22.GUCCI.

1K 53 0
                                    

                                       Gaya ng inaasahan.Top 1 sa exam si Zee habang nasa top 15 naman ako.Hindi na masama sa kagaya kong aminado naman na nasa gitna lang at hindi talaga henyong gaya ng kaibigan ko.

"Congrats sa atin panyero,We made it to the top!_Zee.Nagyakapan kami sa tuwa.Para na din kaming nakapasa na sa bar exam sa saya dahil madami din sa batch namin ang bumagsak.

"Congrats din Panyero.Ikaw na talaga ang top notcher!hahahaha.
Ang galing natin pareho lalo kana.Muntik mo ng ma perfect yung exam ah!_AKO. Nakulangan lang daw ng kaunti yung prof na nag check sa exam paper nya sa reasoning nya kaya hindi nya na perfect yung test.Pero overall,sya pa din ang nag highest sa score.

"Kailangan ko na talagang magpaalam sa daddy mo na hindi na muna ako pwedeng mag sideline sa pagtatrabaho sa inyo._Zee.Nasa rules ng University na bawal na ang may mga trabaho sa mga incoming law students.Ang University ang syang nagpapa aral kay Zee bilang scholar kaya bawal na syang tumanggap ng iba pang trabaho.

"Wala namang problema yun kay Dad,Mas okey nga yun para naman makapag focus ka lang sa pag aaral at wala kang ibang iniisip._AKO.

"Salamat panyero.Buti pa kayo ng pamilya mo,nauunawaan ako._Zee.
Nag aaway kasi sila ng tatay nya dahil puro na lang daw sya libro at hindi na nakakapag asikaso sa pamilya nya.

"Ikaw naman,hindi kapa nasanay sa tatay mo.Wag mo na lang dibdibin masyado yung mga sinasabi nya sayo,Basta mag concentrate ka nalang sa pagiging Scholar mo para tuloy tuloy na ang pagiging magka sosyo natin sa law firm._AKO.Natawa sya sa akin at saka kami masayang sumakay na sa kotse ko.Papunta kami ngayon sa opisina ni Dad para ihatid ang mabuting balita at makapagpaalam na din ng personal si Zee.

"Congrats sa inyong dalawa.Sabi ko na nga ba at kayang kaya nyo yun eh!
Bakit hindi tayo mag celebrate.Kumain tayo sa labas.Tatawagan ko lang ang momshie mo at ang kapatid mo para mas masaya._Daddy.Kitang kita sa mukha ni Dad ang kasiyahan kaya naman sumang ayon ako sa gusto nya.

"Naku Boss pasensya na po,Need ko na kasing umuwi ng maaga ngayon.
Nag aantay na po siguro ang tatay ko sa akin.May usapan po kasi kami ngayon na maaga akong uuwi.Pasensya na po Bossing._Zee.Alam ko naman ang totoong dahilan kaya hinayaan ko na lang din syang umuwi na.

"Bunso,Im proud of you.Iba ka din talaga eh! Ang tyaga mo mag aral. Bilib ako sayo.Kapatid nga talaga kita.Bukod sa parehas tayong gwapo,may utak pa._Sky.Exclusive na fine dine in restaurant ang pina reserved ni dad para sa amin.VIP room na kami lang ang tao sa loob kaya solo lang namin ang lugar.Walang ibang tao.Hindi nakaka alangan kumilos.

"Thanks Sky.Panalo yung may utak kamo,pero dun sa parehas na gwapo medyo alanganin ako.Kasi mas gwapo ako eh.hahaha.Just kidding bro!._AKO.Sa totoo lang,Kakaiba ang charm ni Sky.Talagang malakas ang dating nya lalo na sa mga kababaihan.Nililingon talaga sya at agaw pansin ng mga tao kapag nasa crowd.

"Ganyan nga anak,Be proud and loud.Parehas kayong gwapo talaga dahil sa akin kayo nagmana.Tapos samahan nyo pa ng super sexy at super pretty nyong nanay.Tama ba ko babe?_Daddy.

"Totoo naman yun babe.Mana sa akin yang mga anak ko dahil kamukha ko sila pareho.Ang namana lang sayo ng dalawang anak mo ay yang pera mo.
Hahahaha._Mommy Dess.Natawa din kami ni Sky.

"Speaking of pinagmanahan  nga pala mom,dad.Nagkita kita pala last week sina Ninang Sally at Ninang  Joyce sa CK mall kasama sina Maui at Katie.Tapos sumunod duon sina Ninang Terry at Ninang GD._Sky.Napalingon ako sa kanya pagkadinig ko sa pangalan ni Katie.Something is strange.Bakit may kakaiba akong nararamdam pagka nadidinig ko ang pangalan nya?

"Really?Bakit di ako sinabihan.Humanda sa akin yung dalawang yun.Hindi nag aaya._Daddy.

"Nabanggit nga sa akin ni Sally yun nung magkausap kami.May itinanong kasi sa akin tungkol duon sa gagawing welcome ceremony nyong dalawa ni AJ sa VAL.Naikwento nga nya na biglaan lang yun dahil nag aya daw si Katie sa momshie nya na pumasyal ng CK para makita kung saan sya dati nagta trabaho._Mommy.

"Yes momshie,Yun din ang kwento ni Aj sa akin.Tuwang tuwa nga daw si Maui na nagkasama sila ulit ni Katie at nagpa plano na magkita kita kaming lahat.This time,Makakasama ka na naman siguro nyan bro dahil hindi kana masyadong busy._Sky.

"Depende siguro kung wala akong lakad.Matagal tagal na din kasi yung huli naming akyat sa bundok kaya baka matapat sa araw ng pamumundok namin hindi ako pwedeng di sumama dun._AKO.Obviously,Ayoko lang talaga silang makaharap lahat.Mula ng mangyari ang nangyaring aksidente nuon,Hindi ko na magawa pang pakiharapan sila gaya nung mga bata pa kami.

"Alam mo bro,Madali lang yan.Nasa tamang timing at saka sa availability lang nating lahat yan.Uhmmmm,Mas okey siguro kung sumama na lang din kami sa pamumundok nyo para mas exciting diba?_Sky.As if naman kaya nila ang buhay pamumundok?Nakikinita kinita ko na si MAUI na paniguradong unang unang susuko at aayaw.Samahan mo pa ng Katie G. na isa pa ding prinsesa na di yata sanay sa magubat na lugar.

"Magandang idea yan anak! Mas okey yun para mas mahaba ang time nyo together.Okey din sa katawan yang paglalakad.Hindi naman problema sa mga alalay dahil magsabi lang kayo at kami na ang bahala sa security nyo._Daddy.Napailing na lang ako.Kung sakaling matuloy ang hiking na yun,siguradong walang lakaran na magaganap kundi lahat silang kasama ay nasa private chopper at naka abang na dun sa bundok na aakyatan.

"Kelan ba yung hiking nyo anak para maitawag ko na yan kina Sally at Joyce?Im sure papayag ang mga yun lalo pa at kayo ang magkakasama.
Pwede din namang sumama kami para mas madami tayo.Tama ba babe?_Mommy.

"Mommy talaga.Okey lang na wag nyo na kami samahan dun.Kami kami na lang muna.hahahha.
And dont worry,Ako na ang bahalang makipag usap sa kanila.Basta kapag naayos na ang mga skedyul namin,Ipaaalam kaagad namin sa inyo dad,mom kung ano ang napagkasunduan._Sky.

Since malaki laki din ang bakanteng time ko para magrelax,at wala naman akong pwedeng idahilan para hindi makasama sa kanila...Siguro panahon na din para harapin ko silang muli.Kung ano man ang nagyari nuon sa nakaraan,Pupwede naman sigurong magsimula kaming muli na maging magkakaibigan gaya ng dati.

"ROOFTOP PRINCESS (KATIE&GUCCI)"THE BILLIONAIRE HEIRESSES "  GxG SERIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon