34.TERRY POV'S

1K 46 0
                                    

(Addional chapter for TERRY GUILLERMO only)

Bilang magulang,hindi ako pupwedeng manahimik na lang sa isang tabi habang may mga tao palang nais magtangka sa buhay ng nag iisang anak ko na si KATIE

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Bilang magulang,hindi ako pupwedeng manahimik na lang sa isang tabi habang may mga tao palang nais magtangka sa buhay ng nag iisang anak ko na si KATIE.Kaagad akong nagtungo sa pulisya ng SAN NICOLAS,Ang lugar kung saan nag hiking ang anak ko at ang mga kaibigan nya.

"Magandang Umaga po Ma'm,Ako po ang hepe nitong bayan ng San Nicolas at naitawag na sa akin ang pakay nyo sa pagpunta dito.Halika po kayo sa loob._Hepe.(Bartolome ang nakalagay na apilido sa uniporme nya)Kumamay ako sa kanya at saka ako sumunod sa kanya sa loob.

"Salamat po Chief.Pasensya na sa abala,Importante lang kasi sa akin na malaman kung ano talaga ang tunay na motibo ng mga taong yun para pagtangkaan nila ang anak ko._AKO.May kasama kong apat na bodyguard at saka isang assistant.

"Wala pong anuman,Tungkulin nating tumulong sa mga nangangailangan para na din sa ikaliliwanag ng totoong nangyari.Wag kayong mag alala Ma'm dahil sigurado namang masasagot ang lahat ng gusto nyong malaman dahil nandito din silang apat ngayon._Hepe.May apat na mga lalaking nakaupo sa loob ng isa pang room,Nasa may salamin lang ako nakatingin at hindi nila ako nakikita dito sa kabilang kwarto.

"Pakinggan nyo po ang mga isasagot nila at saka kung ano ba talagang totoong motibo ng mga taong yan sa anak nyo._Hepe.Pumasok sya sa loob at saka nagsimula na ang interogasyon.

"Nasaan kayo ng bandang alas kwatro ng hapon,Nung ika 19 ng Oktubre taong kasalukuyan?_Hepe.

"Sir,Nasa kakahuyan po kami ng mga oras na yun at na uusap usap.
_Lalaking medyo mataba.(Payat na kasi yung tatlo pa)

"Ano naman ang pinag uusapan nyo at bakit sa kakahuyan pa nyo naisipang mag usap usap?_Hepe.

"Mga guide po kasi kami ng mga umaakyat ng bundok.Ang totoo po nyan,
Hindi naman talaga kami masasama talaga.Legal po ang pagiging guide namin at may mga ID kami na makapagpapatunay na kasapi kami ng grupo._Payat na lalaki,may edad na kaysa sa karaniwan.Nasa (50's).

"Totoo po yun chief.Saka mababait po  sa amin yung mga kabataang umakyat ng bundok,para din kaming mga kasama nila talaga kung ituring.
May sarili pa kaming tent at pinapakain din nila kami._Ikatlong lalaki, may tattoo sa binti.

"Ayun naman pala...mababait sa inyo yung mga gina guide nyo pero bakit nyo pa pagtatangkaang gawan ng masama?Ano ba talagang motibo nyo?
_Hepe.Yung tono na  naiinip na dahil ang tagal pa nilang umamin.

"Wala po talaga kaming idea na anak ng mga business tycoon yung mga yun.Basta alam lang namin,mayaman sila.Hanggang sa madaling araw kaming naglakad pabalik muna sa quarter namin sa baba para mag report.Kasi nga dun na kami pinatulog eh.Tapos sa daan,May nakasalubong kaming dalawang lalaki,Yung isang lalaki ay nakatakip yung mukha.Tapos kinausap kami nung isa habang yung isang lalaki naman na may takip,tahimik lang at di nagsasalita._Lalaking nasa 50's.

"Ang sabi nung lalaki,Tyempuhan lang daw namin na walang kasama yung dalawang babae at saka namin sila dalhin sa kanila.Tapos after nun, Babayaran daw nila kami ng malaking halaga.Inaabutan kami ng singkwenta mil,pero sumenyas yung may takip sa mukha na bawasan daw kaya tiglilimang libo muna daw kami._Lalaking mataba.

"Pumayag kayong bayaran ng tiglilimang libo lang kahit alam nyong may tao kayong kikidnapin?_Hepe.

"Ganito nga kasi ang ginawa namin chief,Kinuha namin yung pera na inabot nila sa amin tapos iniwan na namin sila at naglakad na kami papunta ng batis,Alam kasi naming nandun yung mga babae.Hindi pa man kami nakakalapit sa sapa,Napansin na namin si BOSSING CHI na naglalakad papunta din sa sapa._lalaking may tattoo.

"Sino naman si Boss Chi?At bakit naman sya papunta ng sapa?Kasama ba sya ng mga nag utos sa inyo para mangidnap?_Hepe.

"Naku hindi Chief!Si boss Chi ay isa sa mga anak ng business tycoon na kaibigan nung dalawang babaeng pinakikidnap sa amin.Saglit lang namin sya nakilala pero napakabait nya sa amin.Kaya naisip naming ipadinig sa kanya ang plano namin para mabantayan nya yung dalawang babaeng target ng mga may masamang tangka sa kanila._Lalaking binatilyo.Pinaka bata sa grupo.

"Pagkatapos nyang madinig ang plano nyo,Ano ng ginawa nyo?_Chief.

"Bumalik na kami kaagad sa quarters namin.Inantay na lang namin na damputin kami duon at saka na kami magpapaliwanag.Yung dalawang lalaki na nag utos sa amin,hindi na din namin nakita._Lalaking nasa 50's

Im sorry Ma'm pero wala kaming nakuhang impormasyon dun sa dalawang lalaking sinasabi nila.Pagdating namin dun sa exact location,Wala kaming nakita ni isang pwedeng maging lead para ma identify ang mga suspek.Nadinig nyo naman po ang mga sinabi ng mga ininterogate ko kanina._Hepe.

"Ganun po ba Chief.So papano po,Hihintayin ko na lang po ang tawag nyo just in case na  may nakuha na kayong lead.Sana po ay magkaroon na ng linaw ang kaso para naman managot ang dapat managot kung sakali._AKO

Umalis akong bigo na malaman ang totoong motibo ng mga taong gustong kumuha sa anak ko at kay Maui.Pero bagay lang ang pinagtatakhan ko.
Kung si Katie ang talagang target nila,hindi na kailangan pang paabutin  sa bundok ang pagkidnap.Palaging nasa field ang anak ko at anytime madali syang gawan ng hindi maganda ng mga taong yun kung talagang gugustuhin nila.

"Boss Terry,May bisita po kayo.Anak daw po sya ni Mam Top.Kung pupwede daw po kayong makausap?_Loydie.(Lalaki ang assistant secretary ko para walang hassle at mabilis kumilos)

"Okey,Papasukin mo na lang dito.Pakiready na din kami ng maiinum._AKO
Sa palagay ko,Importante ang pag uusapan namin dahil ito pa lang ang unang beses na magkakausap kami ng sarilinan ni GUCCI.

"Good morning po Tita Ninang.Pasensya na po kung naka abala ako sa inyo.Alam ko po na busy kayo sa negosyo kaya hindi ko na po patatagalin pa ang sinadya ko dito._Gucci.Napangiti ako sa way ng pagsasalita ni Gucci.Para syang isa na talagang abogado dahil sa mahusay nyang diction at pananalita.

"Its okey,Hindi mo kailangang magmadali.Walang may hawak ng oras ko kundi ako lang.Ito ang kagandahan ng may sariling kumpanya,Wala kang amo na maninita sayo.Ano nga bang sadya mo sa akin at mukhang mahalaga ang pag uusapan natin ngayon,Attorney Pamintuan.hahahhaa.
Just kidding.Sige umpisahan na natin ang pag usap iha._AKO.Pati sya ay nangiti din sa biro kong pagtawag sa kanya ng attorney

"Tungkol po sana ito sa mga taong naka detain ngayon sa  headquarters ng Baranggay San Nicolas.Yung mga tao po na nag guide sa amin sa pag akyat ng bundok.Gusto ko po sana kayong pakiusapan na kung maaari po ba na palayain na sila?_Gucci.

"Ibig mo bang sabihin na,Palayain ko na ang mga taong "NAGTANGKANG KUMIDNAP SA ANAK KO ganun ba? Sigurado kaba sa sinasabi mong yan GUCCI?_AKO.Bahagyang natigilan si Gucci sa sinabi ko at saka napayuko.

Sinabi ko ang mga bagay na iyun hindi para kontrahin sya.Alam ko na mahalaga sa kanya ang mga kaibigan nya at ramdam ko din na ang intensyon nya lang ay para makatulong sa mga taong biktima din ng sitwasyon.May mabuting puso si Gucci at alam nya ang mga taong dapat tulungan.

Alam ko na iisa lang ang layunin at hangad naming dalawa...Ang malaman ang KATOTOHANAN sa likod ng mga pangyayari.At alam ko din na parehas kaming NAG AALALA sa para sa kaligtasan ni KATIE.Masaya akong nakikita na unti unti ng nanunumbalik ang dating naputol nilang PAGKAKAIBIGAN.

Masaya akong nakikita na unti unti ng nanunumbalik ang dating naputol nilang PAGKAKAIBIGAN

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"ROOFTOP PRINCESS (KATIE&GUCCI)"THE BILLIONAIRE HEIRESSES "  GxG SERIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon