11.KATIE

1.1K 52 0
                                    

     

    "Palagi na lang ba na sa tuwing magkikita kami ng babaeng yun,Sa pagbabanggan kami nauuwi?haaaist!At ikaw namang babae ka,Kung bakit ba naman kasi nagda drama ka pa na magpapakamatay ha Channel

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

    "Palagi na lang ba na sa tuwing magkikita kami ng babaeng yun,Sa pagbabanggan kami nauuwi?haaaist!
At ikaw namang babae ka,Kung bakit ba naman kasi nagda drama ka pa na magpapakamatay ha Channel.Umayos ka nga!Para lang sa walang kwentang lalaking yun!Nag iisa na nga kang kitang bestfriend tapos kukunin ka pa kaagad sa akin ni Lord,Aba'y di ako papayag!_AKO.
Tinawagan ako ni Channel at sinabing magpapakamatay daw sya.Kaya naman kaagad akong napasugod sa unit nya kahit alam nyang takot akong tumuntong sa matataas na building.

"Kasi naman bff,Si Brandon...Nahuli kong may babae.Ang masaklap pa nun,mas pinili nya si girl kesa sa akin.huhuhuhu._Channel.Maganda at mayaman si Channel pero may pagka chubby sya.Bata pa lang ay talagang mahilig na kasi sya sa matatamis na pagkain.Pero hindi ibig sabihin nun na pwede na syang pagtaksilan ng jowa nyang macho at gwapo nga pero wala namang laman ang ulo.

"Gagah ka kasi!Sinabi ko na sayo nuon pa na wag kang ma inlove sa unggoy na yun.Tapos ikaw itong sige sa pagtatanggol na hindi ka lolokohin at ikaw lang ang one and only,Yun pala madami kayong jinojowa.Hayup na lalaki yun!_AKO.Gusto kong sampalin ora mismo ang lalaking yun sa inis ko.

"Wag mo na nga kong sermunan,Nasasaktan na nga ako eh tapos ganyan kapa.Sino bang may gusto na magka ganito ang lovelife ha?Palibhasa kasi hindi kapa naiinlove kaya hindi mo alam ang feeling ng minamahal ka.
_Channel.Napatitig na lang ako sa mukha nya at saka yumakap.Madalas nga kasing masaktan si Channel dahil sobra sya magmahal sa maling mga lalaki.

"Aysus!Ilang guy na ba ang dumaan sa buhay mo at hindi kapa nadadala ha?Ang mga lalaki,sakit lang yan sa ulo.At saka hindi ko na kailangang ma experience na mainlove at masaktan din sa huli para masabi kong NAGMAMAHAL AT MINAMAHAL AKO. May taong nakalaan para sayo si God,Dapat marunong kasi tayong mag antay kung kelan nya gustong ibigay._AKO.So kelan nga ba darating yung ka tadhana ko?24 years old na ko pero hindi pa din ako tinatamaan ni kupido.

"Masarap magmahal friend,At saka masarap yung mag taong nag aalala sayo at nagtatanong kung kumain kana ba or kamusta ang maghapon mo.
Sa kagaya nating career woman at palaging tutok sa trabaho,mahirap ng makatagpo ng pag ibig kapag nasa edad trenta na tayo pataas.Dapat ngayon pa lang,ini enjoy na natin ang magka lovelife._Channel.Like me,Nag iisang anak lang din si Channel kaya naman malungkot din na kapag uuwi kang mag isa sa bahay nyo,wala ka manlang makausap liban sa mga kasambahay.Kaya madalas,pag jo jowa ang nagiging outlet nya para may companion sya at the same time,madali sya talagang ma inlove.

"Oo na,Wala na kong sinabi.Masarap na magmahal kung masarap.Basta wag na wag mo na lang ulit uulitin na takutin ako na magpapakamatay ka dahil lang sa mga lalaki ha.Naku,muntik ko ng ipa salvage yang ex mo sa katarantahan kong mapuntahan ka lang dito._AKO.

"Sorry na friend.Hindi ko naman talaga mini mean yun.Ano sya sinu swerte?Dahil lang sa pagiging babaero nya,sisirain ko ang buhay ko.Sayang naman yung mga mamanahin ko kung basta basta ko na lang tatapusin ang buhay ko ng ganun lang.Makikita nila nung panget na babaeng yun kung sino ang nawalan.
Mula ngayon,magda diet na ako at mag gi gym para sumeksi.Tignan lang natin kung di sya maglaway hayup sya!_Channel.Napangiti na lang ako at saka napailing.Iba na kaagad ang mood nya ngayon kumpara kanina.

"Alam mo girl,Yan na lang ang palagi mong sinasabi kapag iniiwanan ka ng guy.Pero hindi mo naman ginagawa.Puro ka pa din sweets at saka cola, papano kang papayat nyan?Haaaay naku ewan ko sayo.Ang mabuti pa kumain na lang tayo bago ako umuwi sa apartment ko.Lets go._AKO.

"Ako lang ba ang may bad habit ha girl?Makapag salita ka parang ang linis mo eh,Ikaw kaya ang caffeine adik dyan.Umaga,tangahali,miryenda at gabi puro ka kape.Kaya ka nerbyosa hindi dahil may trauma ka kundi dahil kaka kape mo!_Channel.Tama sya na malakas nga ako sa kape this past few months,hindi naman ako dating ganun.Mula ng ma assign ako sa field reporting,Kinailangan kong maging alerto kahit gabihin sa kalsada para lang may maibalita.

"Pero hindi naman ako adik,Sobra ka naman.Dala lang ng trabaho ko kaya need kong gising sa gabi kapag nasa field ako.Wag mo ngang ibahin ang usapan,ikaw ang topic natin at hindi ako.May time naman akong mag gym kaya nabi burn ang mga fats sa katawan ko._AKO.Saka ko naalala na foul na nga pala yung words ko.Napalingon ako sa kanya at saka nag peace sign gamit ang dalawang kamay ko.

"E di ikaw na ang pinagpala,tse! Ah basta,magda diet na talaga ko.Magpapa member din ako sa gym na pinag gi gyman mo,samahan moko bukas ha?_Channel.Pumasok na kami sa resto nung hotel kung saan Tito Oscar ni Channel ang may ari.

"Sorry pero busy ako bukas hanggang gabi.Binabantayan ko kasi yung kaso tungkol sa Publisher vs author na magdi demandahan.Kailangan ko pang kausapin yung hahawak sa kaso dahil ayaw daw ipa media yung magiging takbo ng kaso._AKO. Madali naman na i serve ng crew ang order naming pagkain dahil kamag anak si Channel ng may ari at isa kami sa mga VIP nila.Tamang napalingon naman ako sa iba pang mga VIP'S na nasa kabilang mesa at saka nagtama ang mga mata namin ni Gucci na nasa kabilang mesa naman pala.

"Hoy Katie,Ano ka na dyan?Sino ba yung tinitignan mo at kanina pa kita kinakausap di ka sumasagot ha?_Channel.Saka naman ako nabalik ang tingin sa kanya.

"Hah?Ahh,Wala.May bigla lang akong naisip.Ano ba kasi yung kinukwento mo?_AKO.Lumingon akong muli sa mesa nila Gucci pero hindi na sya ulit nakatingin sa akin.Para namang bigla akong nadissapoint at saka hindi na muling tumingin sa gawi nila.

"Katie?Is that you?Ohhhhh...Dad,mom si Katie nga oh!_Skyler.Hindi ko akalain na mapapansin pala nila ako kahit na iniwasan ko ng mapatingin sa gawi nila.Kaagad naman akong nagpa unlak ng ngiti at kaway kay Sky at saka ako tumayo para bumati at humalik kina Tita Top at Tita Dess na matalik na kaibigan ng mga magulang ko.(At mga ninang ko din)

"Good evening po Tita NinangTop,Tita ninangDess.Hello Sky,Gucci._AKO.Bahagya lang na sumulyap sa akin si Gucci at yung katabi nilang magandang babae na napataas ang kilay ng makita ako sa malapitan.

"Katie!Ohh my gad!Ikaw na ba yan?.Pagka ganda gandang bata naman talaga.Kanina kapa ba dyan?Sinong kasama mo,Sina mama at momshie mo ba?Pasensya kana kung hindi ka namin kaagad napansin.Kundi pa kami tatayo na sana para umalis,hindi ka mapapansin nitong si Sky.Sya nga pala,This is Melody.Melody,this Katie,family friend namin._Tita Top.
Inabot ng babae ang kamay nya sa akin kaya nakipagkamay din ako sa kanya.

"Actually po Tita ninang,Kasama ko po sa kabilang table yung bestfriend ko at hindi sina Mama and mommy.Im glad to see you here po.Lalo po kayong gumaganda Tita njnang Dess, at si Tita ninang Top naman po parang pabata ng pabata lalo._AKO.Nabaling ang tingin ko kay Gucci na halata ang pagkainip at parang gustong umuwi dahil panay ang buntung hininga at tingin sa relo nya.

"Sayang nga lang at paalis na kami Katie.Sana next time tayo tayo naman ang mag dinner para makapag kwentuhan.Matagal na din yung last na magkaka usap tayo nila Aloha at Maui.Pasensya na,We have to go na din.
See you next time princess!_Sky.Matapos naming muling magbeso at magpaalaman,Umalis na din kaagad ang buong pamilya Pamintuan at bumalik na ako sa table namin ni Channel.

"ROOFTOP PRINCESS (KATIE&GUCCI)"THE BILLIONAIRE HEIRESSES "  GxG SERIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon