THIS IS ABOUT THE STORY OF FRIENDSHIP AND RELATIONSHIP OF TWO PEOPLE WITH THE SAME GENDER.
MULA SA TAMBALANG SALLY AT GD,NAGKAROON NG "MAUI AT ALOHA"
"Kinidnap na Pangarap" (Maui and Zoila love story)
"Ang oldmaid kong stewardess" (Aloha and Gari lo...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Hangga't maaari sana ay ayokong magpakuha ng larawan lalo pa at kasama yung mga koreanang kasama namin ngayon dito sa Bora. Pero wala naman akong choice dahil may dalang personal photographer si Sky at palaging naka post sa social media ang mga larawan naming magkakasama.
"Okey ka din naman palang kasama Zee eh! Akala namin ni AJ,Nerd ka at puro ka lang pagbabasa ng libro.Mas cool kapa dito kay Chi eh!_SKY. Iisang kwarto lang kaming apat dahil mas gusto nila Sky at Aj na magkakasama daw kami sa isang room para mas maging close sa isat isa.
"Hahahaha.Tama ka dyan Kapitan.Sino ba naman kasi ang di mag iisip ng ganun kung everytime na makikita namin kayo,puro libro ang dala dala nyo.Infairness din naman kay Chi,Marunong din naman palang umawra kahit papano._Aloha.Napailing nalang ako.Palagi na lang kasi nila akong binibiro na sinaunang tao at Nerd daw kaya sanay na ko sa mga kantyaw nila.
"Actually,Hindi naman palaging libro lang ang kaharap namin ni Panyero talaga.Nagkakataon lang kasi na kapag nakikita nyo kami palaging galing sa library.May araw din na tamad kaming magbasa at kumukuha lang ng mga larawan sa madaraanan namin._Zee.Pareho kaming mahilig sa photography pero bibihira lang kaming magkaroon ng time para duon.
"Really,Hindi ko alam na mahilig ka pala sa photography bunso? Hindi ko naman kasi nakikitang ginagamit mo ang camera mo kapag magkakasama tayo eh._SKY.Totoong hindi ko nakasanayang magbitbit ng camera kapag kasama ko ang family ko kaya hindi napapansin ni Sky ang pagkahilig ko sa pagkuha ng mga larawan.
"Well madalas kasi na kapag namumundok lang yang si Chi saka nya nagagawang kumuha ng mga larawan.At ang paborito nyang subject ay mga bulaklak.Tapos ako naman,trip kong kinukuhanan ng larawan ay yung mga tao sa paligid ko tapos lalagyan ko sya ng caption.Kaya siguro magkasundo kami nitong si Panyero,dahil parehas kami ng hilig._Zee. Ngumiti lang ako sa kanya at saka naman sya umakbay sa akin.
"Kaya naman pala eh! May artistic side kayong parehas kaya kayo magkasundo pati sa hilig at trip sa buhay.Anyways,Maiba nga pala ako. Kamusta naman yung dalawang koreana na panay ang lapit sa inyo ha? Naka first base na ba kayo?Chance nyo yan guys,Kaya wag nyo ng sayangin pa ang pagkakataon na to para maging ganap na kayong ka" PAROKYA" right AJ?_Sky.
"Hahahaha.Sira ulo ka talaga Sky! Anong akala mo sa amin,kagaya mong manyak?Pasensya na pero kahit naman open ako sa pagiging lesbian ko,hindi ibig sabihin na open na din ako sa mga ganung bagay.Ikaw lang ang marupok sa ating lahat dito noh!_Aloha.Nagulat ako sa sinabi ni Aloha na hindi sya open sa pakikipag fling na gaya ni Sky.Ang buong akala ko kasi,Pareho silang dalawa ng lifestyle kaya sila naging mag bff since mga bata pa kami.
"Oo na nga,Ako na ang manyak at ikaw na si MR.right!Ewan ko sayo AJ kung bakit until now,hindi kapa din tumitikim ng babae gayung nasa right age na naman tayong lahat.haaaist! Sinasabi ko sayo,Sayang yang pagiging magandang lalaki mo kung hindi mo gagamitin yan!_SKY.
"Hindi ko nga alam kung bakit ako nandito ngayon eh.Wala akong idea na ganito pala ang mangyayari.Nadamay pa ako sa kalokohan nitong si Sky. _AKO.
"Hahahaha.Wag na kayong komontra.I enjoy na lang natin tong weekend natin ng magkakasama.Nasa sa inyo naman yan kung ayaw nyong makipag laro eh,Basta for me masaya ako sa mga ginagawa ko at walang makakapigil sa akin sa gusto kong gawin.Minsan lang tayo maging 22 years old kaya i enjoy lang dapat natin ang life._SKY.
"May point ka naman dun Kap.Basta masaya ka sa ginagawa mo at wala kang sinasaktan,go lang ng go.Hindi din naman masama na gawin ang mga bagay na yun lalo pa at pareho nyo namang gustong gawin._Zee.
"Ayos ka dyan panyero!I mean Zee pala.Mabuti naman at may taong kagaya mo na open minded.Kaya magaan ang loob ko sayo eh,Hindi ka kagaya ng ibang tao na makitid ang utak._SKY.Tumingin sya kay Aloha.
"Oi grabe sya oh!Makitid kaagad ang utak?hahahaha.Liliwanagin ko lang ha,Hindi ako against sa pagka flirty mo at sa mga kamanyakan mo. Ang sa akin lang,Mas gusto kong gawin ang mga bagay na yun sa iisang tao lang at yun ay sa magiging partner ko lang.Klaro ba tayo dun?_Aloha.
"Maputol ko lang kayo noh,Actually pareho naman kasi kayong may kanya kanyang points regarding that matters. Nagkakaiba lang kayo ng nakasanayan at nagiging panuntunan pagdating na sa pakikipagrelasyon at pakikipag fling.Ang mahalaga naman dyan ay pareho nyong ini enjoy ang pagiging single sa magkaibang paraan._Zee.
"Sabagay tama ka naman dyan Zee.Ang mahalaga nga ay kung nag eenjoy kaba sa ginagawa mo hindi ba? Pero minsan nakakasawa na din yung wala kang permanenteng partner talaga.Naramdaman nyo na ba yung feeling na kahit ang dami dami mong kasama at nakakasalamuha,Nakakaramdam kapa din ng pag iisa?Ang lungkot din ng walang partner sa totoo lang._SKY.
"I feel you Bro!Hahahaha.Yung feeling na halos nasayo na ang lahat pero parang kulang pa din._Aloha.
"Ouch,Parang tinamaan din ako nun ah!Hahahaha. _Zee.
"Teka bakit parang tatlo lang tayong nakakarelate?Ibig sabihin si Gucci,Hindi na single?hahahahha._Aloha.
"Come on brad,Sino ba yang maswerteng girl na yan ha? Ibang klase din tong utol ko eh,Tatahi tahimik pero mapanganib!Hahahaha._Sky.
"Bakit naman pati ako nadamay,Nananahimik lang ako dito noh. Ang mabuti pa,magsitulog na tayo para makauwi na bukas ng maaga. _AKO.Gusto ko na din talagang makauwi para makita si Katie.Im sure na nakita nya ang mga pinost na larawan ni AJ at Sky sa IG account nila kaya hindi din ako mapakali talaga.
"Ayan na nga sya at talagang ayaw mag confess kung sino si mahiwagang babae.hahahaha.Wag kang mag alala,Malalaman at malalaman ko din yan kaya humanda ka bunso.So papano ba yan,Kanya kanya na tayong higa at ng may energy tayo para bukas._SKY.Last day na namin bukas at sa hapon ay babalik na din kami ng Manila.