14.GUCCI.

1K 51 0
                                    

       Nakaramdam tuloy bigla ako ng lungkot pagkakita ko sa mini garden ko dito sa rooftop

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

       Nakaramdam tuloy bigla ako ng lungkot pagkakita ko sa mini garden ko dito sa rooftop.Bukod sa lumiit na ang space,parang nawalan ng buhay ang mga bulaklak na nakatanim duon.Pero wala naman akong choice dahil ayun ang gusto ng bagong tenant.Mas mabuti na din na mayroon na akong sariling daan para sa privacy na din ng nangungupahan.

Matapos kong mabisita ang rooftop,Kaagad din akong umalis para makipagkita kay Atty.LARA QUIJANO.Sa kanya ako na assign para mag assist.Trainee na din ang turing nya sa akin kahit na hindi pa naman ako nagsisimula sa pag aaral ng Law.Dalaga pa sa edad na trenta'y singko.

"Good Morning po Attorney.Pasensya na po kung medyo na late ako sa usapan natin.May dinaanan pa po kasi ako._AKO.Sa isang bakeshop kami nagkita ngayon.Ito daw kasi ang paborito nyang bakeshop.

"Good morning din.Its okey,hindi ka naman late,maaga lang talaga ako.
Saka diba sabi ko naman wag tayong maging formal kapag wala naman tayo sa opisina.I told you,its Lara.Come on,have a seat.Tikman mo itong inorder kong cake,super favorite ko sya talaga._Attorney.Alanganin man pero pinilit ko pa ding magpaka pormal at harapin sya ng kaswal gaya ng gusto nya.

"Hello Attorney! Maaga ka yata ngayon.Itinawag ng manager ko na nandito ka nga daw kaya nagmadali naman akong pumasok kaagad.
Kamusta ka naman?__Magandang babae na medyo malusog lang ng kaunti.

"Ohhh,Channel.Nice to see you.Okey naman ako,Ikaw ba?_Atty.Lara.
Nagbeso sila ni girl at saka sya ngumiti naman sa akin.

"Ayos din naman Atty.Salamat sa palaging pagtangkilik sa mga product ko.Suki ka na talaga ng bakeshop ko at masaya akong maging costumer ka._Chubby girl.

"Naku,Ako nga ang dapat magpasalamat dahil sa masasarap mong cakes.
Alam mo namang ito ang weakness ko lalo na kapag may mga kaso akong hinahawakan,pampawala ng stress.Btw,This is my student assistant nga pala,si Gucci.Gucci,sya naman si Channel,the owner of this bakeshop._Atty.Lara.

"Nice to meet you Ma'm._AKO.Inabot ko ang kamay ko sa kanya.

"You mean,GUCCI Pamintuan?Really?_Channel.Medyo gulat ako na kilala nya ako gayung iilan lang naman ang nakakakilala sa akin.

"Yes,The one and only!Wala ng iba.Hahahaha.I knew it,Hindi ka sigurado dahil bihira naman syang magpakita sa mga tao.At lalong hindi sya makikita sa mga sosyalan at party places na pinupuntahan natin kaya hindi mo sya mamumukhaan._Atty.Lara.

"Ohhh my gaaad!Nakikita ko lang sya sa malayuan at saka hindi up close and personal like this.Parang palang artista sa ganda._Channel.Medyo namula ako sa papuri dahil parang OA naman yata sa pagkaka describe.

"Hahahahha.Alam mo bang ganyan din madalas ang reaction ng iba ko pang nakakausap kapag sinasabi kong si Gucci Pamintuan ang student assistant ko.Kaya nasanay na din ako.Pero look at her,Parang hindi sya aware na ganyan sya ka famous sa mga tao._Atty.Lara.

"Ahhh,Pasensya na pero pwede bang maki banyo saglit._AKO.Isinenyas naman sa akin ni Channel kung saan papunta ng CR at saka ako nagmamadaling pumasok.Sa totoo lang,hindi ako sanay mag handle sa harap harapang papuri.Madalas kong madinig sa ibang tao na maganda nga daw ako na parang artista pero hindi ko yun pinapansin at hindi ko inilalagay sa ulo ko.

Nadatnan kong mag isa na lang sa table si Atty.Lara at inaantay lang pala ako para umalis na kami.Gaya ng dati,sa kotse nya ako sumasakay kapag may mga pinupuntahan syang meeting o kliyenteng dapat kausapin.

"Hahahaha.Hindi kapa din ba nasanay sa mga tao na pinupuri ka ng harap harapan?Naimagine ko tuloy kung gano kapula yang mukha mo ng mga oras na yun.Galing pa mismo sa crush mo ha._Zee.Kinuwento ko kasi ang nangyari kanina sa bakeshop,Alam kasi nya na crush ko si Atty.Lara.

"Manahimik ka nga,Baka may makarinig sayo nakakahiya! Fyi,Hindi lang naman ako kay Atty nahihiya nun,pati na dun sa bakeshop owner.
Masyado naman kasing OA yung pagka gulat nya na ako si Gucci Pamintuan.Para namang nakakita sya ng korean pop idol sa ka OA yan!_AKO.

"Baka naman kasi kilala ka nga ni girl kaya nagulat na nagpakita ka sa madlang pipol.Sino ba naman kasing mag aakala na isang Pamintuan ang maliligaw sa bakeshop nya._Zee.

"Ayyy,Isa ka pa ding OA eh.Ano bang bigdeal sa pagiging Pamintuan ko ha?Pare pareho lang tayong mamamayan ng Pilipinas.Minsan ayoko ng mag kwento sayo,Masyado kang eksaherada._AKO.

"Eh kasi naman,Kahit pa anong pilit mong pagtatago sa pagiging simple mo,hindi mapagkakailang anak mayaman kapa din.Look at you,Sa kinis at sa ganda mong yan,sinong mag aakala na maganda din ang hanap mo.
Hahahaha._Zee.Napataas na ang kilay ko.Maganda din naman kasi si Zee,
Madami din ang nagkakagusto sa kanya.Pero mas napapansin pa din ako ng mga tao at yun ang iniiwasan ko sanang mangyari.

"Ewan ko sayo.Mabuti pa pumasok na tayo sa room para makapag review pa tayo kahit sandali.Nga pala,musta naman yung babaero nating prof na ina assist mo,madami bang pina gagawa sayo?_AKO.

"Sa palagay ko wala akong ibang matututunan sa buong OJT  days ko kundi mag order ng ibat ibang klase ng bulaklak sa flower shop  at magpareserve ng table for two sa mga mamahaling restaurant._Zee.

"Seryoso?As in ganun talaga kadami ang chiqs na nagkakandarapa sa kanya?Wow ha,E di sya na talaga._AKO.Balitang maging ang mga estudyante sa Uni ay pinapatos ni Prof. basta alam nyang mayaman at magaganda.

"Actually,Wala naman akong makitang kaibig ibig sa kanya bukod sa well,magandang lalaki naman talaga sya.Alam mo bang nakaka turn off ang pagiging kiss and tell nya.Panay ang pagyayabang nya sa mga ginagawa nya sa mga  babaeng nakaka date nya.Akala nya siguro ikinagwapo nya yun.Yucck!_Zee.

"Mabuti na lang at pinangunahan mo na si prof na sabihing hindi kayo talo dahil kung hindi,baka isa kapa sa mabiktima nya.hahahaha._AKO.Ramdam kong biglang na INSECURE si prof kay Zee mula ng malaman nyang babae din ang type niya at ayaw nya sa mga lalaki.

"Subukan nya lang na diskartehan ako,baka mapahiya sya.Alam na alam ko kaya ang mga galawan nya.Saka hindi ko sya type.Mas gwapo pa ko sa kanya noh!_Zee.Nagtawanan na lang kami habang papasok kami ng room.May mga ka klase na kaming nauna sa loob.Karamihan ay mga naka tutok sa pagbabasa ng libro.

Mahirap ang kursong pinag aaralan ko,Hindi biro ang maging abogado.
Pero dahil ito ang pangarap ko,sinisikap kong magsikap sa pag aaral.
Mas malaking oras pa ang ginigugol ko sa pag stay sa library kaysa sa pakikipag bonding sa pamilya ko pero dahil ito ang choice na gusto kong gawin,Alam kong naiintindihan ako ng pamilya ko.



"ROOFTOP PRINCESS (KATIE&GUCCI)"THE BILLIONAIRE HEIRESSES "  GxG SERIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon