38.KATIE

951 51 4
                                    

                                      Umabot sa mahigit kumulang sampung milyon ang total ng mga donasyong nakalap ng kauna unahang charity event na ginanap kagabi.Labas na duon ang mga ginastos at mga binayarang tao para sa event.Successful ang unang charity ball na ginanap at masaya ako sa naging resulta.

"Pasensya kana Martha,Hindi kasi pumayag ang management ko na may ibang foundation na ii endorse bukod sa foundation nila kaya hindi ko mapagbibigyan ang request mo._AKO.As usual,dito kami nagtagpong muli ni Martha sa rooftop.

"Its okey Katie,Wala kang dapat alalahanin.Hindi mo naman kasalanan yun at naiintindihan ko din naman sila.May mga nakausap na din naman akong taga ibang network and inaantay ko na lang din na payagan sila ng management._Martha.Gaya ng una ko syang nakita dito sa rooftop, magulo na naman ang buhok nya at malaking shirt ang suot.

"Salamat.Pero wag kang mag alala.Gumawa naman ako ng ibang paraan para makatulong sa foundation.Nag held ako ng isang charity ball para sa mga kakilala kong mayayaman at nagkaroon naman ng magandang resulta._AKO.Iniabot ko sa kanya ang isang sobra na naglalaman ng cheke.

"Sampung milyong piso? Wow,Are you serious?Napakalaking halaga nito Katie.Napakaraming mga bata na ang madurugtungan pa ang mga buhay dahil sa laki ng halaga nito.Ginawa mo talaga lahat yun para sa foundation?_Martha.Nasa mukha nya ang pagka gulat.

"Maliit na halaga pa nga yan kung tutuusin,Mas marami at mas malaking di hamak na donasyon at sponsorship pa sana  ang pwedeng matanggap ng Happy soul foundation kung pinayagan lang kayong makapag advertise sa telebisyon.Pasensya na ha._AKO.Yumakap sya sa akin at saka bumulong.

"Unang kita ko pa lang sayo,Alam ko ng napakabuti mo.Kaya naman nilakasan ko ang loob ko na lapitan ka dahil ramdam ko na hindi ako mabibigo.Salamat sa tulong.Diyos na ang bahalang gumanti sayo.
Ngayon pa lang,Nararamdaman ko na darating ang napakaraming blessings sayo._Martha.

"Walang anuman.Actually,sayo lang ako nakakuha ng idea kung pano nga ba magbalik sa kapwa ng sobra sobrang blessing.Dati,Hindi ko naman naisip na darating ako sa point na magpapa event ng kagaya ng ginawa ko para lang sa ibang tao.Pero iba pala kapag nakakagawa ka ng maganda para sa kapwa,Masarap sa pakiramdam._AKO.

"Yan din ang una kong naramdaman nung una akong nagpa exhibit para sa foundation.Sabi ko nuon,bakit ba ko mag aaksaya ng panahon sa pagtulong gayung sarili ko nga hindi ko matulungan.Pero after kong iabot sa Happy soul foundation ang kauna unahan kong cheke,MAY KAKAIBA akong naramdaman na hindi ko maipaliwanag.And the rest is history.
Bawat obra na nabibili sa akin,may 20% na kaagad akong itinatabi para sa foundation._Martha.

"Excuse me?Magandang araw po. Maputol ko lang sana kayo sa pag uusap.Kayo po ba yung dalawang tenant na nagrerent dito sa apartment?_Boses na naggagaling mula sa may garden.Saglit kaming parehong napalingon ni Martha sa pinanggalingan ng boses at nagulat ako sa nakita ko.

Agad kaming lumapit sa kanya kaya hindi ko napansin na malapit na pala ako sa gilid ng rooftop.Bigla akong kinabahan.

"GUCCI? Anong ginagawa mo dyan,Bakit ka nasa garden ng rooftop ko?_
AKO.Saka ako napatakip ng bibig.Parang alam ko na kung sino at ano ang ginagawa nya dito.Napaurong tuloy ako sa pagkabigla.

"KATIE? Katie G ng Guillermo Empire? Anong ginagawa...Teka,Dont tell me, Ikaw ang tenant na sinasabing nagrerent dito sa rooftop?_Gucci.Saka ako biglang na out of balance at napaupo sa sahig.Nakaramdam kasi ako bigla ng pagkalula at ang pakiramdam ko nasa gilid na ako ng rooftop.

Kaagad naman akong tinulungang tumayo nina Martha at mabilis naman akong binuhat ni Gucci at saka ibinaba buhat sa rooftop.
Sumakay kaming dalawa sa kotse nya at saka nya pinaharurot ang sasakyan.

"Miss Guillermo,Mabuti na lang at hindi kayo masyadong nabalian.
Pero hindi nyo pa pwedeng pwersahing igalaw yang kaliwang paa nyo ha,
Mag ingat po kayo._Doctor Alvarez.Sa GGH ako dinala ni Gucci kaya mabilis akong naasikaso ng mga doctor.

"Im sorry kung nagulat yata kita kaya ka na out of balance.Hindi ko kasi ini expect na ikaw pala ang tenant na tinutukoy ni Ate Menggay kaya ganun na lang ang reaksyon ko pagkakita sayo.Im so sorry.Hindi dapat kita ginulat ng ganun._Gucci.Nasa mukha nya ang pag aalala kaya naawa naman ako sa kanya.Ganung ganun din sya nuong nasa bundok kami.

"Ayos lang naman ako,hindi naman daw masyadong malala ang damage sabi ni Doc.Saka hindi mo naman kasalanan yun,Lampa lang kasi talaga ko._Hindi ko lang masabi sa kanya na malulain kasi ako kaya pakiramdam ko mahuhulog ako sa rooftop dahil nasa gilid ako naka pwesto.

"I didnt expect to see you in my apartment.Wala akong idea na isang prinsesa pala ang nakatira sa itaas ng rooftop ko.Since naging busy ako sa exam,wala na akong time para makamusta ang mga tenant ko.Kaya naman laking gulat ko ng makita kita,Tapos nagkaganyan kapa.Haaaist!
_Gucci. Parang gusto kong haplusin sya sa mukha habang nagsasalita sya ng ganun.Papano ko ba sa kanya ipaliliwanag na wala syang kasalanan para wag na syang malungkot.

"Ang mabuti pa,Bumalik na tayo sa bahay.Hindi ako komportable na nandito sa hospital lalo pa at wala naman akong malalang sakit.
Okey lang ba na magpahatid sayo pauwi?_AKO. Nagpaalam lang sya sa akin na kakausapin ang doctor at pagkatapos ay magkasama na kami ulit sa kotse nya.

"Are you sure na okey ka lang?Gusto mo bang tawagan ko ang mom and papa mo para malaman nila ang kalagayan mo?_Gucci.Nag uusap kami sa kotse na parang casual lang.Pero bakit parang medyo tinatambol ang dibdib ko?Umayos ka puso,Porke nagbago ng image at gwapong gwapo ang dating nya ngayon sa maiksi nyang buhok dapat ka ng kumiri ng ganyan?

"Wag.Wag mo ng sabihin sa kanila at siguradong mag aalala lang ang mga yun.Hindi naman grabe ang injury ko,Ilang araw lang at okey na ito for sure.Ako na lang ang bahalang makipag usap sa kanila._AKO.Ayoko din kasing pati sa apartment ay maglagay sina mom at papa ng bodyguard na kasama ko.Ayoko talaga ng may kabuntot na bodyguard hangga't maaari.

"Okey,Ikaw ang bahala.Pero this time dahil guilty ako sa pagkaka ganyan mo,Ako na lang muna ang magiging alalay mo pansamantala.Alam ko naman na kaya ayaw mong malaman nina ninang na napilayan ka dahil ayaw mong pabantayan ka nila sa mga tao nyo._Gucci. Ayos!Alam na alam talaga nya ang style ko.Malamang kasi dahil ganun din sya.Ayaw na ayaw ng may nakabuntot na bodyguards.Ibang iba kay SKY na kahit nasaan,proud na ipinakikilala sa mga tao ang kasama nyang mga bodyguard.

Pero teka,Anong sabi nya?Sya muna ang pansamantalang bodyguard ko?
Ohhh noooh!Ibig bang sabihin nun,Palagi kaming magkasama kahit saan magpunta? Teka lang naamaaan...Ang lakas kaya ng kabog ng dibdib ko kapag nandyan sya,Papano na?





"ROOFTOP PRINCESS (KATIE&GUCCI)"THE BILLIONAIRE HEIRESSES "  GxG SERIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon