46.GUCCI

1K 51 2
                                    

                                 Mahirap ang unang mga araw sa pagsisimula pa lang ng eskwela.Hindi talaga biro ang mag aral ng law dahil napaka rami mong dapat na pag aralan.Kinakailangan kong magbasa ng mahigit isang daang mga kaso at pag aralan ito ng mabuti.

"Grabe panyero,Dumudugo na ang utak ko sa dami ng pinapabasang mga cases sa atin.Tapos kelangan pang magaling ka sa memorization at sa problem solving._AKO. Bawat araw ay kinakailangan mong gumugol ng tatlo hanggang apat na oras para sa pagbabasa at pag aralan ang mga kaso.

Hindi ko na din masyadong nakikita si Katie dahil antok at pagod na ako pagdating ko ng apartment.Wala pa din kaming sinabihan tungkol sa relasyon namin dahil mas gusto naming maging pribado na muna ang lahat at kami lang ang nakaka alam.

"Alam mo kasi panyero,May teknik ako dyan eh.Isi share ko sayo pero wag mong pagsasabi sa iba ha._Zee.Saka sya bumulong sa akin.

"Puro ka naman biro Zee eh!Akala ko pa naman totoo na.Ewan ko sayo.
Bahala ka nga dyan._AKO.Muli akong nag focus sa pagbabasa.Pero infairness,may point din yung biro ni Zee sa akin na dapat daw kasi meron akong inspirasyon para mas ganahan mag aral.

"Naks naman!Parang iba yang ngiti mo ah...Parang meron akong hindi alam na gusto mong i share sa akin?What happened panyero,Kayo na ba ni Miss Katie? Yieeeee!_Zee.

"Ano namang kalokohan yan Zee.Ngumiti lang meron ng dapat i share?
Wala noh! Busy ako sa pag aaral kaya wala akong time ma inlove._AKO.

"Sabagay,Magiging unfair ka lang sa magigng girlfriend mo dahil masyado kang focus sa pag aaral at hindi mo din sya mabibigyan ng panahon._Zee.

"Speaking of panahon,May nakalap ka na bang info about Maui?
For sure naman,kahit papano may nalaman ka din about her?_AKO.

"HAH? Kay Maui? Wala.!..Sabi ko naman sayo diba,Wala akong panahon maging stalker nung brat na yun.Saka ang alam ko,Nagdi date na sila ni Prof San sebastian._Zee.

"Whaaat? Si prof Jacob ba kamo ang dini date ni Maui ngayon?I mean si Maui ang bagong prospect ngayon ng manyakis na si San sebastian? So,how was it? Ano naman ang nakain ni Maui at nagustuhan nya ang mokong na yun?_AKO. I need to tell Aloha about it para ma warningan.Kilalang babaero at walang patawad sa babae si prof kaya nag aalala ako para kay Maui bilang kaibigan.

"Brat nga kasi diba kaya kung anong gusto,yun ang gagawin.Sya pa nga ang nagpupunta dito sa department natin para lang puntahan ni prof eh.
Ewan ko ba dun sa babaeng yun,Napaka tigas ng ulo._Zee.

"Ehem! Bakit parang bwisit na bwisit ka naman dyan ha?Saka papano mo nasabing matigas ang ulo nya,Nagkausap na ba kayo?Aha! Don't tell me you like her at nagseselos ka kaya ganyan ka maka react?_AKO.

"Are you crazy? Ako magseselos dun sa manyak na prof na yun?Duh!
At saka bakit ba pinipilit mong like ko yung babae na yun,Sino bang magkaka gusto sa spoiled brat at mataray na yun?_Zee.Natawa na lang ako ng bahagya.Iba kasi ang nararamdaman ko sa banggaan nilang dalawa.Parang labanan sa kung sino ba ang mananaig,Ang matalinong abogado ba,o ang bratinelang tagapagmana?

Umuwi ako sa apartment na medyo pagod kaya kaagad akong dumapa sa kama ko.Nakapikit lang ako ng may nag doorbell sa pinto ko kaya patamad akong bumangon para tignan kung sino ang tao sa labas.Nawala bigla ang antok ko ng makita kong si KATIE pala ang nagdo doorbell.Dali dali akong nag ayos ng sarili ko atsaka binuksan ang pintuan.

Dali dali akong nag ayos ng sarili ko atsaka binuksan ang pintuan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"KATIEE! Kamusta na? Pasok ka.Pasensya kana kung di na ako maka akyat sa rooftop this past fewdays,Sobra kasing dami kong ginagawa._AKO.
Agad ko syang nilapitan at sumandal ako sa balikat nya.

"Don't worry,Naiintindihan ko naman na busy ka.Kaya nga ako na lang ang bumisita sayo.Eto,nagdala din ako ng food para hindi kana magluto bukas ng breakfast mo._Katie.Tinatapik tapik  nya ako sa braso habang naka hilig ang ulo ko sa balikat nya.

"Thanks Katie.Ang swerte ko naman talaga sa pagkakaroon ng napaka understanding na prinsesa.Ang sweet at thoughtful na,Napaka ganda pa..Haaaaay!Im so blessed!_AKO.

"Hahahaha.Blessed ba yung puro trouble nga ang binibigay ko sayo?
Uhmmm...Anyways,Baka maging busy na din ako mula bukas.Kaya dapat alagaan mo yang sarili mo.Wag kang masyadong magpapaka pagod.
Basta kapag wala akong trabaho,Papasyalan kita palagi dito okey?_Katie.
Tumango tango lang ako at yumakap sa kanya.Kahit naman ganito lang na magkatabi kami,ayos na sa akin.Pakiramdam ko,Nasa akin na ang lahat.

"Opo madam.Ikaw din,Mag iingat ka.Palagi kang magchat para alam ko kung nasaan ka.Palagi mong siguraduhin na naka open yang fone mo para sa track location mo._AKO.Hangga't hindi ko pa sure kung sino yung stalker nya,hindi ako magiging relax.Kahit na meron din akong tao na pinagbabantay sa kanya,maganda na yung makasigurado.

"Hahahaha.Alam mo daig mo pa ang mama ko sa higpit mo!
Wag kang mag alala,Palagi po akong may reserbang extra battery at powerbank.Ay wait,meron nga pala akong good and bad news sayo today.
Ano bang gusto mong unahin ko?_Katie.

"Uhmmm...Bad news na lang muna para mas exciting.Ano ba yung masamang balita na yan?_AKO. Sinundan ko sya sa kitchen habang naglalagay sya ng food na dala nya sa ref.

"Well ang bad news...Nalaman na ni Channel na tayo na._Katie.

"Wow! At bakit naman naging bad news yun sa tingin mo?_AKO.

"Eh kasi sa tingin ko,ayaw mo munang ipaalam natin sa kanila na tayo na.
Kaso,Nadulas ako habang magkausap kami sa fone kanina na pupunta ako dito sa apartement mo kaya ayun,Wala akong choice kundi umamin._Katie

"Alam mo ayan ka na naman eh,Palagi mokong jina judge kaagad.Sino naman ang nagsabi na ayaw kong  ipaalam na tayo na?Ikaw lang naman ang inaaalala ko,Baka maka apekto sa work mo kapag nalaman nila na tayo pala.Ayoko lang na malagay ka sa alanganin._AKO.Mahirap din kasi ang sitwasyon naming dalawa.Baka gawin pa yung isyu sa pinapasukan nya at ayoko namang dahil sa akin,magka problema pa.

Hindi lahat ng tao OPEN sa pagtanggap sa relasyon ng mga kagaya namin.
May mga taong huhusga at huhusga at hindi yun maiiwasan.

"ROOFTOP PRINCESS (KATIE&GUCCI)"THE BILLIONAIRE HEIRESSES "  GxG SERIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon