53.GUCCI

1K 50 3
                                    

Base sa nakalap kong information about sa nagtangkang ipadukot sina Maui at Katie,Napag alaman ko na hindi talaga pag kidnap ang motibo ng mga suspek kundi para mag higanti.Merong dalawang anggulo na nakalap ng imbestigador na kinuha nina Ninang GD at Ninang Terry at ang isa dito ay ang lalaking ipinahiya daw diumano nuon ni Maui sa University na gustong manligaw sa kanya.Habang ang isang anggulo naman na nakalap nila ay hindi pa madyadong malinaw dahil walang witness o ebidensyang pwedeng ituro.Maliban na lang kung makikipag cooperate si Katie at sasabihin nya kung sino ang kanyang naiisip na pwedeng suspek.

"As you can see here Miss Guillermo,Base dito sa natagpuang bracelet kamo dun sa pinangyarihan ng insidente na may initials na PH...Posible na kilala o maaaring malapit ito sa isa sa mga biktima dahil alam nila ang bawat galaw at kung saan nagpupunta ang mga ito._Investigator.

"Sa palagay ko din panyero,Posibleng kakilala o may kauganayan ang suspek sa isa dun sa biktima.Mas maganda siguro kung pareho mo silang tanungin kung may PH silang kakilala o mga naka bangga nuon._Zee.

"Pero panyero,Ayoko na nga sanang ungkatin pa yun sa kanila.Sasabihan lang ako ng dalawang yun na ipaubaya na sa parents nila ang pagpapa imbestiga at wag na kong makialam.Ayoko namang magsawalang kibo na lang gayung mahalaga sa akin ang taong involve dito sa kaso._AKO.

"So papano ngayon yan,Baka hindi ka makapag focus sa pag aaral nyan kung may iba ka pang iniintindi.Ikaw din,magagaya ka sa akin na mukha ng lolo sa dami ng iniintindi sa buhay.hahahaha._Zee.

"Ang OA naman sa di makaka focus.Sympre mas uunahin ko pa din ang pag aaral noh.Mahirap ng mapag iwanan.Basta ako ng bahala dun,Ikaw na din ang bahala kay Maui ah.Yung sinabi ko sayo,Hanggat maaari...Ilayo mo sya dun sa babaerong prof nayun.Kahit naging teacher  pa natin sya, kapag hindi sya lumugar sa tama,May kalalagyan sya sa mga Villareal for sure._AKO.

"Ayan ka na naman eh!Bakit ba kasi pilit ka ng pilit na pabantayan sa akin yung brat na yun?Wala akong magagawa kung gusto ni girl kay prof,Alangan pigilan ko yun at baka kung ano naman ang iisipin sa akin nung babae kung sakali,Baka mapagkamalan pa kong type ko sya._Zee.

"Oh eh bakit,Masama bang magkagusto ka kay Maui kung sakali?
Maganda naman sya at saka sikat dito sa campus as a cheerleader.
Madami nga ang nagkakandarapa dun tapos aayawan mo pa?_AKO.

"Ayos ka lang ba Chi? Bakit naman sa dinami dami ng pwede mong ipabantay sa akin,Yung babae pang yun ha? Alam mo,kahit pa sya na lang ang natitirang single dito sa SDU,Hinding hindi ko sya magugustuhan.
Alam mo yan._Zee. Kakaiba din kasi ang taste ni Zee sa girl.Unang unang ayaw nya ay yung maarte at masyadong pabebe.Mas gusto nyo yung babaeng independent at saka sporty.

"Well,Ano pa nga ba ang magagawa ko kung ayaw mo kong tulungan.
Sige ako na lang mag isa ang magso solve sa kasong ito at ako na lang din mag isa ang magbabantay dun sa dalawa._AKO.Syempre drama ko lang yun para maawa sa akin si Zee at pumayag ng bantayan nya si Maui.

Napaka ganda ni Katie ng gabing yun habang naka suot ng Gucci black dress na hanggang tuhod ang haba

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Napaka ganda ni Katie ng gabing yun habang naka suot ng Gucci black dress na hanggang tuhod ang haba.Pareho kaming naimbitahan para sa ginanap na GUCCI fashion show event dito sa Makati.At kahit na hindi talaga ako mahilig umattend ng mga ganitong klase ng event,Hindi ko naman pupwedeng hindi pagbigyan si Katie sa imbitasyon nyang samahan ko sya.

"Ohhhh my gosssh,Katie! You look so fabulous and gorgeous as always.Im glad you came.Akala ko hindi mo pauunlakan ang imbitasyon ko.Halikayo, dun kayo sa front row umupo.I a assist kayo ng mga tauhan ko._Mrs.Leslie Hernandez(Leslie Philippines)

"Thank you po Tita.Kayo din po,Ang ganda ganda nyo din.By the way,This is Gucci Pamintuan po pala.Gucci,Sya si Tita Leslie ang mommy ni Diego.
_Katie.Ngumiti ako sa kanya at saka nakipag kamay pero hindi sya pumayag na kamayan ko sya.Inilapit nya ang pisngi nya sa akin at saka sya nakipag besohan sa akin.

"Really now,Isa ka palang Pamintuan iha?Kaya pala ang ganda ganda mo din like your parents.Hindi na ko magtataka.Im happy to finally meet you.
Mabuti naman at sumama ka kay Katie kahit na ang balita ko,Hindi mo hilig ang mga sosyalang gaya nito?_Mrs Leslie. Nagulat ako pero hindi nagpahalata,Papano nyang nalaman ang tungkol sa akin gayung ngayon pa lang naman kami nagkaharap.At bakit parang kilalang kilala nya ang parents ko ayon sa pagkaka kwento nya.

Saka naman dumating na din ang iba pang mga bisita kaya nagpaalam na muna sya sa amin na babalikan nya daw kami mamaya.Bakit ba parang may kakaiba sa mga tingin nyang yun sa akin.Ano ang kaugnayan nya sa parents ko at ganun na lang sya ka interesado sa akin.

"Gucci,Are you okey? Kung di ka komportable pwede naman tayong umalis na.Hindi na natin kailangan pang intayin magsimula ang fashion show kung naiinip kana._Katie.Medyo malapit lang ang pag uusap namin dahil maingay sa lugar at madaming tao kaya amoy na amoy ko ang mamahalin nyang pabango habang magkatabi kami.

"Heyyy,Dont worry Im fine.Kapag di ako komportable sasabihin ko naman sayo eh.Malapit na namang mag simula ang show kaya hindi ako naiinip.
I used to be a model before when I was a kid kaya na excite din akong panuorin sila tonight._AKO. Sa totoo lang,Kanina pa talaga ako hindi komportable sa lugar na ito.Bukod sa madaming tao,Ayoko na ding maalala yung time na naging model nga ako.Ngayon ko lang narealize na hindi ko pala gusto yung ginagawa ko nuon dahil ayoko na syang maalala pa.Nahihiya ako.

"Thanks Chi.Alam ko namang ayaw mo ng ganitong event pero ginawa mo pa din para sa akin.Alam mo,Ang dami ko ng utang sayo.Lagi na lang kitang inaabala.Next time babawi ako sayo at ikaw naman ang sasamahan ko kung saan mo gusto._Katie.Mahirap din yung sitwasyon namin kapag nasa labas kami dahil ni hindi kami pupwedeng maghawak ng kamay o yakapin sya.

"Anything for my Princess.Basta kung saan ka masaya,Naka support ako sayo all the way.Kahit saan mo ko kaladkarin,Kahit sa itaas pa yan ng building or sa mga lugar na may nagbabarilan,Sasamahan pa din kita.
_AKO.Tanging ngiti at mga tinginan lang ang pwede naming gawin kapag nasa labas kami at madaming taong nakakakita.

"ROOFTOP PRINCESS (KATIE&GUCCI)"THE BILLIONAIRE HEIRESSES "  GxG SERIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon