47.KATIE

1K 46 1
                                    

Hindi na ako tinantanan pa ni Channel hanggat hindi ko naikukwento sa kanya kung papanong naging kami na nga ni Gucci

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Hindi na ako tinantanan pa ni Channel hanggat hindi ko naikukwento sa kanya kung papanong naging kami na nga ni Gucci.
After ng mahaba haba ding paliwanagan,Saka nya lang naliwanagan ang lahat.

"So papano na ngayon nyan,Sasabihin mo na ba kay Gucci yung tungkol kay Pocholo Hipolito?Aba'y dapat lang na malaman nya para matulungan ka nya sa dapat mong gawin sa taong yun._Channel.

"Ano kaba,Kaya nga hindi ko sinasabi kina Mama at mommy ang tungkol dun dahil ayoko silang mag alala.At saka ayoko ding madamay pati si GUCCI kaya ako na ang bahalang lumutas dun._AKO.

"Alam mo Katie hindi ko alam kung sadyang lukaret ka lang o talagang gusto mong mapahamak! Ayaw mong malaman ng parents mo dahil siguradong di kana papayagang magsolo,pero bakit pati kay Gucci ayaw mo pa ding sabihin?Im sure matutulungan ka nun sa pwede mong gawin._Channel

"Dahil nga kaya ko namang ihandle yun.Saka busy si Gucci sa pag aaral kaya ayoko namang makadagdag pa ako ng alalahanin sa kanya.
Isa pa,Tahimik na naman ngayon ang kampo nung mag ama kaya sa tingin ko naman gusto lang talaga nila akong takutin at hindi naman para saktan._AKO.Malapit na din kasi ang eleksyon kaya takot ang mga politician na gumawa ng di maganda at baka masira ang image nila.

"Iintayin mo pang masaktan ka talaga ng tuluyan saka kapa magsasabi sa mga mgulang mo at kay Gucci ganun?Ikaw na nga ang bahala.Basta hanggat maaari,Wag ka ng gagawa pa ang mga bagay na ikaka pahamak mo._Channel.

"Oo naman.Behave na ko ngayon.Okey na ko sa bago kong network eh.
Walang palakasan.At kung meron man,hindi na ko makikialam.Buhay nila yun eh,Kung gusto nilang umangat at yun lang ang nakikita nilang paraan, sino ako para sila pigilan diba?Basta wag lang din nila akong pakikialaman at wala silang madidinig sa akin._AKO. Maganda ang posisyon ko sa bago kong pinapasukan kaya ganado akong magtrabaho araw araw.

Isang bagong bukas na BOUTIQUE ang pinagkakaguluhan ngayon sa kamaynilaan.At dahil sikat at madami ang nahuhumaling sa mga tinda nilang mga damit,Sila ang inassign sa akin na kailangan kong interview hin ngayon.

"Im sorry pero hindi ako nagpapa interview.Ayoko din na kinikuhanan nyo ng video ang tindahan ko.Umalis na kayo kung ayaw nyong ipapulis ko kayo._May edad ng ale.Hindi na ko nagpumilit pa kaya pumasok na ako sa van.Nagstay lang kami dun ni kuya Roger hanggang sa magsara na yung boutique.

"Miss Katie,Tignan nyo oh.May mga delivery van na paparating.
Parang hindi naman mga damit ang laman._Kuya Roger.Tinted ang sasakyan namin kaya hindi nila kami kita dito sa loob.

"Oo nga kuya,Kuhanan mo dali.Parang duda talaga ako sa tindahan na yan eh.Bakit ayaw magpa interview gayung malaki ang maitutulong nun sa promotion nila para lalong lumakas at makilala ang tindahan nya._AKO

Maya maya lang ay palinga linga na sa paligid ang mga taong nasa ikatlong van.May kinausap muna sa cellfone ang driver at saka pa lang sya bumaba para buksan ang likod ng truck.

"Sigurado,May tinatago ang mga yan kaya ganun na lang sila kahigpit na wag magpa interview.Palagay ko...PEKE ang mga tinda nila! Ikaw ba Miss Katie,Bumibili kaba ng mga branded na damit sa boutique lang o sa mismong authentic outlet ka lang umuorder?_Kuya Roger.Saka ako napaisip.Hindi ko pa kasi na try bumili ng damit ko sa boutique kaya wala akong idea.

"Pero naging saleslady din nuon ang mommy Joyce ko sa isang boutique.Original naman at authentic ang mga products na binibenta nila.
Calvin Kliene naman ang brand na nag i sponsor sa mama Terry ko nung active pa sya sa pagdi direk kaya alam kong may mga legit din talagang boutique na nagtitinda ng original._AKO.

"Pero hindi ganyang bulto bulto ang deliver diba Ma'm?Limited lang ang mga gawang orig kaya malamang na peke ang mga tinda nila._Kuya Roger
Mula ng nagresign ako sa dati kong pinapasukan,Umalis na din duon si kuya Roger at naghanap ng ibang trabaho.Pero ng matanggap ako sa bago kong network,Pinag apply ko din sya at kami na naman ulit ang magkasama.

"Ibig sabihin,Niloloko nila ang mga tao na totoong original ang tinda nila kahit peke naman pala.Naku naku,Kaya naman pala ayaw magpapakita sa camera,May tinatagong kalokohan._AKO. After naming makuhanan ng video ang boutique,Nag decide kami ni kuya Roger na umuwi na lang muna at bukas na namin ulit sila balikan.

"Mommy,Itatanong ko lang po sana kung papano po ba malalaman kung original ang isang damit na ibinebenta sa isang boutique?_AKO.Tinawagan ko si mom tru vd call para makahingi sa kanya ng advice bilang dating visor sa isang boutique.

"Uhmmm,Papano nga ba? Siguro dapat meron silang Business licence permit.Saka dapat may authorize permit ng brand na binibenta nila,importante yun.Bakit anak,Tungkol ba dun ang bagong project mo?_Mommy.

"Yes mommy,Tungkol nga po duon.Ayaw po kasi nilang magpa interview kaya medyo nahihirapan ako dito sa next project ko._AKO.

"Ganun ba?Kakaiba naman ang style ng boutique shop na yun ah. Kung yung iba nga,Nagbabayad pa ng malaki para sa advertising at promotion ng shop nila,itong isa naman halos ayaw yatang malaman ng mga tao na nag i exist sila._Mommy.

"Kaya nga po mommy eh.Anyways,susubukan ko na lang po ulit silang balikan at kulitin baka sakaling mapagbigyan din nila ako.
So,kamusta naman po kayo ni Mama dyan.Namimiss ko na po kayo.
Ingat po palagi mommy.I love you po._AKO.

"Ayos naman kaming dalawa ng mama mo dito anak.Wala kang dapat alalahanin.Ikaw din dyan,Mag iingat ka palagi.Basta kapag may problema ka,sabihin mo kaagad sa amin ng mama mo ha.Palagi kong pinagdarasal ang kaligtasan at kalusugan mo anak.I loveyou more anak ko._Mommy.

After ng kwentuhan namin tungkol sa mga araw araw na nangyari sa amin,Nagpaalam na din ako sa kanya na matutulog na.
Naalala ko ding kailangan ko pa palang i check yung report na ginawa ko kanina bago ako mahiga.

"ROOFTOP PRINCESS (KATIE&GUCCI)"THE BILLIONAIRE HEIRESSES "  GxG SERIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon