3.KATIE

1.6K 47 0
                                    

Bakit ba magkalayong magkalayo sa ugali at personalidad ang magkapatid na SKYLER AT GUCCI samantalang pareho lang naman silang anak ng Bilyonaryong si AUNTIE TOP? Napailing na lang ako sa kakaibang trip ng bunso ng mga Pamintuan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Bakit ba magkalayong magkalayo sa ugali at personalidad ang magkapatid na SKYLER AT GUCCI samantalang pareho lang naman silang anak ng Bilyonaryong si AUNTIE TOP? Napailing na lang ako sa kakaibang trip ng bunso ng mga Pamintuan.Masa,Walang ka ere ere sa pagkilos,pananamit at pananalita,simpleng tao at walang ka make up make up pero ang ganda ganda pa din.Teka,Bakit ba buong magdamag na lang na sya ang nasa isip ko?haaaaist KATIE,manong matulog kana at maaga kapa bukas.

"Katie anak,Gising kapa ba?_Mama Terry.Kumatok sya sa pinto ng kwarto ko,Kapag dumarating sya mula sa business trip,kahit na hating gabi pa o madaling araw man,gigisingin at gigisingin nya ako sa room ko para makita at makausap.

"Mama...Patulog na po ako,Bukas na lang tayo mag usap._AKO.Sinadya kong umarte na ayaw ko syang makausap dahil gusto ko ung kinukulit nya ko para kausapin.Miss na miss ko din kasi sya kapag ilang araw o linggo syang nagta travel.

"Hindi ako magtatagal,Ibibigay ko lang itong pasalubong mo._Mama Terry
Saka ko sya pinagbuksan ng pinto at saka sinalubong ng yakap at halik.
Ganun ako kalapit at kalambing sa mama Terry ko,Kahit na dalaga na ako
hindi pa din mapagkakaila ang pagiging Mama's girl ko.

"Hahahahha.Sinasabi ko na nga ba at hindi kapa talaga antok eh.Basta pasalubong talaga,nabubuhayan ka.Akala ko pa naman ako yung gusto mo makita.Nakatampo ka anak._Mama Terry.Like me,may pagka isip bata din si Mama.Ganun yata talaga kapag solong anak.

"Mama naman,Sympre miss na miss kita noh!Kaya lang ma,Parang ang childish naman ng hug and kisses natin...Para pa din akong bata.hahahaha
Anyways,Ano nga pala yung pasalubong mo sa akin?_AKO.Saka nya inilabas yung susi mula sa bulsa nya at saka iniabot sa akin.

"A brand new car mama?_AKO.Last birthday ko lang nung niregaluhan nya ako ng brandnew car kaya hindi ako makapaniwala,pero susi itong iniabot nya sa akin kaya yin kaagad ang naisip ko.

"Ay teka naman anak,Kabibili ko lang ng kotse sayo...Gusto mo ba kaagad palitan?_Mama Terry.Kahit nasa 50's na si Mama,Ang ganda ganda nya pa din na parang artista.

"So ibig sabihin,hindi ito para sa kotse? Dont tell me bigbike ang regalo mo?Wow!_AKO.Nuon kasing nag aaral pa ako sa college,Sobrang gustong gusto ko ng motor pero ayaw nila Mama at mommy na bilhan ako dahil malapit daw sa disgrasya kapag naka motor.

"Gusto mong maaga kaming matsugi ng mommy mo sa pag aalala sayo kapag motor ang binili ko?Hindi yan susi ng kotse o motor,Susi yan ng unit na titirahan mo.Hindi ba't matagal mo ng gustong magrent ng bahay na malapit sa trabaho mo sa QC,kaya ayan hinanapan na kita._Mama Terry.

"Really Mama,As in pumapayag na kayo ni mommy Joyce na bumukod ako?Teka,hindi ba ko nananaginip lang,Talagang susi ito ng tutuluyan ko?_AKO.Kinurot kurot ko pa ang sarili ko dahil baka nga natutulog na ako at nananaginip.

"Sira!Ano bang nananaginip ka dyan?Ikaw talaga,manang mana ka sa akin na para pa din bata.hahahaha.Kaya nga napag isip isip namin ng mommy mo na payagan kana magsolo para naman matuto kang tumayo sa sarili mong mga paa.Ayaw naman naming pigilan ka sa mga gusto at mga pangarap mong gawin sa buhay mo.Basta ipangako mo na hindi ka muna mag aasawa ha._Mama Terry.Naalala ko bigla ang Mommy,Bakit kaya si Mama lang ang kumausap sa akin at hindi sya kasama.Siguro ay hindi nya pa ganun katanggap na mahihiwalay na ko sa kanilang dalawa.

"Thanks Mama,Pangako ko po na hinding hindi ko kayo bibiguin at hindi ako gagawa ng mga bagay na hindi nyo magugustuhan.Wag po kayong mag alala ni Mommy,Hindi pa ako mag aasawa.Malayo pa yun sa priority ko ngayon.Gusto ko pang makilala at maging magaling na tagapagbalita.
_AKO.

"Salamat din anak sa lahat.Napaka saya namin ng mommy mo sa lahat ng mga narating mo at mga achievements na natatanggap mo.Sanay magtuloy tuloy pa ang pagyabong ng karir mo at maging masaya ka.
Kami ng mommy mo ay palagi lamang nandito para gabayan at samahan ka sa pagtupad ng mga pangarap mo.Basta palagi ka lang mag ingat anak._Mama Terry.Muli ko syang niyakap ng mahigpit at saka hinalikan sa pisngi.Napaka swerte ko din sa pagkakaroon ng parents na sobrang supportive sa akin mula pa pagkabata ko hanggang ngayon.

May tatlong palapag ang apartment na nasa harapan ko ngayon.
Mula sa di naman kasuluk sulukang lugar dito sa QC,na papasok pa sa isang subdivision ko natagpuan ang bahay na titirahan ko.

Pagpasok mo sa gate,Sa may bandang kaliwa ang hagdan pag paakyat ka ng 2nd floor habang sa kanan naman ang hagdan paakyat sa pinaka rooftop o ang 3rd floor.Kaya hindi na ako nagpatumpik tumpik pa at dire diretso na ako sa pag akyat sa 3rdfloor.

Kaya hindi na ako nagpatumpik tumpik pa at dire diretso na ako sa pag akyat sa 3rdfloor

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Hello,Hello Miss Guillermo.Welcome sa aming humble home._Babaeng nasa 40's na ang edad sa tantya ko.Medyo chubby sya at mukha namang mabait at masayahin.

"Salamat po Ma'am.Kayo po ba ang may ari nitong apartment?_AKO.Nakipagkamay ako sa kanya at sa iginala ang mga mata sa palagid.Dahil walang bubong dito sa labas ng room,Parang nag alanagn ako dahil baka bumabaha dito kapag naulan.

"Ay naku iha,Caretaker lang ako dito.hahahhaha.Pero dahil ako naman din lang ang pwede mong kausapin kapag meron kang complain or nais malaman tungkol sa unit mo,Para na din ako ang may ari nito.Dun ako sa katabing bahay nakatira,Yung number ko alam mo na naman kaya tawagan mo lang ako kapag may tanong o problema ka._Caretaker.

"Ganun po ba,Sige po Ate tatawagan ko na lang po kayo kapag may mga itatanong ako.Salamat po pala sa pag welcome.Ako nga po pala si Karen Jodie Guillermo.Just call me Katie na lang po._AKO.

"Naku,Kilala kita.Ikaw yung news anchor sa TV BALITA.Sikat ka kaya kahit na madalas sa field ka lang nila isinasabak.Fan mo nga ako eh.Ako naman si Ate Menggay.Syanga pala,maalala ko lang ano...Yan kasing mga bonsai at mga bulaklak na nakatanim sa mga paso na yan,Yung nasa 1st floor ang may ari.Araw araw nyang dinidiligan at minomonitor yan kaya baka magulat ka kapag may tao kang makita paglabas mo_Ate Menggay.

"Wala pong problema.Pero mabuti na lang din at sinabi nyo kaagad,Baka nga kapag nakita ko na may tao dito,magsisigaw na lang ako ng magnanakaw at magsilabasan ang mga nakatira sa ibaba._AKO.Nauna naman nyang sinabi sa akin na mga babae din ang nagrerenta sa dalawang kwarto sa ibaba kaya kampante ako at hindi masyadong nag aalala.

"Gaya ng sabi ko sayo,mababait ang mga makaka sama mo dito.Ilang taon na din silang nangungupahan dito kaya kilala at mapagkakatiwalaan silang mga tenant.Sya sige,mauna na ko at alam kong gusto mo na ding makapag pahinga.Welcome ulit and keep safe._Ate Menggay.Pag alis nya saka ako pumasok sa room na inuupahan ko.

Isang bagay lang ang pinagtatakahan ko kay Mama Terry...Kung bakit sa dinami dami ng pera namin,At kung gugustuhin nya,kayang kaya nya naman akong ibili at ipagpatayo ng sarili kong apartment kahit ilan pa,mas pinili nya akong patirahin at paupahin lang sa ganitong lugar?

Rooftop room na halos sing laki lang ng salas namin sa mansyon ang kabuuan ng loob ng silid,Nauna ng pina interior design ni mommy ang kabuuan ng silid bago pa ko dito dumating,Maaliawalas,presko at malinis ang lugar pero hindi kalakihan.Mabuti na lang at malaki ang kama ko at spacious ang closet para sa mga damit ko.May kaliitan nga lang ang bathroom at walang bathtub.May mini kitchen din at mini sala.Halos lahat ay mini lang pero okey na din dahil hindi naman ako marunong magluto.

Sa labas naman ang labahan at sampayan.Meron ding swing at saka maliit na upuan at mesa kapag trip mong tumambay lang at magpahangin sa labas ng rooftop.Dahil tatlong palapag lang naman sya,Hindi masyadong nakakatakot at nakakalula kaya nagustuhan ko na din ang lugar.

"ROOFTOP PRINCESS (KATIE&GUCCI)"THE BILLIONAIRE HEIRESSES "  GxG SERIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon