56.KATIE

983 50 3
                                    

                        Hindi ko inasahan na ipapatawag ako ni Mama Terry at kakausapin tungkol sa matagal ng kaso tungkol sa muntikan naming pagkapahamak nuon ni Maui sa bundok

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

                        Hindi ko inasahan na ipapatawag ako ni Mama Terry at kakausapin tungkol sa matagal ng kaso tungkol sa muntikan naming pagkapahamak nuon ni Maui sa bundok.Hindi ko alam na patuloy pa din pala sila sa pagpapa imbestiga sa kaso.

"Anak,Bakit hindi mo sa amin sinabi ng Mommy mo na minsan ka na palang pinagbantaan ni Pocholo Hipolito na gagawan ng masama dahil sa pakikialam mo sa tatay nya?Alam mong hindi kami pwedeng manahimik na lang ng ganun._Mama Terry. Hindi ko ini expect na pati si Gucci pala ay nakikipag tulungan din para ma solve na ang kaso.Mayroon daw syang nakuhang ebidensya sa pinangyarihan ng insidente.

"Nakuha ang bracelet na ito sa mismong lugar kung saan nakausap ng mga guide yung mga suspek.May initial na PH ang likod ng bracelet at iisa lang ang tinutukoy na pwedeng gumawa nun sayo,Si Pocholo Hipolito.
_Ninang GD.

"Pero hindi naman po tayo nakakasiguro duon.Napakaraming tao ang may initial na PH at maaaring isa din sa mga taong nagawan ko ng di maganda ang pwedeng gumawa nun._Maui.Kahit sya man kasi ay kasama din sa pag uusap usap naming lahat.

"Tama si Maui Tay GD,Hindi tayo nakakasiguro duon.Nagkataon lang na si Hipolito ang nasa hotseat ngayon dahil sa kinasangkutan nyang gulo sa bar pero hindi naman pupwedeng sya na din ang ituro nating suspek.
Mas makabubuting mag focus tayo dun sa mga guide,Imposibleng hindi nila matandaan ang mukha ng mga nag utos sa kanila._Aloha.

"I already talked to them and naniniwala ako na wala silang alam sa identity nung mga nag utos.Ngayon,kung sa palagay nyo wala ngang kinalaman si Pocholo sa nangyari nuon,then sino na ang sa palagay nyong may galit o nais maghiganti kay Maui or Katie? _Gucci.Nakatingin sa akin si Gucci.Pakiramdam ko,mayroon akong dapat i confess sa lahat para mas maliwanagan sila.

"I must admit.Mataray nga ako at mapanghamak kung minsan.Pero dun lang sa mga taong hindi ko talaga gusto.Masama bang diretsahin ko silang sabihan na hindi ko sila gusto, o paasahin pa sila sa wala? Kaya siguro naman,hindi darating sa point na pag iisipan nila akong gawan ng masama dahil lang sa napahiya ko sila at inayawan ng harap harapan.
Kung meron man silang motibo na saktan ako,Siguro dahil sa pera at hindi dahil sa pamba busted ko sa kanila._Maui.

"About sa pamilya ni Senator Hipolito,Nalaman ko na may karelasyong congresswoman si Senator at meron silang anak.Pero hindi ko yun inilabas sa media dahil wala naman yung kinalaman sa pulitika at tungkol sa graph and corruption lang ang kasong tinutukan ko nuon.Aaminin ko,pinagbantaan ako ni Pocholo dahil nga ayaw nyang malaman ng publiko na may anak ang tatay nya sa ibang babae.Kasi ayaw nyang masaktan ang mommy nya kaya nya yun sinabi sa akin.But after that, nanahimik na sila at hindi na ako kinausap pa._AKO.

"Bakit di mo sinabi sa amin yun anak? Are you sure,Wala ng iba pang ginawa sayo ang anak ni Senator Hipolito bukod sa pagbabanta?
Anak,dapat sigurong magdala kana palagi ng bodyguards sa tabi mo.
Delikado yang mayroon na palang nagbabanta sayo na hindi namin alam ng Mama mo._Mommy Joyce.

"Kaya nga ayaw sabihin ng anak nyo kasi mag aalala kayo masyado.Gaya ngayon.Gusto din sympre ng mga bata na mamuhay ng normal lang.
Isipin nyo na lang,San ka nakita ng news reporter na habang nag i interview ng suspek o biktima ay may mga nakadikit na bodyguard sa likod niya?Ang sa akin lang naman,Wag nating gawing bigdeal ang lahat lahat.May mga civilian bodyguards ang mga anak natin na hindi nila nakikita,okey na yun sa ngayon and so far naman maganda at maayos ang buhay nating lahat diba?_Ninang Top.

May point si TOP.So ngayon ganito na lang muna ang gagawin natin.
Tuloy lang sa imbestigasyon at kayong lahat...(Aloha,Maui,Sky,Gucci and me) dapat magsasabi kayo kung saan kayo pupunta.Wag na wag kayong maglilihim sa amin para hindi kami nag aalala ng husto sa inyo.
Lagi nyong tatandaan,Hindi kayo kagaya lang ng ibang normal na kabataan na pupwedeng gawin at puntahan ang mga gusto lang puntahan.Dapat alam at siguradong secured muna kayo bago ang lahat.
_Ninang GD.

"That's right! Very well said Boss GD! Para yan sayo SKYLER na puro pag gimik ang alam! Anyways,Ngayong okey na naman ang lahat at nangako na ang mga bata na magsasabi na palagi sa atin kapag may problema sila,Bakit hindi tayo mag celebrate.Kumain muna tayo sa TERRY'S para naman mas lalong masarap ang kwentuhan._Ninang Top.

"Okey sige,Dun na tayo sa Main branch para ipasara ko na sya kaagad.
Mga bata,sumunod na lang kayo duon at mauuna na kami._Mama Terry.
Kaagad syang tumawag sa main branch para makapag ready na sila duon kaagad ng mga pagkain.Biglaan lang kasi itong meeting kaya wala silang idea na magpapa reserved pala ng pagkain.

"Wait me here,Pinakuha ko lang yung car ko kay Kuya Marlon.Mas okey na yung tayong dalawa lang sa kotse para makakapag usap tayo ng solo lang._Gucci.Bumulong sya sa akin ng bahagya at hindi nagpahalatang magkausap kami.

"Brad,Sa amin kana sumabay ni Aloha.Ako na lang ang magda drive para mas mabilis._Sky.

"Hindi na,Pinakuha ko na yung kotse ko para may sasakyan na din ako pag uwi.Si Maui na lang ang isabay nyo._Gucci.

"Okey sige,Kita na lang tayo dun.Ikaw Katie,Sa amin kana sumabay kung gusto mo?_Sky.

"Hindi na,Sa akin na lang sasabay si Katie.Pareho lang kami ng uuwian mamaya kaya ako na ang bahalang mag sakay sa kanya._Gucci.Tumango lang si Sky at saka sila naunang sumakay na sa sasakyan.

"Haaaay grabe kanina,Para akong nasa hotseat.Hindi ko akalain na pag uwi ko pala ay ganito ang sasalubong sa akin.Hindi ako prepared._AKO.
Magkatabi kami sa kotse ni Gucci papunta ng Terry's Makati branch.

"Honestly,Nagulat din ako sa naging revelation mo about Pocholo pero parang mas okey sana  kung sinabi mo na din sa kanila yung tungkol sa ginawa sayo ni Diego before.Mas magaan yun sa dibdib.Wala ka bang balak sabihin yun sa parents mo?_Gucci

"Sasabihin ko din naman,humahanap lang ako ng tyempo.Baka kasi imbis na makatulong,mas lalo pang gumulo.Personal naman kasi ang galit ni Diego sa akin at walang kinalaman sa nangyari nuon sa bundok.Nagawa nya lang siguro yung pagsugod nuon sa apartment ko dahil nasaktan ko ang feelings nya._AKO.

"Come to think of it,Bakit nuon namang hindi pa tayo close ay hindi ka nya pinakikitaan ng di maganda.Pero after na maging okey na tayo,saka lumabas yung tunay nyang kulay at ikaw ang binabalingan nya.Hindi ba dapat sa akin sya nagagalit dahil nasa akin na ang atensyon mo at hindi na sa kanya?_Gucci.

Hindi ako naka imik pa.Basta ang natatandaan ko lang,after kong ikwento sa kanya(Diego) na okey na kami ni Gucci at nagkakausap na.Bigla na lang syang nagbago sa akin.Bago pa lang kaming nagplano na umakyat ng bundok nuon,ay okey pa naman ang huli naming pag uusap ni Diego.

"ROOFTOP PRINCESS (KATIE&GUCCI)"THE BILLIONAIRE HEIRESSES "  GxG SERIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon