21.KATIE.

1K 52 0
                                    

                              Masaya at kakaiba ang naging bonding experience namin ni momshie dito sa Mall

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

                              Masaya at kakaiba ang naging bonding experience namin ni momshie dito sa Mall.
Hindi naman talaga kami nagpunta sa mall para lang mag shopping kundi mag gala gala din.Gusto ko lang makita ang itsura ng dating pinagta trabahuan ng Momshie Joyce ko.Tinour nya ko sa mga lugar kung saan sya nuon naka pwesto,May mga ilan pang mga tauhan na  nakaka alala sa kanya duon panay ang papuri at pagbati sa kanya.Dumaan din kami sa main office ng CK mall kung saan kanina pa nag aantay sa amin si Ninang Sally.

"Welcome,Pasok kayo guys.Kanina ko pa nga kayo inantay.Sabi sa akin ni Malou naglilibot pa nga daw kayong mag ina.Kamusta naman,Madami ba kayong napamili?_Ninang Sally.Like Momshie Joyce,Napakaganda din niya kahit nasa singkwenta na ang edad.Nagmano at bumeso ako kaagad sa kanya.

"Eto,Nakakapagod maglakad.Iba na din kapag tumatanda talaga,madali ng hingalin.Ang tagal ko na kayang di nakapasok dito._Momshie.

"Hahahaha.Ganun talaga.Kahit nga ako na nakaupo lang dito madali na ding mangalay pag natagalan sa pag upo.Natuwa nga ako ng tawagan ako ni Terry na papasyal kayong mag ina dito kaya agad kong pinatawag yung mga marshall._Ninang Sally.

"Kaya pala sa labas pa lang may mga naka abang na sa amin.Salamat.
Kamusta naman yung kambal nyo? Matagal na namin silang di nakikita ah._Momshie.

"Ayos naman yung dalawang bata.Si Maui lang talaga ang hindi ko alam kung gusto pang grumaduate.Ayaw yatang iwanan yung eskwelahan nya.Si Aloha naman,kasisimula pa lang sa trabaho nya as pilot kaya relax relax lang muna.Ikaw naman iha kamusta?,Maganda naman ba ang trato sayo ng network nyo?_Ninang Sally.

"Okey lang naman po ninang,Medyo nangangapa pa din ako dahil bago lang pero keri naman po makipagsabayan._AKO.

"Mabuti naman kung ganun.Basta kapag may problema ka,Magsabi ka lang sa Mama mo dahil madaming kilala yun.Speaking of Terry,Susunod daw ba sya dito sa inyo?_Ninang Sally.

"Oo,Susunod daw sya.Sabi ko nga ayos lang naman kami dito pero ayaw papigil eh.Baka on the way na yun  ngayon._Momshie.

"Tamang tama dahil pinadaan ko si GD dito sa mall.Bihira na din tayong magkita kita kaya samantalahin na habang nandito na din lang kayo._Ninang Sally.Sabay sabay kaming napalingon sa pintuan ng bigla itong bumukas.Nakangiting MAUI ang bumungad sa pinto at saka nanlaki ang mata ng makita ako.

"Oohhh eemmmgeeeh,Its KATIE G! Im glad your here! Namiss kita bru!
_Maui.Natuwa din ako na makita sya.Atleast hindi ako maa out of place habang magkakausap sila Momshie at sila ninang.

"Miss din kita Maui,Grabe ha lalo kang gumaganda._AKO.Nagbeso kami at saka sya humalik sa nanay nya at kay momshie.

"Ayan,Mabuti at dumaan ka dito para may kausap si Katie.Im sure madami kayong chika sa isa't isang magkaibigan.Nakakatuwa kayong makita.Parang kami lang nuon.Namiss ko tuloy si Dess bigla._Momshie.

"Ninang Joyce,Namiss ko din po kayo.Ang ganda ganda nyo po talaga.
Bet na bet ko po yung ganyang pang beauty queen nyong features.
Pwede po ba akin na lang yang perfect skin color nyo?_Maui.Nagtawanan naman kami sa sinabi ni Maui.Iba kasi ang dating ng morenang kulay ni mom.Nakakainggit talaga.

"Hahahhaa.Naku iha,kung naipapasa lang ang kulay ko aba'y bibigyan kita._Momshie.Halos sabay namang dumating sina Mama at Ninang GD kaya kaagad akong hinila ni Maui sa loob ng isa pang room nila sa opisina pagtapos naming magbigay galang sa kanila.

"Katie,Kamusta ang lovelife mo?May boyfriend kana ba?_Maui. Naubo tuloy ako habang umiinum ng juice sa naging tanong nya.

"Kaloka ka naman,Nabigla naman ako sa tanong mo.hahahha.Bakit naman yan kaagad ang bungad mo,Dont tell me may bf kana?_AKO.

"Uhmmmm,Wala pa naman pero malapit na.Hahahha.Landi ko lang diba?
Wag kang maingay kina tatay at nanay ha,Ayaw pa nila kong mag jowa eh!
_Maui.Spoiled brat si Maui at saka tamad mag aral kaya siguro pinagbabawalan pa syang magka nobyo kahit na 22 na sya this year.

"Ganun ba?Well,Baka kasi dahil hindi kapa tapos mag aral kaya bawal kapa magka bf?_AKO.

"Kung gugustuhin ko naman talagang maka graduate  e di sana nuon pa.
Kung yun lang pala ang dahilan kaya nila ko ayaw magka jowa.Kaso hindi eh,Wag daw muna ako mag jowa unless aprubado nila yung guy._Maui.

"Talaga,Sinabi nila sayo yun?So papano na yan,Sabi mo malapit ka ng magka jowa.Itatago mo sa kanila na may karelasyon ka ganun ba?_AKO.
Imposibleng may maitago kami sa mga magulang  namin dahil bantay sarado kami sa lahat ng mga ginagawa namin.

"Kasi ganito yun,May prof akong gustong gusto.Professor sya sa college of Law dun sa Uni.Tapos nalaman nya na may gusto ako sa kanya kaya ayun, medyo nagpaparamdam na sya sa akin.Pero hindi pa naman seryoso ha, mga pa cute lang muna._Maui.

"Hahahhaha.Ikaw talaga.E di goodluck na lang sayo girl.Pero since taga college of law naman pala sya,Posibleng kilala yun ni Gucci.Sa kanya ka mag ask kung okey ba naman yung prof na yun o baka naman hindi maganda ang image._AKO.

"Ay OO nga pala,Si GUCCI.Good idea.Mag aask nga ako sa kanya about him.
Maiba ako,Ikaw naman ang tatanungin ko.May lovelife kaba?_Maui.

"Sa ngayon wala pa eh.Ayaw ko munang mag entertain ng suitors habang hindi pa ko stable sa career ko as a news anchor.Wala pa akong napapatunayan kaya hindi pa ko ready para dun._AKO.

"Pero iba din naman yung may inspirasyon girl.Nagsisisi nga ako kung bakit ba hindi kaagad ako nag boyfriend nuon sana alam ko na yung feeling ng inlove.Imagine,22 na ko pero nasa crushes stage pa din ako._Maui.Nagkatawana na lang kaming dalawa.Pareho kasi kaming dipa nga naiinlove.

"Hahahhaha.Yan din ang sabi palagi sa akin ni CHANNEL.Masarap nga daw yung feeling ng minamahal at nagmamahal.Pero ano bang magagawa ko kung hindi ko pa nararamdaman yun sa isang tao._AKO.
Saka bigla kong naalala si Gucci.Nung mga bata pa kami,Gustong gusto ko na yung feeling na magkahawak kami palagi ng kamay.Pakiramdam ko, safe ako basta katabi ko sya.Ganung pakiramdam yung hinahanap ko sa isang taong mamahalin ko.Yung tipong MAKATABI MO LANG SYA,ALAM MONG LIGTAS KA.

"ROOFTOP PRINCESS (KATIE&GUCCI)"THE BILLIONAIRE HEIRESSES "  GxG SERIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon