36.KATIE

1K 57 2
                                    

"PARTY FOR A CAUSE" Ang theme ng party na ginaganap ngayon dito sa
hotel nina CHANNEL.Mas madami kasing mayayamang tao ang nakatira sa hotel nila kaya dito namin naisip gawin ang party.Sa tulong na din ni Papa Terry,hindi naging imposible na mangyari ang lahat ng ito.
Meron din syang mga celebrity personalities na pinapunta para mas lalo pang dumami ang mga tao.Dumating din sina SKY,ALOHA AT MAUI na malaki laking halaga din ang idinonate para sa charity.

"Heyy Princess,Ang cool nitong party mo ha! Hindi ko akalain na may side ka pa lang mapagkawanggawa din.Ang akala ko,puro ka lang pagbabalita at pakikialam sa mga buhay ng mga tiwaling opisyal sa pamahalaan.hahaha.Just kidding!_Sky.Natawa na lang ako sa biro nya.
Kilala kasi ako na mahilig mambulgar ng baho ng mga tiwaling politiko kaya ayaw ng bigyan ng break ng network ko.

"Hahahaha.Ang bully mo talaga Sky! Ano bang nakakagulat dun,Like mother like daughter sympre.Si Tita Ninang Terry yata ang Goddess of Charity kaya san pa magmamana si Katie diba?_Maui.

"Well actually hindi naman talaga ganito sana ang plano.May nakiusap lang kasi sa akin na kung pwede nga daw magpatulong na maisa publiko ang panawagan na makahingi ng tulong para magkaroon ng sponsor yung foundation na tinutulungan nya.Kaya lang hindi ako pinayagan ng network ko kaya eto,gumawa na lang ako ng paraan para maka tulong._AKO.

"Really?So hindi talaga ikaw mismo ang member nung foundation kundi ibang tao?Wow ha,Ang swerte naman nung taong humingi ng tulong sayo dahil iba din itong ginawa mo para sa kanila.Iba ka din talaga eh!_Aloha.

"Thats right! Saka iba din yung taong humingi ng tulong sayo,Imagine, hindi madaling makiusap at humingi ng tulong sa ibang tao,It takes gut and kapal ng mukha para lumapit sa kagaya mo pero ginawa nya din yun kahit hindi sya sigurado na pagbibigyan mo sya dahil gusto nyang makatulong talaga sa foundation._Sky

"Actually,Ang laki din nung impact na nagawa nya sa akin para mamulat ako sa katotohanan eh.After kong madinig yung kwento nya,saka ko narealize na ang damot damot ko pala.Kasi sya,halos kalahati ng kinikita nya as a painter idino donate nya sa charity.Ang tinitira nya lang sa kanya ay yung para lang sa personal nyang pangangailangan._AKO.

"WOW,Nakakabilib nga sya! Bigla naman akong nanliit sa sarili ko.
Pero nakakabilib ka din Katie.Inisip mo pa ding gumawa ng paraan para makatulong kahit na tinurn down kana ng network mo.Basta kapag need mo din ng help,Andito lang din kami palagi._Aloha.Si Aloha ay may  foundation ding mga tinutulungan kahit nuon pa...Pero never nya yung pinagsasabi sa ibang tao.Kahit sa amin ay hindi nya yun pinaaalam.

"Syanga pala Sky,Where's Gucci?Hindi ba sya dadaan man lang dito kahit saglit?Ang alam ko,tapos na ang finals nila kaya hindi na sya masyadong busy ah._Maui.

"Sinabihan ko naman pero hindi daw sya sigurado eh.Magkasama sila ni Zee ngayon at meron daw silang inaasikaso.Pero nagpasabi naman sya magdodonate for sure._SKY.Expected ko namang di makakapunta talaga si Gucci. Walang syang hilig sa sosyalan kaya hindi ko na inaasahang dadaan pa sya dito.Masaya na kong malaman na willing sya tumulong din sa mga nangangailangan.

"Ano kamo Channel,Nasa labas si Gucci at hinahanap ako?Bakit daw?
Teka lang at lalabasin ko muna.Ikaw na muna ang bahala mag entertain sa mga tao.Kapag hinanap ako,sabihin mong may kinausap lang sandali.

"Oo nga,Si Gucci nga daw sabi nung gwardya.Sige na,puntahan mo na baka mainip pa yun sa labas.Ako ng bahala dito._Channel.
Nagmamadali naman akong lumabas sa bar at saka dumiretso sa labas ng hotel.

Isang black na BMWi8,latest model ang nakita kong nakaparada sa labas ng hotel

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Isang black na BMWi8,latest model ang nakita kong nakaparada sa labas ng hotel.Nagpalinga linga ako para hanapin si Gucci at nagulat ako ng may magsalita mula sa likuran ko

"Ehem!Baka naman mabali yang leeg mo sa kakatingin.Walang tao dyan sa loob ng kotse._Gucci. Napaligon ako sa likuran at bahagyang nagulat sa suot at pormahan nya ngayon.Maiksing maiksi ang buhok nya at naka mamahaling damit din sya.

Maiksing maiksi ang buhok nya at naka mamahaling damit din sya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Ay kalabaw! Nakakagulat ka naman.Teka bakit nagpagupit ka ng buhok?
At saka bakit naka porma ka yata ng husto.Anong nangyari sayo?_AKO.
Para kasing ibang Gucci ang kaharap ko ngayon kaya takang taka talaga ako.

"Ahh eehh...Bakit,panget ba?Hindi ba bagay sa akin ang maiksi ang buhok?_Gucci.Napakamot sya ng ulo at saka parang nahiya bigla.

"Hindi naman,Bumagay nga sayo eh.Kaya lang nagtataka ako bakit bigla ka namang nagpalit ng image.Ano bang nakain mo ha?_AKO.

"Actually,Matagal ko na talagang plano magpa cut ng hair.Kaya lang sabi ko,Kapag nakapasok ako sa Law school saka na lang ako magpapagupit.
Para maiba lang.Mas less ang time para sa pag aayos at mas mahaba ang time para magbasa at mag aral._Gucci.Napatango naman ako.Sabagay, sa kagaya nyang mag aaral ng law,Praktikal at mas convenient  talaga ang mas maiksi ang hair.Magaan at mabilis sa pagkilos.

"Uhmmm,Tama ka naman dyan.Maiba nga pala ako,hinahanap mo daw
ako?_AKO.Kahit gusto ko man na magkausap pa kami ng matagal,Need ko ng pumasok sa loob para asikasuhin ang mga bisita ko.

"Yeah,Idadaan ko lang sana itong donation ko.Ipapa abot ko na sana kay Sky pero hindi ko na sya naabutan sa bahay kaya dito na ko dumiretso.
Anyways,I have to go na din at baka gabihin ako sa pupuntahan ko.
Congrats nga pala sa success ng charity event mo.Sana mas dumami pa ang kagaya mong may malasakit sa kapwa._Gucci.Nakatitig lang ako sa maamo nhang mukha habang nagsasalita sya.Hindi ko maipaliwanag, bakit bigla akong nakaramdaman ng kakaiba sa pagtititigan naming yun.

"Hah?Sa...Salamat ng marami sayo.Pa..pasensya kana kung hindi na kita mabigyan pa ng mahabang oras.Kailangan na din kasi ako sa loob.
Salamat ng madami sa tulong.Madami ng pasyente ang matutulungan ng idinonate mong ito for sure.Salamat._AKO.Hanggang sa umalis sya ay nanatili pa din akong nakatulala dito sa labas.Parang may kung anong panghihinayang akong naramdaman sa pag alis nya.

Aaminin ko,Bigla akong nakaramdaman ng kakaibang paghanga sa kanya lalo ngayon na maiksi ang buhok nya.

Sa paningin ko,Para syang isang PRINCE CHARMING na SAKAY NG ITIM NA KABAYO at sinusundo ako.
Sa kauna unahang pagkakataon...Naramdaman kong tumibok ng malakas ang dibdib ko.

"ROOFTOP PRINCESS (KATIE&GUCCI)"THE BILLIONAIRE HEIRESSES "  GxG SERIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon