39.GUCCI

1K 46 0
                                    


Hanggang ngayon ay hindi pa din ako nakaka move on sa mga naganap kanina.
Si KATIE nga ba talaga ang tenant ko sa rooftop? Hindi ba ko nananaginip lang?
Kaya naman pala napaka raming ipinabago at pina renovate ng bago kong tenant bago nya pa sya nakalipat duon sa itaas  dahil PRINSESA naman pala ang titira sa apartment ko.

"Ayuun,kaya naman pala ganun,Ayaw sa mga bulaklak at ang dami pa kamong ipinabago sa room nya dahil si KATIE G. naman pala ang titira! Hahahaha.
Ang pagkakataon nga naman oh! _Zee.Tinawagan ko sya ng dis oras ng gabi para makausap dahil hindi ako makatulog.

"Kaya nga eh,Of all people bakit naman dito pa napili ni Katie na mangupahan diba?Ang dami daming mas magagandang condominium at mamahaling hotels na mas malapit sa pinapasukan nya diba,kaya sino namang mag iisip na may magti tyaga sa maliit kong apartment._AKO.

"Hahahah.Baka naman may dahilan kaya dyan nya napiling tumira.
Sa palagay mo,Alam ng parents nya na ikaw ang may ari nyan kaya pumayag sila na dyan sya patirahin kahit na maliit at bulok na yang apartment mo?_Zee.

"Sira ulo!Makabulok ka naman dyan.Bago pa tong apartment ko noh.Maliit nga lang pero tahimik at saka hindi masyadong mainit._AKO.
Dahil katabi ito ng mga naglalakihang mga building kaya natatakpan na halos ng araw.Pero malamig dito kapag gabi na lalo na sa rooftop.

"Hahahaha.Biro lang.Maganda naman talaga dyan sa place mo...Tahimik at saka malapit sa lahat.Pero uulitin ko ang tanong ha,Sa palagay mo ba alam ng parents nya na ikaw ang may ari nyang apartment?_Zee.
Hindi ko masagot si Zee dahil ako mismo ay nagtataka din.Imposibleng hindi ipa background check nina Ninang Terry ang lugar at kung sino ang nagmamay ari ng titirahan ng anak nila..
Hindi nila basta ipagkakatiwala sa kung sino sino lang ang kaligtasan ng anak nila kaya  imposibleng  hindi nila alam nila na ako ang may ari ng apartment.

"Wala akong idea.As in wala talaga.Pero imposible namang basta nalang payagan syang patirahin dito ng parents nya ng walang pagba background check na nagaganap diba?_AKO.

"Actually yan din ang nasa isip ko eh.Pwedeng alam nila at aware sila na sayo ang apartment na yan,or pwede ding coincidence lang talaga at later on na lang din nila nalaman na ikaw ang may ari kaya mas lalo silang naging kampante._Zee.

"Ganun na nga siguro yun.Okey sige na,salamat sa time.Pasensya na sa abala.Matulog kana at madami ka pang gagawin bukas.hehehehe.
Goodnight panyero._AKO. After naming makapag usap,nakaramdam na din ako ng pagka antok at saka ako natulog na.

Maaga akong nagising kinabukasan at saka nagluto ng sinangag at saka pritong itlog.Naghanda din ako ng ham,bacon at saka ko iprinito yung beefsteak na kagabi ko pa minarinade.Nagtanggal ako ng apron at saka nag handa na para dalhan ng almusal si Katie sa itaas.

"Tao po,Miss Katie.Good morning!_AKO.Nilakasan ko ang sigaw dahil baka natutulog pa sya.Kailangan nya kasing uminum ng gamot ngayong umaga kaya need nya munang mag agahan.

"Manang Delia naman,Ang ingay ingay nyo po.Kita nyong inaantok pa...
_Katie.At saka sya napabalik sa loob ng room nya dahil ako ang nabungaran nya.Napangiti naman ako.Infairness,Maganda pa din sya kahit bagong gising.Mga ilang minuto pa ang inantay ko bago muling bumukas ang pinto nya.

"Gucci,Ikaw pala yan.Sorry kung di kaagad kita napagbuksan ng pinto.
Akala ko kasi si Manang Delia ka eh.Halika pasok._Katie.Saka ako pumasok sa loob ng apartment nya.

Gaya ng inaasahan,Ibang iba ang itsura ng loob ngayon kaysa sa dating itsura nito.Aakalain mong nasa ibang apartment ka dahil halatang minake over sya ng husto at pinalitan lahat ng mga gamit at kasangkapan dito.

"Im sorry kung nagising yata  kita,Kasi alam kong may gamot kang iinumin ngayong umaga kaya naisipan kong dalhan ka ng makakain muna bago ka mag take ng gamot mo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Im sorry kung nagising yata  kita,Kasi alam kong may gamot kang iinumin ngayong umaga kaya naisipan kong dalhan ka ng makakain muna bago ka mag take ng gamot mo._AKO. Agad akong tumayo at nagpunta sa kitchen nya para kumuha ng mga plato at kutsara.Isa isa kong inilagay sa mga plato ang dala kong mga pagkain at saka ko sya inakay papunta sa dinning table nya.

"Salamat.Hindi kana sana nag abala,Im sure parating na din si Manag Delia para lutuan ako ng makakain.Ikaw ba ang nagluto ng lahat ng ito?_Katie.

"Parang ganun na nga.Mula kasi ng bumukod ako ng tirahan kina mom and dad,Nag aral na kong maglutong mag isa.Ayoko kasi nung may pina pupunta pang cook dito sa bahay si mom.Hassle naman yun sa taga luto.
Magbibyahe pa araw araw dito.Basic lang naman ang kaya kong lutuin, kasi sa Uni naman ako madalas maglunch at mag dinner._AKO.

"Sabagay,Mas okey nga yung kahit papano may alam ka sa pagluluto kahit basic lang.Masarap itong beefsteak mo at saka itong itong garlic rice.
Tamang tama lang ang alat nya._Katie.Natuwa naman ako at nagustuhan nya ang niluto ko.Tatayo pa sana sya para kumuha ng tubig sa ref pero maagap ko syang pinigilan.

"Ako na ang kukuha ng water,Mag stay ka na lang dyan.Baka mapwersa ka pa sa paglalakad eh._AKO.Wala naman syang nagaaa kundi umupo na nga lang.

"Kaunting pilay lang naman ito at hindi naman ako imbalido.Okey lang ako kaya hindi mo kelangang asikasuhin ako ng bongga.Sige ka,baka masanay ako na palagi kang naka alalay sa akin at hanap hanapin ko yun palagi._Katie.Saka sya parang natauhan sa sinabi nya at napatakip ng bibig nya.Pinigilan ko namang matawa sa reaksyon nya.

"Pansamantala lang naman habang injured ka.Saka iisang apartment lang naman tayo at tenant pa kita kaya natural lang na tulungan ko ang mga kapitbahay ko._AKO.

"Ohhhh,Speaking of kapitbahay nga pala.May usapan nga pala kami ni Martha ngayon na personal kong iaabot sa foundation yung nakalap kong mga donation dun sa charity ball at sasamahan nya ko.Kailangan ko ng mag ready._Katie.Saktong pagtayo nya sa upuan at saka nya narealize na injure nga pala yung kaliwang paa nya.Mabuti na lang at maagap ko syang nahawakan kaya hindi sya natumba.

"See?Sabi ko naman sayo kailangan mong mag ingat sa pagtayo at paglalakad eh.Halika muna dun sa sofa para makapag relax ka._AKO.
Saktong pag upo nya sa sofa ay sya namang pagdating ng kasambahay nya.May sarili itong susi sa pagpasok kaya nagulat sya ng madatnan nya kaming dalawa ni Katie na nakatingin pareho sa kanya.

"Katie iha,Maaga ka yatang nagising? May nangyari ba sayo,Bakit may bandage yang paa mo?_Ale na nasa singkwenta na siguro ang edad.

"Manang Delia,Okey lang po ako.Wag po kayong mataranta.Si Gucci nga po pala,Sya yung may ari nitong apartment at sya din po ang bunsoong anak nina Ninang Dess at Ninang Top.Gucci,sya naman si Manang Delia,Ang tagapagluto ni mommy sa bahay_Katie.

"Salamat sa pag aasikaso mo sa prinsesa namin iho.Mabuti na lang at ikaw ang naging landlord nitong si Katie at may titingin tingin sa kanya dito.
Alam mo naman itong si Katie,Ayaw na ayaw na may makakasama dito sa apartment nya at gustong sya lang mag isa._Manang Delia.Tumango tango naman ako sa kanya at nagsimula na syang magprepare ng mga iluluto nya para kay Katie hanggang sa hapunan.



"ROOFTOP PRINCESS (KATIE&GUCCI)"THE BILLIONAIRE HEIRESSES "  GxG SERIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon