50.GUCCI

1K 55 7
                                    

Tanghali pa lang ay tinatawagan ko na si KATIE sa telepono nya pero walang sumasagot.Hanggang sa matapos na ang huling subject ko ay hindi pa din nya sinasagot ang fone.Nagsimula na akong mag alala kaya naisipan kong personal na puntahan si Channel pero wala din daw syang idea.

"Channel,Favor naman kung pwede.Paki tawagan naman yung P.A nya na si Venice.Baka sakaling sagutin nya ang tawag mo para malaman ko kung kamusta sila duon._AKO.Nasa bakeshop kami at kasama ko si Zee.

"Sige i'll try to call her...sandali lang ha._Channel.Naka abang ako sa kanya at sumenyas naman sya na sinagot na ang tawag nya ni Venice.

"Chi,Ayos ka lang ba? Hindi ba parang ang OA naman nyang pag aalala mo considering na magkapitbahay lang kayong dalawa?Tapatin mo nga ako,Girlfriend mo na ba si KATIE GUILLERMO?_Zee.Pabulong lang nya akong kinausap para hindi madinig ni Channel na abala sa pakikipag usap kay Venice sa kabilang linya.

"Pwede ba mamaya na tayo mag usap tungkol dyan.Nakita mo ng nag aantay ako sa sasabihin ni Channel eh.Wait lang._AKO.

"Ayun naman pala kaya hindi sumasagot sa tawag dahil busy.Bumisita pa daw kasi sila sa private Island nila bago dumiretso sa Davao beach resort.
Tapos pagdating nila dun,Simula na ng interviews at may kaunting pa speech si Mayor kaya wala ng time mag celfone._Channel.

"So ayan okey kana?Wala naman palang problema eh,Bakit kaba masyadong tense dyan kanina pa.Talo mo pa ang boyfriend kung mag worry eh._Zee.Saka bahagyang natawa si Channel.

"Zee,Samahan moko papuntang Davao now.Babalik din tayo kaagad bukas._AKO.Nagulat naman sila parehas ni Channel sa sinabi ko.

"Sa Davao...tonight? Seryoso kaba dyan,Chi?Ang layo layo nun at saka may klase tayo bukas,hindi pwedeng umabsent._Zee.

"Babalik din tayo agad dito before lunch.Tara na.I'll call SKY and Aloha para magpasama sa kanila.Ako ng bahala sa damit mo,lets go.Bye Channel, thank you sa help.I owe you one.Bawi ako next time._AKO.Saka ko hinila si Zee na hindi pa din makapaniwala sa gagawin ko.

Saka ko hinila si Zee na hindi pa din makapaniwala sa gagawin ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Walang imposible kapag ginusto. Walang hindi kayang gawin kapag gusto mong makita ang taong mahal mo.

Isang oras halos ang itinagal ng byahe namin sa ere gamit ang private chopper ng Villareal.Si Sky ang nag piloto habang si Aloha naman ang nag aassist sa kanya.Magkatabi kami ni Zee sa passenger seat.

"Hindi ko naman kasi alam na kayo na pala ni Katie.Kaya pala ganun ka na lang ka worried na hindi sya sumasagot sa tawag mo.Sana manlang na inform ako diba?_Zee.Wala akong choice kundi umamin na din sa kanya pero hindi kina Sky at Aloha.Basta ang sabi ko lang,nagpapasundo si Katie dahil natatakot syang sumakay sa eroplano ng walang kasama.

"Alam mo,Hindi lang naman dahil sa fear of heights kaya ko susunduin si Katie.Nabalitaan ko din na kasama sa mga ipinadalang reporter duon si DIEGO.Panyero,Alam mo naman yung ginawa ng gagong yun kay Katie diba,Kaya ayokong makita syang lalapit lapit kay KATIE dahil baka hindi ko mapigilan at masaktan ko sya._AKO.Nalaman ko mula kay kuya Roger na andun din daw si Diego at isa sa mga representative ng network nila kaya mabilis akong nagdesisyon na puntahan si Katie.

"GUCCI? Anong ginagawa mo dito,Bakit nandito ka? Hindi ba may pasok ka?_Katie. Agad ko syang hinawakan sa kamay at inilayo kay Diego.

"Im here to take you home.Im so worried about you dahil hindi mo sinasagot ang mga calls ko tapos yun pala busy ka lang sa pakikipag usap sa Diego na yun?_AKO.

"GUCCI relax.Bakit ba ang init ng ulo mo.Pwede bang kumalma ka lang?
Hindi ko sya kinakausap okey?Nagkataon lang na nilapitan nya ako para humingi daw ng tawad pero wala naman akong balak na kausapin sya.
Im sorry kung hindi ko nasagot ang tawag mo dahil meron lang akong mga taong kinausap then pagdating ko dito,Nagsimula na kami sa pagtatrabaho.Its my fault,And Im so so sorry Gucci._Katie.
Kapag ganito ba naman ka ganda at kasexy ng kaharap mo,Hindi ba agad lalamig ang ulo mo?

"Alright,I got it! I know you didn't mean to do that.Tumawag din ako sa inyo at nakausap ko mismo si ninang Terry.Sinabi nga nya na kahit sa kanila,hindi kana din nakatawag dahil nga busy ka._AKO.Tumingin ako sa mukha nya na halata namang pagod nga at wala pang pahinga sa maghapon.

"Kaya nga eh.Sobrang busy lang talaga at saka hindi maganda ang pakiramdam ko kanina pagbaba ng eroplano.Parang masusuka ako.
_Katie.Naiimagine ko na yung itsura nya habang nasa eroplano sya at mag isa lang na nilalabanan ang takot nya.Sumandal ako sa kanya habang nakaupo kami sa buhanginan.

"I totally understand how you feel.Actually,Naikwento na sa akin nina Ninang Terry at Ninang Joyce ang nangyaring trauma sayo 15 years ago.
Saka ko narealize kung gaano kahirap sayo na harapin ang mga takot na yun na wala kang ibang pinagsasabihan at walang nakaka alam liban sayo lang,sa bestfriend mo at sa parents mo.Kaya pala ganun na lang ang pagkakahawak mo sa kamay ko at paghilig ng ulo mo sa akin nung sumakay tayo ng chopper._AKO.Part ako ng trauma na yun dahil kundi nya ako binalikan para samahang umakyat sa ladder,hindi sya magmamadali at hindi mahuhulog.

"Seriously,Kinwento sayo nila Mommy at Mama yun?Uhmmm,Ang alam ko kasi lihim lang ang story na yun dahil ayaw nilang maalala mo at muling bumalik yung traumatic experience mo 15 years ago.Sabi kasi nila,Sinisisi mo daw ang sarili mo nuon kung bakit ako naaksidente._Katie.
Sinabi ko na nabanggit din sa akin ni Channel yun kaya personal kong kinumpirma yun sa parents nya para mas malinawan.

"Totoo namang kasalanan ko ang lahat eh.Kundi dahil sa akin hindi mo mararanasan lahat ng ito.Kasalanan ko kaya kay natatakot umakyat sa matataas na lugar,Pati na sa mga bulaklak._AKO.Niyakap ko sya at saka ako napa hikbi ng bahagya.

"Shhhh...Akala ko ba pag aabogado ang course kinikuha mo?So malawak ang pang unawa mo sa mga bagay bagay.Alam nating parehas na walang tao na gustong mapahamak ang kapwa nila hindi ba? Alam na alam mo din na aksidente ang lahat at walang may gusto na mangyari yun.Kaya kung gusto mo kong tulungan para ma overcome ko ang mga fears ko,Dapat magtulungan tayo at hindi magsisihan.Tulungan mokong labanan ang takot ko Chi,Samahan moko hanggang sa matutunan ko na syang harapin ng walang pangamba dahil alam kong nandyan ka at kasama kita._Katie.Tumango tango ako at saka yumakap sa kanya ng mahigpit.

Hanggang sa muli kaming nagkatitigan.At unti unting naglapit ang aming mga labi.Sa simula ay banayad lang at maliliit ang halik na iginawad ko sa kanya,hanggang sa pareho na naming pinalaya ang aming mga dila at nagsimula na ang marubdob na palitan ng halik.

"ROOFTOP PRINCESS (KATIE&GUCCI)"THE BILLIONAIRE HEIRESSES "  GxG SERIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon