65.KATIE

1K 45 1
                                    

   Malaki ang pasasalamat ko kay Martha dahil sa maagap nyang pag rescue sa akin habang hawak hawak ako ni Diego at kamuntikan ng gawan ng masama

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Malaki ang pasasalamat ko kay Martha dahil sa maagap nyang pag rescue sa akin habang hawak hawak ako ni Diego at kamuntikan ng gawan ng masama.Tinawagan daw kasi sya ni Gucci na pakitignan ako sandali at sabihang on the way na sya papunta sa apartment.At saktong pagdating nga ni Gucci,nadatnan nyang inaalalayan ako ni Martha dahil nakaramdam ako ng panghihina at pagkatakot na din.Habang si Diego naman ay nakayuko lang sa isang sulok at hindi makapaniwala sa kanyang pagtatangka sa akin na gawan ng masama.

"Nag confess na si Diego ng live on television.Inamin nya na ang ginawa nya sayo at pati sa plano nyang pagkuha sana sayo nuon dun sa bundok.
Nilinaw nya na din na talagang walang namamagitan sa inyong relasyon at ginawa nya lang daw iyun dahil sa kagustuhan nyang malayo ka sa mga gustong manligaw sayo.Ganun sya ka possessive at ka obssessed na mapunta ka sa kanya.grabeh din eh!_Channel.Dinalaw nya ako dito sa rooftop sa kauna unahang pagkakataon.Andito din si Venice na palagi ko ng kasa kasama kahit saan ako magpunta ngayon.

"Ay sinabi mo pa Madam.Grabe talaga yan si Diego ka obssessed kay Miss Katie.As in,halos oras oras yata syang nasa table ni Miss Katie para lang kausapin sya.Tapos lahat ng mga guys na kumakausap kay Miss Katie,Masama ang tingin nya.Mabuti na lang nung lumipat ng ibang network si Miss Katie,Nawala na yung aninong bubuntot buntot palagi sa kanya._Venice.

"Pero infairness sa kanya ha,After nyang makita na umiiyak na ko talaga sa takot hindi nya na talaga itinuloy na gawan ako ng masama.Para syang binuhusan ng malamig na tubig at saka ako biglang naitulak malapit sa gilid nung rooftop kaya ako biglang nanghina ng tuluyan._AKO.
Eksenang nadatnan ni Martha kaya kaagad nya akong inalalayan.
Saka ako tuluyan ng nawalan ng malay habang may isang tao pa akong naaninag na papalapit sa akin.

"Kahit na ano pa ang gawin nyang pagsisisi,Hindi na maibabalik nuon ang tiwala ng tao sa kanya.Sirang sira na sya sa lahat lalo na ang kredibilidad nya as a news anchor.Dapat lang syang makulong dahil sa ginawa nya sayo._Channel.

"Syanga pala,Kamusta naman yung mommy nya? For sure,Lalo sigurong nagalit yun sa kanya sa ginawa nya noh?Ang balita ko,Sobrang hate na hate nya si Diego dahil anak daw sya ng taong kinamumuhian nya._Venice
Isa yun sa mga pumipigil sa akin na para ipakulong si Diego.Naaawa ako sa kanya.Pinagkaitan na sya ng pagmamahal ng kanyang sariling ina,Tapos hindi ko pa din naibigay sa kanya yung pagmamahal na yun.

"Don't tell me may simpatya kapa sa Diego na yun after ng mga ginawa nya sayo ha?Naku Katie,Wag kang ma guilty.Dapat syang makulong sa ginawa nya sayo.Kahit pa sabihin na nating kulang sya sa pagmamahal at aruga ng isang ina,hindi ibig sabihin nun pupwede na syang mamwersa sa babaeng hindi sya gusto kahit na ano pang gawin nya._Channel.

"Hindi naman sa ganun,Kaya lang kahit naman papaano naging mabuting kaibigan naman sya sa akin.At saka naiintindihan ko yung pinanggagalingan ng pain na nararamdaman nya.Nakadagdag pa sa sama ng loob nya yung nalaman nyang isang Pamintuan ang pinili kong mahalin.Sobrang laki talagang bigat nun sa nararamdaman nya._AKO.

"Sabagay may point ka naman dun.Come to think of it nga naman.Sa dinami dami ng pupwedeng maging karibal nya sa puso mo ay anak pa ang taong naging dahilan ng pagkawasak ng puso ng nanay nya.Aakalain ba naman niyang babae pa ang magiging karibal nya sa puso mo diba?
Haaaay naku,Ang life nga naman._Channel.

"Syanga pala,Nakasalubong ko si Miss Martha kanina sa baba.Mukhang may lakad dahil naka pantalon at puting tshirt.Pero nakalimutan yatang magsuklay dahil nakasabog sa mukha yung buhok nyang basa.Ang ganda nya pala pag sa malapitan,Akala ko kasi ordinaryong babae lang eh._Venice

"Ay totoo ka dyan.Maganda nga sya talaga.May kakaiba syang awra at appeal na hindi mo kaagad mapapansin sa umpisa.Pero kapag nakasama mo na sya at nakausap,malakas ang dating nya pero hindi sya feelingera at hindi sya makikitaan ng pagyayabang at pagmamalaki sa kapwa._AKO.

"Wow ha,Mukha ngang may something dyan sa kapitbahay mo.
Pero sabi mo nga diba,may na si sense kang hindi mo lang matukoy kung ano sa kanya.Sa palagay mo,bakit ganun na lang sya kamapagbigay at matulungin sa kapwa?Baka may pakpak sya or halo kaya?_Channel.
Saka kami biglang nagtawanan.Akala ko pa naman ay seryoso syang magbibigay ng trivia about Martha.

"Ang maganda mong gawin,Isama mo sya sa mga gatherings na pinupuntahan nyong mga mayayaman.Tapos ipakilala mo sya sa kanila para naman kahit papano,makatulong ka sa kanya na i promote ang mga paintings nya.Sa ganun,mas madami syang paintings na maibenta,mas madami pa syang matulungan._Venice.May katwiran si Venice.Sa dami na din ng naitulong sa akin ni Martha,gusto ko namang ibalik din ang pagtulong na ginawa nya sa akin.

"Good idea!Ang galing mo dun Venice!Mas madami tayo,mas masaya diba?Teka,Wala ba kayong usapan ngayon ni Gucci na magkikita at parang hindi ka yata nagmamadali ngayon?_Channel.

"Masyadong busy yun sa pag aaral at bihira lang kaming lumabas kapag talagang importante lang.Mas gusto nyang dito na lang sa apartment mag stay kaya dito sya didiretso mamaya after class.At dito din sya matutulog kaya chill chill lang ako dito habang nag aantay sa pagdating nya._AKO

"Ayun naman pala,May pagmo moment na magaganap mamayang gabi kaya steady lang.E di ikaw na!Hindi pa kayo magpakasal para mas intense?Saka bakit ba kasi ayaw nyo pang umamin sa madla,Dinaig nyo pa ang mga celebrity couple na ayaw umaming sila na eh!_Channel

"Sira!Hindi naman sa ayaw umamin noh.Wala namang nagtatanong at walang may pakialam.Ayaw lang naming magka problema sa trabaho at sa school.Alam mo na,Kapag nag open kami sa public may masasabi at masasabi sila which is ayaw naman naming gawin kaming pulutan ng mga tao.Kapag pareho na kaming stable,saka kami mag oopen up sa public._AKO.

"Welll,kung yan ang trip nyong dalawa e di sige lang.As far as im concern, mas okey kung maging open na kayo sa lahat para wala ng iba pang makigulo.Ang dami kayang nagkakagusto dyan sa jowa mo,Ikaw din baka masingitan ka.hahahah_Channel.

"Korek!Ang yummy naman kasi ni Gucci talaga.Lalo na nung nag pagupit na sya ng buhok,Lalong naglaway yung mga kababaihang may mga gusto sa kanya.Ang dami kaya nyang followers sa IG kahit tatatlo lang yung pic na ipinost nya dun.At eto pa ang highlight ng kwento about her.Kahit ang pinakasikat na attorney na si Quijano pala ay may pagnanasa din dyan kay Gucci kaya sya ang kinuhang assistant nito at dun sya nag OJT nuon._Venice.

Bigla akong naalarma sa balitang yun.Kaya naman pala malapit na malapit si Quijano kay Gucci nuon,dahil may gusto pala sya kay Chi at hindi si Chi ang may gusto sa kanya.Sa isang banda,Proud ako sa sarili ko at sa boyfriend ko dahil kahit madaming nagkakagusto sa kanya ay ako naman ang gusto at mahal nya.

Sa isang banda,Proud ako sa sarili ko at sa  boyfriend ko dahil kahit madaming nagkakagusto sa kanya ay ako naman ang gusto at mahal nya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"ROOFTOP PRINCESS (KATIE&GUCCI)"THE BILLIONAIRE HEIRESSES "  GxG SERIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon