42.GUCCI

964 54 3
                                    

                                       

                        At nagviral na nga ang mga kuhang larawan namin ni KATIE na magkayakap sa Picnic grove sa internet

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

                        At nagviral na nga ang mga kuhang larawan namin ni KATIE na magkayakap sa Picnic grove sa internet.Dahil kilala sa larangan ng pagbabalita si Katie,Hindi nakaligtas sa mata ng publiko ang pagkakaroon daw di umano namin ng lihim na relasyong dalawa.

"Congratulations to the both of you! Hindi na kami nagulat ng malaman namin ang relasyon nyo.Kami'y tuwang tuwa na kayo pa lang dalawa ay may lihim ng unawaan._Daddy TOP.Agad na hinanap ng mga mata ko si Katie.At nang mapatingin ako sa kanya ay kitang kita ko sa mukha nya na tila hindi sya  natutuwa sa mga nangyayari.

"Mga anak,Hindi nyo naman kailangang itago pa sa amin ang relasyon nyo.Pareho naming tanggap at gustong gusto na kayong dalawa ang magkatuluyan.Kaya ngayon pa lang,ibinibigay na namin sa inyo ang aming mga basbas._Momshie Dess.

"At nasa sainyo naman ang pagpapasya kung kelan nyo gustong lumagay na sa tahimik.Hindi kami nagmamadali dahil alam naman namin na nag aaral kapa Gucci,Habang si Katie naman ay kasisimula pa lang sa kanyang career bilang journalist.Basta andito lang kami para gumabay sa inyo._Ninang TERRY.

"Tama yun,Wag muna kayong magmadali at maging padalos dalos.I enjoy nyo na muna ang pagiging magkasintahan at magkasabay nyong tuparin ang inyong mga pangarap.Hindi kami hahadlang sa inyong pagmamahalan!_Ninang Joyce.Lahat naman sila ay nagsipalakpakan at masaya kaming niyakap at kinamayan na parang mga bagong kasal.

"Ahhhh,Paumanhin lang po sana lahat.Meron lang po sana akong gustong klaruhin.Sana po ay pakinggan nyo muna ang aking sasabihin._AKO.
Napahinto naman ang lahat sa pagsasaya at saka nasentro ang atensyon nilang lahat sa akin.Nakatingin din sa akin si KATIE at nag aabang din sa sasabihin ko.

"Tol,Wag mo na kaming i suspense.Bring it on!_SKY.Pasigaw nyang biro sa akin.

"Woooohhhh! GOOOOO GUCCIII! _Aloha.

"Gusto ko lang sanang klaruhin ang maling mga balita na kumalat.
As all you know,Madaming mga "FAKE NEWS" na usong uso ngayon sa internet at isa na kami ni KATIE sa biktima nito. Im sorry to dissapoint all of you guys,but KATIE and I are not into a RELATIONSHIP._AKO.

Muli akong tumingin kay KATIE na steady lang ang expression na para bang sinasabi na TAMA yang ginawa mo,dahil alam nating pareho na may totoong boyfriend na ako.

"Seriously mga anak,Hindi talaga kayo magkarelasyon?Ohhh come on!
Akala pa naman namin na totoong nagkaka gustuhan na kayo._Ninang GD
Nakita ko naman sa mukha nina mom and Dad ang dissapointment at kalungkutan.Pero ayoko din naman silang paasahin dahil ayokong makasira ng relasyon ng may relasyon.

"Well,Kung hindi nga naman totoo bakit nating pipilitin.Pasensya na mga anak kung mas naniwala kami sa mga "FAKE NEWS" na yan at hindi na muna namin kayo personal na tinanong at pinagpaliwanag._Ninang Terry
Ramdam ko na biglang nawalan ng buhay bigla ang kanina ay masayang salo salo. Maya maya pa ay nauna na akong nagpaalam na uuwi na sa apartment ko.Mabigat sa dibdib,pero kailangan kong tanggapin na may nauna ng nag mamay ari sa puso ni Katie.

Maaga pa lang kinabukasan ay umakyat na ako sa rooftop para magdilig ng mga tanim kong bulaklak.Malapit na ako sa taas ng makadinig ako ng isang malakas na tili.Mula sa apartment yun ni KATIE kaya kaagad kong binuksan ang pinto ng room nya.

"Katie?Anong nangyari,Bakit ka sumigaw?_AKO. Nadatnan ko syang nakaupo sa floor malapit sa pinto na parang takot na takot.
Isang napakalaking bouquet ng flowers ang nakita kong nakatumba sa harapan nya.

"Pleaaseee...Paki alis sa harapan ko ang mga bulaklak na yan.Pakiusap.
I hate it.I reallly hate it!_Katie.Nagtakip sya ng mukha na sinipa sipa papalabas ng room nya yung mga bulaklak.Agad ko namang inilabas sa room nya ang bouquet at saka binasa ang laman ng maliit na sobre.

"Para sa prinsesang malapit ng mapasa akin...Hintay ka lang at magkakasama din tayong dalawa"

P.H.

"Katie,May idea ka ba sa nagpadala sayo nitong bulaklak? Sinong PH ang nananakot sayo? Kilala mo ba sya?_AKO.Maari kayang  iisa lang ang P.H. na nagpadala kay KATIE ng bulaklak ngayon at ang P.H. na nakaiwan ng bracelet nya sa gubat?

"I don't know kung sino ang P.H na yan,basta ayokong makakita ng bulaklak.pleaaasseee ilayo mo sa akin ang mga yan.Wala akong pakialam kahit sino pa sya,Basta ayoko ng bulaklak._KATIE. Saka ko narealize na parang halos  magkapareho din ang naging reaksyon nya nuong nasa "FLOWER FARM kami at ngayong nakakita sya ng bouquet of flowers.
Nanginginig at pinagpapawisan ng malapot.

"Okey,Just relax.Wala ng bulaklak.Itinapon ko na...Gusto mo bang dalhin kita sa hospital?_AKO. Inalalayan ko na syang tumayo  at inakay para maupo sa sofa.Kumuha din ako ng tubig para mahimasmasan sya ng kaunti.Maya maya lang ay bumalik na din sya kaagad sa normal.

"Pasensya kana kanina ha,Naabala na naman kita.Wag kang mag alala,okey na ko.Kalimutan mo na lang sana yung nakita mo at wag ng ipagsabi kahit na kanino.Aasahan ko yan ha._Katie.Tumango naman ako sa kanya at hindi na nga muli pang nagtanong.Ayoko namang isipin nyang tsismosa ako.Umalis lang ako sa room nya ng makita kong okey na man na sya.

"Shhiiiit! Bakit ba hindi ko kaagad naisip at napansin yun! Napaka Insensitive ko talaga. Bakit now ko lang narealize na takot sa "BULAKLAK" si KATIE._AKO.Agad namang tinakpan ni Zee ang bibig ko dahil napasigaw ako sa loob ng library ng Uni.

"Ano kaba Chi,Ang lakas ng boses mo!Baka palayasin tayo dito._Zee.
Halos pabulong nya lang na sabi at saka ako biglang natauhan.

"Zee! Alam ko na ang dahilan kung bakit ayaw ni Katie na nakikita sa rooftop ang mga tanim kong bulaklak.At kung bakit ganun na lang ang takot at pagtakbo nya papalabas nuon sa  "flower farm".
Nasundan pa ng pagsigaw nya at pamumutla ng makatanggap sya ng bouquet of flowers kahapon._AKO. Saka ko sa kanya ipinakita ang binabasa kong libro.

"Ibig mong sabihin,May Anthophobia si KATIE kaya ganun na lang ang takot nya kapag nakakakita sya ng bulaklak?_Zee

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Ibig mong sabihin,May Anthophobia si KATIE kaya ganun na lang ang takot nya kapag nakakakita sya ng bulaklak?_Zee.Tumango ako sa kanya at saka muling binalikan ang binabasa kong libro.
Base sa kabuuang paglalarawan sa kung ano nga ba ang pinagmulan ng phobia na ito,Maaari daw na nakuha nya ito sa isang pangyayaring naganap sa kanya nuong sya ay bata pa.

Saka ko naalalang muli ang mga naganap na aksidente nuon,Labing limang taon na ang nakalilipas.

"ROOFTOP PRINCESS (KATIE&GUCCI)"THE BILLIONAIRE HEIRESSES "  GxG SERIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon