15.KATIE

1.1K 42 0
                                    

        Matapos kong marinig ang tunay na saloobin ni Miss  Edna Dela Peña,nagkaroon ako ng pagdadalawang isip kung isasa publiko ko pa ba ang kasong kinakaharap nya.Naghahati ang loob ko sa kung ano ba talaga ang dapat gawin.Kaya pala ganun na lang ang pagpipigil sa akin ni Gucci na isa publiko pa ang kalalabasan ng kasong ito.Hindi ko alam kung papano ko sisimulan ang pagpapaliwanag sa boss ko na hindi ko sya maisasa publiko pa.

"Ano kamo Miss Guillermo,Tama ba ko sa nadinig ko.Hindi mo nakuha ang exclusive interview about the publishing company at nung nagdedemandang writer?Pero ikaw ang inassign ko dun dahil alam kong kayang kaya mo syang i handle.Hindi sya malaking balita pero maraming kabataan ang nag aabang sa balitang yun.Pwede tayong mag trending sa twitter or any form of social media._Boss Gabby.(tipikal na D.O.M)ang datingan.

"Boss pasensya na po.Talaga po kasing mahigpit na pinagbabawal ang media sa korte.As in wala talagang ibang tao duon na pwedeng makapasok o manuod maliban sa mga talagang involve lang._AKO.
I need to lie,para na din sa kapakanan ng mga taong gusto ng privacy at katahimikan.

"Well,Ano pa nga bang magagawa ko.Nasayang lang ang oras at pagod nyo sa wala.Pansamantala ka munang maglielow sa news room at saka na kita ibabalik dun kapag may maganda ka ng naibalita.Pwede ka ng umalis ngayon din sa opisina ko._Boss Gabby.
Isa si Boss Gabby sa mga nasa mataas na posisyon sa network.
Kapag type ka nya at game kang makipaglaro sa kanya,ikaw ang palaging nasa front ng camera.Sa kagaya kong hindi pumapayag sa ganung kalakaran,hanggang sa field lang ako kasama ang isang camera man.

"Hay naku,Masanay kana sa network na pinagta trabahuan mo.Diba ganyan naman talaga sila.Kung si Boss Gabby,Isang manyak na dirty old man(DOM) na kapag di ka pumayag magpalandi sa kanya sa kangkungan ang bagsak mo.At yang Boss Kelly mo naman na lesbianang patay na patay sayo pero dedma ka lang,Asa ka pang ipo promote ka.Kaya magtiis ka na lang muna sa field reporting._Channel.Madalas na kami ang mag kausap kapag meron akong isyu sa work kaya alam na alam nya na ang mga sikreto sa likod ng pinagtatrabahuan kong network.

"Ano pa nga ba ang magagawa ko,Wala naman akong choice dahil baguhan pa lang ako.Pero magkaroon lang talaga ako ng malaking pasabog,at isang trending balita siguradong makikilala din ako._AKO.

"Sana nga.Pero maiba nga pala ako,Hindi ba si Atty. Lara Quijano yung humahawak sa kaso kamo nung walang pangalang writer na ininterview mo?Alam mo bang andito sya kanina kasama si Gucci Pamintuan._Channel

"Talaga? As in si Gucci talaga yung kasama nya?Ano naman ang ginagawa nung anti social na yun sa public places like this?_AKO.

"Well,Ngayon ko lang sya nasipat sa malapitan girl...Ang ganda pala!
Walang pores kahit walang make up o kahit pulbos sa mukha.Tapos mabilis na tumakbo sa cr after madinig na puring puri sya ni Atty.Lara.
Sa palagay ko,may something dun sa dalawa._Channel.

"Ano namang something yan?Dont tell me pati chismis pinasok mo na din para sa pag unlad pang lalo nitong bakeshop mo?_AKO.Minsan ko ng nakitang magkasama silang dalawa ni attorney Quijano,at kakaibang ngiti nga ang nakikita ko kapag tumitingin sya kay attorney.Bakit parang may biglang kumudlit bigla sa puso ko.

"Kasi nga,Hindi naman ngumingiti yun si Gucci diba sabi mo?Pero kanina, ibang Gucci yung nakita ko eh.Ibang iba sa description mong SNOB at hindi ngumingiti.Wala kamong social life at hindi nakikipag usap sa tao.
Panay nga ang ngiti at kwento kay attorney eh.Saka magiliw sa staff ko.
Kahit nga ako kinakausap din.Hindi nga lang sya naka imik nung pinuri na sya ng bongga ni attorney Lara tapos sinang ayunan ko pa.Ang ending napa takbo ng di oras sa banyo.hahahaha._Channel.

"Im sure nagpapa impress lang yun sa boss nya para bigyan sya ng mataas na grades.Snob naman talaga yun at nuknukan ng ka istriktuhan.Pasalamat sya hindi ako sumbungera at pala away,dahil siguradong makakatikim sya ng panglalait ko sa media._AKO.Pero sa isang banda,humanga din ako sa pagiging makatao nya.After kong malaman ang tunay na saloobin ng writer na si Dela Peña,saka ko narealize ang pwedeng magawang pagkakamali ng isang tao kapag nagmadali syang magkapangalan at sumikat.

"Pinili kong manahimik at hindi na lang isa publiko ang lahat para na din sa magiging anak ko.Ayokong lumaki syang mayroong sama ng loob sa tatay nya.Ginusto ko na magka ganito ang buhay ko,kaya handa akong magpa ubaya para sa ikatatahimik ng lahat._Author Dela Peña.

"Pero bakit ayaw mong ituloy pa ang laban bilang manunulat.Malaking maitutulong nun para sa kinabukasan ng yung magiging anak.Pwede kitang tulungan kung gusto mo.Dapat lang na ipaglaban mo ang karapatan mong makilala sa larangan ng pagsusulat._AKO.

"Sino namang writer ang ayaw makilala sa mga gawa nya?Pero mas lalong ayokong malaman ng lahat na isa akong kabit ng may ari ng publishing company.Totoong ako nga ang may ari ng "BAWAL NA PAG IBIG"(best seller novel in wattpad today) pero dahil sa pagkakamali ko at kasalanan kong pagpatol  sa may asawa,ito na nga ang naging kapalit._Edna Dela Peña.

"Iba naman ang kaso ng pakikipag relasyon mo sa may asawa kaysa sa karapatan mo bilang tunay na may ari ng libro.Wala namang nasasaad sa batas na kapag inagaw mo ang asawa ng may asawa pwede na nyang kunin ang kung anong pag aari na meron ka.Magkaibang case naman yun.
_AKO.Then suddenly,Biglang pumasok sa isip ko ang kabilin bilinan sa akin ni GUCCI.Maging sensitive ako sa damdamin ng iba.

"Bihira akong magpunta sa opisina ng mga TORALBA nuon.Wala kasi akong tiwala pa sa mga istoryang ginagawa ko.Pero pangarap kong mailagay ang pangalan ko sa isang libro.Gusto kong maging proud ang parents ko kapag nabasa nila ang pangalan ko sa libro.Isang araw,tinawagan ako ng opisina nila para nga daw kausapin.Si Mr.Toralba lang nuon ang nasa loob ng opisina nya,Mabulaklak ang dila nya at nangako syang gagawin nya akong sikat na writer basta lang magtiwala ako sa kanya.

Hanggang dumating sa point na pati ang sarili ko,pinagkatiwala ko sa kanya at nangyari ang di dapat mangyari.Kasabay ng pagkatuklas ng asawa nya sa relasyon namin,ang sya namang araw na nalaman kong buntis ako.Wala akong choice kundi magmakaawa na wag nilang kukunin sa akin ang anak ko at magpapakalayo layo ako.

Hanggang sa marelease ang libro na sinulat ko sa publishing company nila pero hindi ako ang nakapangalan bilang author.Ni kahit maliit na pangalan,wala.Masakit sa akin bilang writer na nabalewala ang lahat ng pinaghirapan ko kaya umalma ako.Pero nagbanta ang kabilang kampo na kapag isina publiko ko ang totoong nangyari,SISIRAIN NILA AKO MAGING ANG MAGIGING ANAK  na isisilang KO.Sa palagay mo,San ako pwedeng lumugar,Ang makilala bilang isang tunay na writer o makilala bilang isang KABIT at walang kredibilidad na author?_Writer/Author Dela Peña.

Minsan sa buhay,Wala tayong choice kundi sumunod lang sa agos.
Hindi ko masisisi si Miss Edna Dela Peña kung yun ang naging choice nyang mangyari sa buhay nya.Nasa sa atin na lang kung papano natin ihahandle ang mga pangarap natin.Pwedeng sa mabilis na paraan pero may kapalit, o dun tayo sa matagal na proseso pero sulit.

Pwedeng sa mabilis na paraan pero may kapalit, o dun tayo sa matagal na proseso pero sulit

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"ROOFTOP PRINCESS (KATIE&GUCCI)"THE BILLIONAIRE HEIRESSES "  GxG SERIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon