43.KATIE.

959 51 1
                                    

                Abala ako sa pag rereview at pagsasaulo ng ibabalita ko maya maya lang kaya hindi ko napansin ang pagdating ni Senator Hipolito.
Ilang sandali pa ay ipinatawag na ako kaagad ng boss namin na si Boss Gabby.

"Miss Guillermo,Maupo ka.Meron lang mahalagang sasabihin sayo si Senator Hipolito._Boss Gabby.Bakit pakiramdam ko,sa hindi magandang pag uusap ang kahihinatnan ng pag uusap na ito.

"Miss Guillermo,Alam ko na alam mo at nadinig mo ang naging pag uusap namin nuon ni Congresswoman Abby.Hindi na muna kita kinausap kaagad para makapagpalamig na muna.Baka kasi kapag nag usap tayo sa mga oras na iyun ay hindi lang tayo magkaintindihan._Senator Hipolito.
Si Boss Gabby ay nakikinig lang sa aming dalawa.Pero duda ako na alam nya na matagal na ang relasyon ng dalawa.

"So,Ano po ba ang sa atin Senador? Hindi naman po ako nagsalita tungkol sa itinatago nyong sikreto.Hindi ko ibinulgar na mayroon kayong kalaguyo  at anak sa ibang babae hindi ba,Kaya ano po ba talaga ang sadya nyo sa akin?_AKO.

"Miss Guillermo,Matuto kang gumalang sa nakatataas sayo!_Boss Gabby.
Sumenyas naman si Hipolito sa kanya na pabayaan lang ako.

"Kaya nga nagpapasalamat ako na naging tikom ang bibig mo sa narinig at nasaksihan mo.Kaya naman bilang gantimpala sa pananahimik mo,Pinaki usapan ko si Gabby na gawin kang permanenteng lady anchor sa pang gabing programa nyo._Sen.Hipolito.
Kung sa iba yun,baka nagtatatalon na sa tuwa ang taong mabilis na
na promote hindi dahil sa kakayahan at galing nya kundi dahil sa "PANANAHIMIK nya.

"Mawalang galang na lang po Senator,Pero hindi ko po matatanggap yang sinasabi nyong promotion.Ayoko pong tumanggap ng kahit na anong tulong mula sa inyo.At lalong hindi ako makukuha sa suhol para lang makarating sa itaas.At isa pa,PAKISABIHAN NA DIN YANG ANAK NYO NA TIGILAN NA ANG PANANAKOT at panghaharass  SA AKIN...Kung ayaw nyang pahuli ko sya at mabulok sya sa piitan!_AKO.

"KATIE GUILLERMO! THATS ENOUGH! WALA KA NG RESPETO TALAGA...
Sa lahat ng mga empleyado ko dito,bukod tanging ikaw lang ang sakit ng ulo ko.Masyado kang mayabang.Kung hindi ka marunong makisama at sumunod sa nakatataas sayo,Mabuti pang lumayas kana sa istasyon ko!_Boss Gabby.

"Wala pong problema.Aalis ako dito na may dignidad at may malinis na kunsensya.Hindi lang kayo ang nag iisang istasyon sa mundo,Madami pang mas matuwid at hindi nadadaan sa palakasan at pulitikang mga tv network dito sa bansa.Pasensya na kasi,Hindi ako kagaya ng mga tauhan nyo dito na kayang kaya nyong paikutin sa mga palad nyo._AKO.

"Para naman po sa inyo senator,Wag po kayong mag alala.Labas po sa usaping pulitikal ang pagkakaroon nyo ng anak sa ibang babae.Hindi po iyun ang concern ko.
Basta tandaan nyo,Nakabantay pa din ako sa inyo at nakamatyag.Pera ng maralitang Pilipino ang nakataya dito at hindi ko magbubulagbulagan at mananahimik lang kapag alam ko na nasa katwiran ako._AKO.Tahimik lang akong tumalikod papalabas ng pinto mula sa opisina ni Boss Gabby.

Halos magdadalawang araw na akong nakatambay lang sa loob ng apartment ko.Nag aantay ako ng tawag mula sa mga network na inapplyan ko.Hindi ko na muna sinabi kila mommy at mama na nag resign na ako sa trabaho ko para hindi na sila mag alala pa.

Pinalagyan ko na din ng doorbell,Password at saka cam ang pintuan ko matapos ang nangyari nuon.Kaya naman mas naging kampante na ako na walang ibang tao na makakapasok pa sa apartement ko.

"Hello Katie. Its me...Diego at your service._Diego.Mula sa labas ay kita ko kung sino ang taong nagdo doorbell sa pinto ko.

"Diego?Papano mo nalaman itong tinutuluyan ko?_AKO.Sa pagkaka alam ko kasi,tanging si Venice lang ang may alam ng apartment ko.

"Ahhh,Well...Nagkita kasi kami ng di sinasadya ni Miss Pamintuan sa  bakeshop ni Chanel.Nagkataon naman na magkakilala kami ng girlfriend nya na si Atty.Quijano.Tapos ayun na nga,Sabi ko nag aalala na nga ako sayo dahil hindi na tayo nakakapag usap..._Diego.So ibig sabihin,Si Gucci ang nagbigay ng address ko kay Diego?At kaya pala after ng pag amin nya sa buong family namin na hindi kami totoong magka relasyon,Saka naman sila mas lalong naging malapit ni Atty Quijano.

"So kamusta naman sa news department,Madami ba kayong mga bagong recruit na news anchor at  reporter ngayon?_AKO. Pinaghanda ko sya ng juice at saka slice ng cake mula sa zweets chanel.

"Salamat.So far,tahimik naman ngayon sa news room.Alam naman nilang lahat ng mga kabulukang pinag gagawa sa taas pero wala naman kaming magagawa kundi sumunod lang sa mga bosses.So,Kamusta ka naman?
Alam na ba ng parents mo na nagresign kana sa BSTVN15?_Diego.
Bakit kapag nagsasalita na si Diego,Hindi ko maramdaman sa kanya na totoong concern sya.Pakiramdam ko,Ibang tao sya kapag hindi ako ang kaharap nya.(Double face)

"Okey naman ako,Mas relax nga eh.Walang pressure at saka hindi Stress.
May mga inapplyan na akong ibang channel at network,Inaantay ko na lang ang tawag nila.Habang nag aantay,chill chill lang muna._AKO.

"Basta kapag may problema ka at kailangan mo ng tulong,Tawagan mo lang ako ha.So papano,Masyado na kitang naabala kaya magpapa alam na ko.Basta ititxt at tatawagan kita ng madalas para naman palagi pa din tayong may communication at contact._Diego.Ihinatid ko pa sya sa ibaba.

"Mabuti naman at naisipan kang dalawin ng boyfriend mo kahit hindi na kayo magkasama sa trabaho.Sa pagkaka alam ko kasi,Busy sya at wala syang time para kamustahin ka man lang._Gucci.Kahit nakatalikod ako sa kanya at alam kong sya ang nagsasalita.

"Yeah,Ang saya nga kasi binisita nya ako kahit pagod na sya sa maghapong pagtatrabaho eh.Anyways,Salamat nga pala sa pagbibigay mo sa kanya ng address ko.Sige bye._AKO.Hindi ko na sya inantay pang makapagsalita at Hindi ko na sya pinagkabalahan pang tignan at kaagad akong dumiretso na sa pag akyat ng hagdan.

Hindi ko alam kung ano bang tama sa nararamdaman ko sa mga oras na ito.Halo halong emosyon.Pero mas nangingibabaw pa din ang lungkot at pangungulila.Nakakamiss din pala yung mga panahon na nandyan palagi si Gucci sa tabi ko lalo na sa mga panahong kailangan ko ng isang taong makakapitan at makakausap.

"ROOFTOP PRINCESS (KATIE&GUCCI)"THE BILLIONAIRE HEIRESSES "  GxG SERIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon