8.GUCCI

1.2K 47 0
                                    

           Katatapos ko lang sa pagbabasa ng makapal na libro dito sa library ng dumating si Zee na parang pagod na pagod

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

           Katatapos ko lang sa pagbabasa ng makapal na libro dito sa library ng dumating si Zee na parang pagod na pagod.Tumabi sya sa akin sa upuan na walang kagana gana at saka ipinikit ang mata.

"Hey panyero,Parang lowbat ka yata ah!Kadarating mo pa lang dito sa school tapos ganyan kana?hahahaha.Gusto mo bang magmiryenda muna?_AKO.Siguradong madami na naman syang nilabhang damit nila ng mga kapatid kaya ganyan sya kapagod.Sa dami nilang magkaka patid na lahat ay pinag aaral nya,siguradong tambak na labada na naman ang hinarap nya bago pumasok sa eskwela.

"Gabundok na labada nga ang nilabhan ko kanina panyero,At mano mano kong nilabhan yun dahil sira yung washing machine namin.Di ko naman maasahan yung mga kapatid ko sa paglalaba dahil lahat sila ay pumapasok din._Zee.Kaagad kaming tumayo at saka lumabas ng library para pumunta sa canteen.

"Kasi naman ini spoiled mo yang mga kapatid mo.Dapat kanya kanya na kayo ng laba para hindi ka naiipunan ng ganyan.Teka nga pala,anong sira ng washing machine nyo bakit di mo ipaayos?_AKO.

"Alam mo kasi panyero,Sa kagaya naming mahihirap hindi uso yung kanya kanyang laba.Bukod sa magastos sa tubig at sabon,malakas din sa kuryente kung washing machine ang gagamitin.Isa pa,mahal magpagawa ng washing machine kaya inaantay ko na lang mabakante sa trabaho nya yung pinsan ko,marunong yun sa pangangalikot ng kung ano ano eh._Zee.

"Ikaw talagang tao ka napaka kuripot mo.Pagpapagawa lang ng washing machine mag aantay kapa ng libre,imbis na pahinga na nung pinsan mo aabalahin mo pa.Hay naku tara na nga sa counter ng makapag miryenda na muna bago mag start yung klase._AKO.Sabay kaming tumayo na sa
pwesto namin para umorder ng makakain.

"Hindi yun pagkukuripot panyero,Praktikal lang.Saka isa pa,hindi pa naman siguro ganun kalala yung sira nung makina ng washing machine, kapag sa iba ko yun pinatingin,malamang singilin pa ako ng mahal tapos kaunti lang ang deprensya ang sasabihin kailangan ng ganito at ganyan.
Ikaw ba,kapag may kaunting damage yung mga tanim mo sa paso,tumatawag ka kaagad ng hardinero? Hindi ba ikaw lang ang personal na nag aayos ng mga halaman mo right?_Zee.

"Iba naman yung halaman sa appliances.Palagi mong ginagamit yun kaya kailangan talaga ng propesyonal na mag aayos.Parang celfone mo lang, imbis na palitan mo na ng mas bagong model,talagang nag stick ka lang na yan ang gamitin talaga?Ikaw na si sentimental Zee!_AKO.

"Hahahahha.Bakit ba,kita mo namang gumagana pa ito noh.Saka hindi mo naman kailangang magpalit kaagad ng bago kung pwede pa namang maayos.Parang relasyon lang yan eh,Kahit ang gulo gulo basta pinipilit nyong ayusin,hindi nyo kailangang palitan kaagad._Zee.

"Humugot kapa dyan!Alam mo ikain mo na lang yan.As if naman may relasyon kang aayusin e wala ka ngang girlfriend.Puro libro at part time job lang ang alam mong gawin!hahahah._AKO.Ganito kami ka open sa isat isa ni Zee.Alam namin pareho kapag may problema ang isa sa amin.

"Nagsalita ang may lovelife?Hahahha.Busy nga ako sa pag aaral at trabaho, pero ikaw wala ka namang pinakaka bisihan pero zero din naman ang lovelife mo ah.Alam mo mag jowa kana,para magkaroon naman ng kulay yang boring mong buhay!hahahaha._Zee.Kasi nga naman, sa edad kong ito,never pa akong pumasok sa isang relasyon.Hindi ko alam kung takot lang ba akong matulad sa mommy TOP ko at maging womanizer din gaya nya or mas takot lang ako na masaktan at lokohin lang.

"Nangako nga kasi ako kay momshie na   tatapusin ko muna ang pag aaral ko bago ako magka gf.Saka isa pa,wala naman akong makita na kasing ganda at kasing bait ng momshie Dess ko kaya pass na muna ako sa pag ibig.Mauna kana magka lovelife para naman hindi puro libro yang kaulayaw mo sa gabi._Ako.Kung pihikan ako sa babae,si Zee naman ay  may mga naka relasyon na din habang nag aaral kami.
Kaya lang,hindi din tumatagal dahil nga wala syang time.Madami kasi syang part time job at busy din sya sa pag aaral.Idagdag pa ang pagiging nanay at tatay nya sa mga kapatid nya.

"Pero Chi,Bilib din ako sa pamilya nyo eh.Kahit sobrang yaman nyo,Bakit lahat kayo walang ka ere ere?
kahit si Skyler,kapag nakikita din ako nun talagang una pang bumabati sa akin kahit saan kami magkita.Kung tutuusin,sa estado ng buhay nyo lalo kana,Hindi mo pag aaksayahan ng panahon makipagkaibigan sa hampaslupang gaya ko eh._Zee.Napailing na lang ako sa mga sinasabi nya

"Alam mo gutom lang yan Zee.Makahampaslupa ka naman wagas!Hindi ako sa estado ng isang tao nagbabase para maging kaibigan ko.Basta tapat at totoo sya sa akin,kahit sino pa yan.Makapagsalita ka,parang napaka babang uri mo.Alam natin pareho na hindi ka habambuhay na nasa ibaba, Bukod sa talino at sipag mo,siguradong madaming opurtunidad na naka abang sayo pagka graduate natin kaya ngayon pa lang kinakabahan na ko na baka mas madaming kliyente ang magtiwala sayo kaysa sa akin._AKO.
Hindi malayong mangyari na isang araw,maging matagumpay na abogado si Zee.At isa ako sa matutuwa kapag nangyari na yun.

"Hahahhaha.Yan ang gusto ko sayo Chi eh,Masyado kang bilib sa akin.
Salamat ha.Hayaan mo,kapag nangyari yang sinasabi mo Ikaw ang gagawin kong partner sa lawfirm ko para pareho tayong sumikat at yumaman._Zee.Saka ko sya tinapik sa balikat.Alam kong hindi lang pagyaman ang dahilan ni Zee kaya nya gustong may marating,Gaya ko, gusto nya ding makatulong sa mga taong pinagkaitan ng hustisya.

"Aba'y bilisan na nating kumain ng makapasok na sa room.Baka mahuli pa tayo sa pagkuha ng exam,maunsyami pa yung pangarap nating magkaroon ng sariling lawfirm.hahahaha._AKO.

Simple lang naman ang pangarap ko.Makatapos ng pag aaral at tumulong sa kapwa ko.Saka na muna ang pag ibig.Sa ngayon,gusto ko munang magfocus sa pag aaral dahil hindi biro ang maging abogado.Ilang taon pa ang kailangan kong gugulin para sa pangarap ko.Pasalamat na din ako sa matalik kong kaibigan na si Zee dahil hindi nya ako pinagdadamutan sa mga nalalaman nya at palagi nya akong sinusuportahan.Kaya naman ganun din ako sa supportive sa kanya sa lahat ng bagay.

"ROOFTOP PRINCESS (KATIE&GUCCI)"THE BILLIONAIRE HEIRESSES "  GxG SERIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon