25.KATIE

1K 56 2
                                    

                                         Byernes pa lang ng gabi ay nakahanda na ang lahat ng mga gamit na dadalhin ko sa pag akyat namin sa bundok.Dito na ako sa mansion dadaanan nina Skyler at AJ para sunduin.Hindi ko alam kung makakasama si Maui dahil pabago bago sya ng isip kung sasama sya o hindi.Basta ako,Isa sa goal kong gawin this year ay ang makaranas umakyat ng bundok kaya agad akong umuo sa plano nila.

"Good Morning Ninang Joyce,Si Katie po ba ready na?_Skyler.Kahit hindi ko pa sila nakikita ay alam ko na kaagad ang boses ni Sky.Eksakto naman kasing pababa na ako ng dumating sila.Lumapit kaagad sina AJ at Maui kay momshie para magbigay galang at humalik.

"Good morning din mga anak.Maupo na muna kayo.Hintayin nyo lang saglit ang Tita Terry nyo at gusto daw kayong makita bago kayo umalis.
Basta mag iingat kayo duon ha,Wag kayong maghihiwa hiwalay.Kayo na ang bahala dito sa Prinsesa namin._Momshie.Nailing na lang ako pero naiintindihan ko naman si mom kaya hindi na lang ako nagsalita.
Gusto ko sanang sabihin na,Ako ang pinaka matanda sa aming lahat tapos ako pa ang pinababantayan ni mommy.

"Mga anak,Pasensya na at medyo natagalan ako sa paliligo.Ayos na ba ang lahat,Wala naman ba kayong naiwang mga gamit?Basta kapag may kailangan kayo,tumawag lang kayo kaagad ha.Mag iingat kayo dun at saka wag kayong maghiwa hiwalay.Teka,kayo lang bang apat?_Mama Terry.Sa lahat ng mamumundok,
Kami lang  yung magha hiking na sangkatutak naman ang bodyguards at mga alalay.Pagdating sa bundok,may naka ready na ding mga tent at supplies ng pagkain at mga gamit.

"Nasa meeting place na po si Gucci kasama yung mga kaibigan nyang mountaineers.Dun na lang daw po nya kami aantayin dahil may mga meeting pa sila bago umakyat.Pano po ninang,Lalakad na po kami._Aloha.
Humalik muna ako kina Mom and Mama at saka ako huling sumakay sa mercedez van na dala ni AJ.

"Katie,Okey lang ba sayo na dito ka sa gitna umupo? Nagsabi na kasi itong si Maui na sa likod sya pupwesto para daw makahiga sya._Skyler.Sila kasing mag bestfriend ang sa harapan,Sa likuran ng driver naka pwesto.

"Oo naman,Okey na okey ako dito sa gitna.Ang laki nga ng space ko eh.
_AKO.Spacious ang van ni AJ na talagang pinasadya para sa maginhawang pagta travel.Kanya kanya kami ng upuan na pwedeng pwede mong iunat ang mga paa mo habang sa likod naman ay upuan na parang kama na talaga ang disenyo kaya pala dun talaga gustong ni Maui.

"Nakalimutan ko nga palang sabihin sayo princess(yun na ang nakasanayang itawag nila sa akin mula pa nung mga bata pa kami),Sa atin sasabay si Gucci kaya kayong dalawa ang magkatabi dyan sa gitna

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Nakalimutan ko nga palang sabihin sayo princess(yun na ang nakasanayang itawag nila sa akin mula pa nung mga bata pa kami),Sa atin sasabay si Gucci kaya kayong dalawa ang magkatabi dyan sa gitna.Mga dalawa hanggang tatlong oras din ang byahe bago makarating sa paanan ng bundok kaya dapat mag recharge tayong lahat ng maige._Sky.Dalawa ang kasama namin dito sa sasakyan.Yung driver nya at yung katabi nya sa harapan ay bodyguard ni Maui. Nakasunod naman sa isang Van yung bodyguard namin ni Skyler at malamang pati ni Gucci na din kung sakali.
 

Sa ikatlong sasakyan naman nakasakay ang Personal Assistant at Yaya ni Maui, photographer at sidekick ni Sky,Personal Chef  at gym coach ni AJ, at sympre ang lady bodyguard ko na si Lumeng at si Venice na assistant secretary ko.Ang hindi ko lang alam ay kung sino ang kasamang alalay ni Gucci.

"Wala namang problema kay Princess yun.Hindi naman maselan yan gaya ni Maui.Dapat di na lang kasi sumama kung tamad naman pala maghiking.
Sana natulog na lang sa bahay.hahahaha._AJ.Madalas na aso't pusa ang magkapatid pero mas malawak at mahaba naman ang pasensya ni AJ sa kapatid nya kahit na mas matanda ito sa kanya.

"Aloha,Naririnig kita ha! Will you please shut up.Dont judge me yet until i get there.Baka mamaya,maunahan pa kita sa pag akyat.Baka nakakalimutan mo,I am a cheerleader kaya malakas itong mga buto ko compare sayo na palagi lang nasa himpapawid._Maui.Nagtawanan kami bigla.Akala kasi namin,talagang natutulog sya sa likod.

"Hahahaha.Wala ka pala AJ eh! Tama ka dyan MK,Lalampa lampa talaga tong si AJ eh.The last time na nasa gym kami,naka ilang run lang umayaw na kaagad.Masakit daw ang tuhod nya._Sky.

"Totoo namang injured ako last week dahil may hinabol nga kasi akong snatcher diba?Pero okey na ko now kaya humanda kayo dahil ako ang mauunang makarating sa peak!hehehehe._Aloha. Masaya kami habang nagku kwentuhan,Matagal tagal na din kasi kaming di nagkasama sama dahil naging mga busy sa kanya kanya naming mga career.

Ilang sandali pa at dinaanan namin si Gucci sa pinaka meeting place na pinag usapan nila.Limang lalaki at tatlong babae din ang kasama nyang mga mountaineers na may dala ding sarili nilang Van.

"Bro,Si Princess kilala mo na naman sya sympre.Kayo ang magka team na dalawa.Kami naman ni AJ ang bahala kay Queen(Maui).Dahil Reyna daw ng kaartehan si MK kaya Queen ang binansag ni ALOHA sa kapatid nya.

"Okey lang naman ako kahit walang mag assist.Madami naman tayong bodyguard na kasama kaya hindi nyo ako dapat alalahanin._AKO.Inunahan ko na si Gucci kaysa makarinig pa ko sa kanya ng rejection.Totoo namang ayokong maging pabigat sa kanya.

"Medyo matarik ang bundok kaya need nating mag ingat sa pag akyat.
Dapat palaging alerto dahil hindi natin alam kung anong meron sa mga daraanan natin.Kung may mga gadget kayo,see to it na iingatan nyo maige ang paghawak dahil baka mahulog o baka mawala yan habang umaakyat.
Magpahid na din kayo ng lotion para sa mga balat nyo bago umakyat para iwas dengue at masakit sa balat ang init ng araw.(Insect Repellant lotion at sunscreen protection)_Gucci.Dahil sya lang ang sanay sa pag akyat sa bundok sa aming lima, Nakikinig kaming lahat sa instructions nya.Hindi ko tuloy maiwasang humanga sa kanya lalo na sa magandang pagsasalita nya.

"Na eexcite tuloy akong lalo na makarating na sa location eh.Sana wag umulan para mas ma enjoy natin yung paglalakad noh? Sa dami ba naman natin,Im sure masaya ang paglalakbay natin dahil maraming kasama._SKY

Lumingon ako kay Gucci dahil after nyang magbigay sa amin ng instruction ay hindi ko na muling nadinig syang magsalita.Saka ako napangiti ng makita kong nakatulog na pala sya kaya hindi na kumikibo.

Taimtim naman akong nagdadasal na sana ay hindi ako maging alalahanin sa kanila habang umaakyat kami ng bundok.Hindi kasi ako sure kung sa matataas  na  building lang ba ako takot o pati na din sa mga cliff at mga bundok ay manginginig ako sa takot habang umaakyat.

Kung sakaling makaramdam man ako ng takot,Pwede namang mag back out.O di kaya naman ay ituloy ko pa din at wag magpahalatang takot ako sa matatas na lugar.Ayoko namang dahil lang sa akin ay hindi nila ma enjoy ang adventure naming ito sa unang pagkakataon.

"ROOFTOP PRINCESS (KATIE&GUCCI)"THE BILLIONAIRE HEIRESSES "  GxG SERIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon