Natanaw ko sa garahe ang bagong bagong kotse ko na hindi na nagagamit since tumira ako sa apartment.Hindi naman kasi magandang tignan na naka mamahaling sasakyan ako duon pero sa simpleng rooftop apartment lang ako nakatira.Special ang kotseng yun sa akin dahil sa ito ang kauna unahang kotse ko na ako mismo ang nagda drive.Kundi pa ako nag 24th birthday,hindi pa ko papayagan nila mom na magdrive sarili kong sasakyan.
"Momshie,Pwede mo ba kong samahang mag shopping?Sa CK MALL na lang para mas kabisado mo ang pasikot sikot.Okey lang ba?_AKO.
Gulat na gulat si Mom sa biglaang pag bisita ko at pag aaya na mag shopping.Usually,Inoorder lang nya ang mga damit na gusto ko sa ibang bansa at saka ipadi deliver sa akin ng naka assign na helper sa bahay."Himala!Anong nakain ng prinsesa namin at biglang bigla ang pagsulpot dito sa bahay.Tapos bigla pang nag aaya mag shopping?May sakit kaba anak?_Momshie Joyce.Sinipat nya pa ang leeg ko para i check kung mainit ba ko.
"Mom naman eh!Minsan lang maglalambing yung tao.Namiss lang kita ng sobra kaya gusto kong mag bonding tayo ng mahaba haba today.
_AKO.Since wala akong assignment ngayon sa trabaho kaya free ako ng mga ilang araw."Okey,Okey Sige na.Magbibihis lang ako sandali at baka magbago pa yang isip mo.Tawagan mo ang mama mo,Siguradong matutuwa yun kapag nalaman na magkasama tayo at tyak susunod yun sa atin._Mom.
Sabay kaming pumanhik na muna sa mga kwarto namin.
Namimiss ko din ang room ko.Ibang iba sya sa maliit na kwarto ko sa apartment."Anak,Alam kong miss na miss mo na itong kama mong malaki.Kung gusto mong lumipat ng ibang apartment,ipahahanap kita.Yung mas malaki para malaki ang space mo at makakakilos ka ng husto._Mom.Sya kasi ang nagpa interior design sa apartment ko kaya alam nya kung ganu lang kaliit ang kabuuan ng bagong tinitirahan ko.
"Mom,Okey na sa akin yung apartment.Hindi sya masyadong mataas at saka tahimik kami duon.Wala namang istorbo dahil kanya kanya kami ng buhay.Mga busy din sa pagta trabaho ang mga tenant duon kaya walang ka proble problema._AKO.Totoong walang problema sa place na yun,Kaya lang nakaka inip din kapag wala kang makausap man lang na kapitbahay.
Gusto ko din kasing maranasan yung buhay ng karaniwang tao lang."Are you sure anak,Hindi mo ba namimiss yung sangkatutak mong mga damit sa wardrobe room?Yung mga makeup mo at saka mga kung ano anong mga beauty products na pampaganda?Mga Sapatos mo na halos singdami na ng mga naka display sa mga department store?_Mom.
Nagtawanan na lang kaming dalawa.Kung tutuusin kasi,napakarami ko nga talagang gamit,damit at mga aksesoryang hindi ko naman nagagamit."Mommie talaga,Porke napaka simple mo lang at walang kaarte arte sa katawan kaya wala kang masyadong kinakailangan na mga pampaganda.
Pinanganak ka na kasing maganda at dyosa kaya di mo na kailangang magpa beauty.Hindi gaya ko,Ang dami kong need ipahid sa katawan ko para ma maintain lang itong itsura ko._AKO."Ay naku anak,Mas maganda ka kaysa sa akin.Ibang iba ang ganda mo.
Yung gandang lilingunin kahit pa duling.hahahaha.Just kidding anak.
Honestly,Kaya nga ba ayoko sanang payagan kang mag solo.Ayokong mawalay ka sa amin ng Mama Terry mo.Kaya lang,Ayaw ka naman naming ikulong lang dito sa bahay.Gusto naming maranasan mo din ang maging malaya at matutong mabuhay ng ayon sa gusto mo.Ayaw naming sikilin ka at ikahon at pigilan kang abutin ang mga pangarap mo._Mom.
Napaluha ako sa mga binitiwang salita ni Mom at napayakap sa kanya.Totoong napaka hirap sa isang ina na pakawalan at hayaang mag isa ang nag iisang anak nila pero hindi nila ako pinagdamutan.Hindi nila ako kinontrol sa kung ano mang gusto kong mangyari sa buhay ko.Bagkus ay sinuportahan nila ako sa mga ginagawa ko at mga gusto pang mangyari sa hinaharap ko.
"Tinawagan mo na ba ang mama mo?Nagpapa drive ako sa kuya Zack mo dahil ayaw ng mama mo na wala tayong kasamang kapamilya kapag umaalis._Mom.(Si kuya Zack ay anak ni Tita Zeny na itinuring na ding tunay na kapatid ni Mommie).
"Okey mom,Wait na lang tayo kay kuya Zack.I'll just check my fone lang baka may tumawag sa akin.Tatawagan ko na din si Mama._AKO.Sa pinaka sala ng mansyon na muna kami umupo habang nag aantay kay kuya Zack.
"Hello everybody!Hello Tita beauty,Hello Princess! Mabuti naman at ako ang tinawagan nyo at hindi si Zion.Mukhang pang buong baranggay ang isa shopping nyo kaya need nyo ng bodyguard noh?_Kuya Zack.Mapagbiro at masayahin si Kuya Zack kaya mas gusto namin syang kasama sa mga lakaran.Unlike kuya Zion na kung anong sabihin ni Mama Terry,talagang bantay sarado kami.
"Gusto ko lang maglakad lakad kuya Zack,Wala tayong bibilhin.Hahahaha
Ihanda mo lang yang mga tuhod mo dahil puro window shopping lang ang gagawin natin dun._AKO."Bakit hindi ka sa bundok pumunta kung gusto mo pala maglakad lakad.
Hahahha.Pambihira,San ka naman nakakita ng pagka ganda gandang babae na naglalakad lakad lang sa mall tapos hindi naman pala bibili.
Ask Tita Joyce,Ano ang feeling ng patingin tingin sa product na binibenta mo tapos di naman pala bibili,diba nakaka bwisit yun tita?_Kuya Zack."Hindi naman lahat ng costumer bibili talaga,Yung iba titingin lang tapos kapag may pera na saka babalikan.Wala ka namang magagawa kapag ganun,dapat nakangiti ka pa din para balik balikan ka at yung product na bini benta mo._Mom.Dahil dating supervisor/Saleslady si Mom ng CKMall,Alam na alam nya na ang kalakaran at mga gusto ng mga shopper.
"Mommie,Nakausap ko na po si Mama.Dun na lang daw po tayo magkita.
Itinawag na din daw nya kay Ninang Sally na pupunta tayo duon kaya siguradong may mag aassist sa atin.Ang sarap talagang maging anak mayaman noh,Magwi window shopping ka lang,dami pang alalay.hahahaha._AKO. Dahil first time ko lang mag lalakad lakad sa mall kaya ingat na ingat sina Mom and Mama sa pwedeng mangyari.
May kasama kaming anim na civilian bodyguards at saka nga si Kuya Zack.Since the time na aksidenteng nasaksak si Mommie nuon,Hindi na inalis nina mama ang bodyguards.Hindi naman sa dahil wala na silang tiwala sa kapwa,kundi nag iingat lang sa pwedeng mangyari ulit sa hinaharap.
Nakakahiya mang aminin,Ibang iba ang pamilya namin kaysa sa nakararami.Hindi kami ordinaryo lang at hindi maiwasang magkaroon talaga ng mga insidente at mga pangyayaring hindi mo inaasahan kaya mabuti na yung handa at nakakasiguro ka sa safety ng family mo.
BINABASA MO ANG
"ROOFTOP PRINCESS (KATIE&GUCCI)"THE BILLIONAIRE HEIRESSES " GxG SERIES
RomanceTHIS IS ABOUT THE STORY OF FRIENDSHIP AND RELATIONSHIP OF TWO PEOPLE WITH THE SAME GENDER. MULA SA TAMBALANG SALLY AT GD,NAGKAROON NG "MAUI AT ALOHA" "Kinidnap na Pangarap" (Maui and Zoila love story) "Ang oldmaid kong stewardess" (Aloha and Gari lo...