi na marunong magkamay at mag ulam ng isda, gaya nyo simple lang din po ang buhay ko at madami dami na din po akong mga nakakasalamuhang mga simpleng tao lang.Mas masaya po talaga kapag simple lang._AKO.Bata pa lang ako,hindi na ako magarbo gaya ni Skyler.Kahit ng magkaisip ako at nalaman ko kung ganu kami kayaman,hindi ko pa din isiniksik sa kokote ko na pera ang nagpapatakbo lang sa mundo.

"Walang anuman.Salamat din sa pagpunta dito iha.Welcome ka palagi dito at sana wag mo kaming kalilimutan._Ate Chedeng.Tumango ako at saka nagpaalam na.Pasimple ko pa ngang inabutan si Neneng ng limang libo para may pambaon sya.Hindi naman kasi tumanggap ng bayad si kuya Nonoy sa ginawa nyang cellfone dahil wala naman daw syang pyesang binili kundi luma na din ang ipinalit nya.

After kong isoli kay Zee ang fone nya,Sa mansyon ako dumiretso at hindi sa apartment na nirerentahan ko.Kadarating lang kasi ng Dad at mom from Canada,dinalaw nila duon sina grand pop and grandmom.Agad akong nagmano at humalik kay mommy Dess pagkadating ko sa mansyon.
As usual,tanging sulyap lang ang bati sa akin ni Skyler na sya naman lagi nyang ginagawa kahit nuon pa man.Kami yung magkapatid na hindi close at showy sa isat isa pero ramdam mo naman yung connection kahit di kami madalas mag usap.

Kami yung magkapatid na hindi close at showy sa isat isa pero ramdam mo naman yung connection kahit di kami madalas mag usap

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Woooohh!Namiss ko itong anak kong ito.Grabeh,bakit ba sobrang ganda mo anak ha?hahahahha._Daddy TOP.Kaagad nya akong niyapos at hinalikan pagkakita sa akin.Si daddy yung tipo na masyadong sweet sa amin at masyadong touchy lalo na kapag dumarating sya from work.

"Daddy talaga,Gandang ganda sa akin.Hahahha.Di naman halatang miss moko nyan dad kasi grabe yung yakap mo eh,may kasamang pagpisil.
Hows grandpop and grandmom?_AKO.Casual kami dahil super cool nina dad and mom.Both of them are supportive din sa pagiging lesbian naming magkapatid.Yes,lesbian kami pero magkaiba.Sa porma,buhok at saka sa lifestyle kasi mas open si Sky sa pagiging hard butch nya,Unlike me na babae pa din sa buhok at pananamit(may plano din akong magpa short ng hair,soon) pero hindi nga lang mahilig gumamit at mag apply ng mga kolorete sa mukha.

"Naku,Yang tatay nyo naman kapag di kayo nakikita hindi mapakali.Para bang sinisilihan ang pwet at gusto ng umuwi.As if naman palagi kayong nandito sa bahay.Sabi ko nga,pinayag payagan mong magkaroon ng sarili nilang apartment tapos gusto mo naman palagi mong nakikita._Mommy Dess.She is still pretty and sexy kahit may edad na.Hindi ako magtataka kung bakit sya nagustuhan ng daddy nuon kahit na open book naman ang pagiging womanizer nya nung kabataan.

"Dont worry dad,Dadalasan ko ang pagbisita dito kapag wala akong work sa VAL.Baka kasi maging busy ako this month dahil sa nagleave yung head pilot namin at kami ni AJ ang kapalit._Skyler.Kahit bago pa lang silang graduate ni Aloha Villareal,madali silang nakapasok sa VILLAREAL Airlines dahil pagmamay ari yun ng pamilya nila.

"Sana nga anak ko.Totoo ang sabi ng mommy nyo,Excited ako palaging makita at makausap kayo.Ganun ako mula pa nung pinanganak namin kayo ng mommy nyo,As in sa inyo sumentro ang buhay naming dalawa.
_Daddy.Kaya mula ng ipinanganak kami,hindi na nambabae pa si dad.

"Dad naman,baka magka iyakan na naman tayo nyan eh.Dont worry,mas mapapadalas akong dadalaw dito dahil bakasyon pa naman.Pero kapag nagsimula na ang klase ko sa Pre law,pahirapan na naman tayo bago magkita kita nyan.Sorry mom,dad...Alam nyo naman ang buhay estudyante._AKO.

"Wala kayong aalalahanin mga anak.Basta kung ano ang magpapasaya sa inyo,suportado namin kayo.Kahit ano pang gawin nyo,kahit pa mag asawa kayo,Wala kaming tutol ng mommy nyo,basta sa happiness nyo._Daddy Top.

"Wag kayong maniwala dyan sa daddy nyo.Ayoko pa kayong mag asawa.
I enjoy nyo muna ang buhay nyo at ang kabataan nyo.Ayoko pang maging lola.At lalong ayoko pang makita na meron ng ibang mag aasikaso sa inyo at ibang babae na lalambingin bukod sa akin,gusto ko ako lang._Mommy Dess.

"Hahahahaha.Mommy talaga,sympre ikaw pa din ang number one para sa amin.Saka hindi pa ako ready sa commitment habang nag aaral pa ko.
Mahirap din kasing makahanap ng kagaya mo mom,parang wala yatang hihigit sayo._AKO.I adore my mom so much,Hindi lang sa pagiging maganda nya,matalino at masipag.Higit ko syang hinahangaan sa pagiging mapagpatawad at mapagpasensya nya sa mga kapilyahan ni Daddy sa mga babae.Hindi nya hinayaang masira ang pamilya namin at hindi sya nagpadaig sa mga taong nagtangkang agawin sa kanya ang pinakamamahal nya.Si Daddy TOP.

"ROOFTOP PRINCESS (KATIE&GUCCI)"THE BILLIONAIRE HEIRESSES "  GxG SERIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon