All along,Ang buong akala ko ay puro lang puno at kagubatan ang daraanan namin.Pero after ng isa't kalahating oras ng pag lalakad,Isang munting sapa naman ang tatawirin namin.Natatawa sila sa pagtili tili ni Maui habang naglalakad sa sapa.Akay akay sya ni RM kasunod ang kapatid nyang si AJ na naka sunod at naka alalay sa kanya.
"Miss Katie,Si Gucci na ang bahalang umakay sayo ha.Dito lang kami sa likod nyo naka antabay.Pauunahin na namin kayo habang inaantay pa namin yung iba._Jimin. Hindi na sana ako magpapa tulong sa pagtawid pero hindi pala ganun kadali ang paglalakad.Madulas ang mga bato sa ilalim kaya naa out of balance ako kapag wala akong hahawakan.
"Come here,Hold my hand tightly..Basta kumapit ka lang ng maige sa kamay ko para mabilis tayong makakatawid agad dito._Gucci.Wala naman akong choice kundi humawak sa kamay nya dahil kaming dalawa lang ang natirang naglalakad.Unang beses na magkadikit ang mga kamay namin after 15 years.May kakaiba akong naramdaman na di ko ma explain pero need kong mag focus sa daraanan namin kaya nagpatay malisya na lang ako.
"Wag mo din akong bibitawan ha,Baka madulas ako.Dahan dahan lang tayo sa paglalakad dahil ayokong mabasa masyado.Madali akong lamigin._AKO.Nakinig naman sya sa sinabi ko at dahan dahan nya akong inaalalayan sa paglalakad habang mahigpit ang hawak nya sa isang kamay ko.
"Be careful.May naapakan akong matulis na bato baka masugatan ka.
Come here,Dito ka sa side na to tumapak._Gucci.Dalawang kamay na ang paghawak nya sa kamay ko para masigurong hindi ako madudulas.
Infairness,Malambot ang mga kamay nya.Kagaya ko ding kasing walang ginagawa kaya parehas kami ng kamay."Mag focus ka sa dinaraanan mo at wag kang sa mukha ko lang tumingin.
Kapag nagkamali ka ng tapak,baka masugatan ka.Kaunti na lang at makakarating na tayo sa kabila._Gucci.Namula ako sa sinabi nyang nakatitig daw ako sa mukha nya.Bakit naman kasi nga sa kanya ako nakatingin at hindi sa nilalakaran ko.Haaiiist!Nakakahiya."Wait,Waaaiiit lang at may nakapa akong madulas na bato.Aaaaay! Aaaayyy!_AKO.Dahil nagulat sa reaksyon ko si Gucci kaya pati sya ay nawala na din sa balanse at magkasabay kaming napalubog sa tubig.
"What the...!Ohhh come on...Nabasa na tayong parehas.
Mahaba haba pa naman ang lalakbayin natin at basang basa tayo nito._Gucci.
Hindi naman pasigaw ang pagkakasabi nya sa akin na parang naninisi kundi mas parang nag aalala sya na basa pareho ang mga suot namin."Pasensya kana,Hindi ko naman sinasadya.May nakapa kasi akong madulas dun sa bato kaya bigla na lang akong nadulas dahil iiwasan ko sana.Sorry pati tuloy ikaw nabasa._AKO. Nagtatawanan naman sa amin yung mga naiwan nasa kabila pa ng pangpang at naabutan kaming napaupo parehas sa madulas na sapa.
"Chi,Nakunan namin kayo ng picture.Wala na kayong kawala.hahahaha.
Siguradong viral ito kapag ipinost ko._Pasigaw na sabi ni Kookie.Itinaas nya pa yung fone nya para makita namin na hindi sya nagbibiro lang."Lets go,Malayo na ang agwat natin sa mga nauna.Sabihin mo sa akin kapag nilalamig ka._Gucci. Para na syang tubig dun sa may sapa...Malamig ang pagkakasabi nya.Hindi katulad kanina na kalmado at natural lang.
Hindi ko magawang umangal na nilalamig ako dahil baka masabihan nya akong maarte kaya kaswal lang ako sa paglalakad at di nagpapahalata.
Basa ang pang ibabang mga damit namin kaya ramdam ko ang lamig sa binti ko at paa."Hello Sky,Nasan na kayo?Pabalikin mo nga muna si kuya Kulas at salubungin nya kamo kami.Nabasa kami si Katie at nilalamig sya.I need a blanket right now._Gucci. Mabuti na lang at may signal dito kaya sya nakatawag.
"Wag ka ng masyadong mag alala Chi,Okey lang naman ako eh.
Kaya ko naman yung lamig.Habang naglalakad tayo,matutuyo din sa hangin tong mga suot natin._AKO.Hinila nya ang kamay ko at saka ikiniskis sa palad nya.Muli na naman akong natulala sa ginagawa nya sa akin at napatitig sa mukha nya."Hindi ka nilalamig pero nanginginig na tong mga kamay mo? Look,Pwede bang wag kang magpanggap na okey ka lang dahil hindi ka magaling na artista.Kung ako nga nilalamig,ikaw pa kaya?._Gucci.Patuloy pa din sya sa pag rub ng kamay nya sa mga kamay ko para mainitan ako.Hinihipan nya din ang parehong kamay namin.Infairness ulit,Mabango sya talaga kahit kanina pa kaming umaga huling nagtoothbrush.
"Boss Chi,Okey lang ba kayo?Ito yung blanket na nirequest mo,saka nagdala na din ako ng mainit na kape para mainit kayo._Kuya Kulas.Personal bodyguard sya ni Chi sa pagkaka alam ko at sya din ang may bitbit sa bag na dala nya.
"Salamat kuya.Pasensya na sa abala,mukhang malayo na kayo ah.Salamat din sa kape,tamang tama ito kasi nagugutom na din kami._Gucci.
Itinapis nya kaagad sa akin yung blanket at saka inabot yung kape na nasa mug."Ako nga ang dapat mag sorry dahil hindi ko kayo naalalayan.Miss Katie, gusto nyo po bang pabalikin din si Pete?Ayos lang ba kayo?_Kuya Kulas.
"Wag na po kuya,Andito na naman po kayo eh.Okey na sa akin itong kapeng dala nyo,Salamat ha.Kung medyo natagalan pa kayo ng kaunti,malamang yelo na kami parehas ni Gucci._AKO.Napakamot naman sa ulo si Kuya Kulas at saka kami parehong natawa.Napangiti naman ng bahagya si Gucci pero binawi din ng mapansin nyang nakatingin ako sa kanya.
"Malapit na din tayo sa kanila boss,Kakaunti lang ang nilakad ko pabalik eh.Matagal kasi kaming namahinga dahil ayaw pa ni Miss Maui maglakad.
_Kuya Kulas.Malaki ang tulong ng blanket at kape sa amin dahil parehas na kaming normal ni Gucci ngayon.Hindi katulad kanina na kulang na lang magyakapan kami sa sobrang lamig."Namumula ka,Nilalamig kapa din ba?_Gucci.Pareho silang nakatingin sa akin na nag aalala.Hinawakan ni Gucci ang kamay ko habang naglalakad kami para daw mainitan ako.Hindi na ko umimik,Alangan namang sabihin ko sa kanya ang totoo na hindi naman na ko talaga nilalamig,nagblush lang ako sa naisip kong magyayakap kami para mainitan kanina.
"Ayyyy grabe na yan ha!Bakit may pagho holding hands na nagaganap?
Tapos parehas kayong namula bigla?hahahahha. Parang may nangyari sa inyo dun sa sapa ah!_Maui.Kaagad kaming nagbitiw parehas ng kamay na parang nakuryente.Nasa gilid pala sila ng daan kaya di namin napansin na dito sila nagpahinga.Naabutan namin silang katatapos lang kumain."Parang may something nga! Magka holding hands while walking,tapos pa sway sway pa,tsk tsk tsk! Akala nyo siguro nasa Luneta kayo noh?_Sky.
Isa pang bully na halatang gusto lang inisin ang kapatid nyang si GUCCI."May something may something pa kayo dyan,Ang bagal bagal nyo maglakad.Mahaba pa yung pahinga nyo sa nilakad nyo ah.Gusyo nyo bang dito pa tayo sa gubat abutin ng dilim?Tara na,baka maunahan pa tayo nung mga naflatan sa bagal nyo maglakad eh._Gucci.Nagmamadali syang sumabay na sa mga bodyguards namin habang magkakasabay kaming naglakad na ding apat sa likuran nila.
BINABASA MO ANG
"ROOFTOP PRINCESS (KATIE&GUCCI)"THE BILLIONAIRE HEIRESSES " GxG SERIES
RomanceTHIS IS ABOUT THE STORY OF FRIENDSHIP AND RELATIONSHIP OF TWO PEOPLE WITH THE SAME GENDER. MULA SA TAMBALANG SALLY AT GD,NAGKAROON NG "MAUI AT ALOHA" "Kinidnap na Pangarap" (Maui and Zoila love story) "Ang oldmaid kong stewardess" (Aloha and Gari lo...