40.KATIE

999 57 3
                                    

                        Paika ika ako habang bumababa ng hagdan.Mabagal lang ang paghakbang ko dahil ayokong pwersahin ang paa ko sa paglalakad.
Usapan namin ni Martha ay sa gate na kami sa 1st floor magkikita kaya naman medyo mahaba haba pa ang baitang ng hagdan na bababain ko.

"Hindi mo kailangang magmadali sa paghakbang,Alam ni Miss Martha na may injury ka sa paa kaya aantayin ka nya sa baba kahit matagalan kapa.
_Gucci.Mabilis nya akong inalalayan sa pagbaba kaya naman medyo hindi ako nahirapan.

"Katie,Are you okey?Pwede naman nating ipagpa bukas na lang ang paghahatid ng donation mo para makapag pahinga ka na muna?_Martha.
Nasa mukha nya ang pag aalala.Ngumiti ako sa kanya para sa assurance na okey ako at wag syang mag worry.

"Hindi naman sya masyadong masakit,Kaya namang ilakad ng maayos kahit mabagal ng kaunti.Mas importanteng maibigay na natin sa kanila ang pera para mapagamot na yung mga nangangailangan._AKO.

"Sasamahan ko na kayo since wala din naman kayong masasakyan.
I can be your driver and bodyguard today since ala naman akong naka sked na gagawin ngayon._Gucci.

"Talaga?Wow naman,The best ka talagang landlord Chi.Ayos din naman na meron kaming kasamang gwapong driver bodyguard para matuwa yung mga bata duon.Alam nyo kasi,Sabik sila na nakakakita ng mga bisita
Sympre nasa room lang sila tapos walang ibang nakikita._Martha.Now ko lang na discover na kahit wierdo si Martha ay makwento at masayahin din syang tao.

"Salamat sa pagsama samin ngayon ha Gucci.Ang dami ko ng abala sayo mula pa kagabi.Are you sure na hindi kami nakaka abala sa skedule mo?
_AKO. Kahit na wala pa silang pasok sa University,Alam ko na patuloy pa din sya sa pagbabasa at saka si Attorney Qijano nga pala...Baka magalit yun kapag nalamang ibang babae ang kasama ni Gucci.

"Like I said,Hindi ka abala sa akin.Gusto ko din naman talagang magdrive ng mahaba haba.Namimiss ko din itong kotse ko kasi.Mula pa nung nag 4th year ako,puro libro na lang ang tinutukan ko at hindi ko na ito nagamit._Gucci.

Nakarating kami sa Happysoul foundation at saka ko iniabot sa pinaka head nila ang nakalap kong donasyon.Madre pala ang mga namamahala dito at may ilan din silang mga staff duon na dati ding mga cancer patient survivor.
Masayang masaya ang lahat ng mga tao duon pati na ang mga parents ng mga pasyente dahil sa magandang balitang kanilang natanggap.

"Ganyan din ako nung una ko silang nameet.Iyak ako ng iyak paglabas ko palang ng gate.Iba yung pakiramdam kapag tuwang tuwa silang nakayakap lang sayo.Parang sa isang simpleng yakap lang,Nababawasan yung mga sakit na nararamdaman nila._Martha.Nasa kotse na kasi kami ng di ko napigilang maluha.Inabutan ako ni Gucci ng panyo at malugod ko iyong tinanggap.

"Nakakainis naman,Bakit ba napaka iyakin ko.Pasensya na kayo ha,Di ko lang napigilan maging emotional.Ngayon lang kasi ako na touch ng husto.
Kahit na may mga na experience na din naman akong ibat ibang mga pangyayari habang nagbabalita ako,Iba pa din pala kapag ikaw mismo yung nag abot ng tulong at sobra nilang na appriciate yun._AKO.

"Its okey,Naiintindihan ka naman namin ni Gucci.Normal lang na makaramdam ka ng ganyan kasi mabuti kang tao..Btw,Lunch time na pala okey lang ba sa inyo na mag lunch na muna tayo bago bumalik sa bahay?
_Martha.

"Okey lang naman sa akin.Bigla din akong nagutom after.Yung prinsesa natin ang tanungin natin baka may ka lunch syang inaantay today._Gucci
Napatingin ako sa kanya at saka napaisip.Sino kaya ang tinutukoy nyang inaantay kong ka lunch daw?

"Hahahha.May ini expect ka bang kasabay mag lunch Katie?Sorry nalang dahil pang tatlong tao lang ang keri ng budget ko eh.Next time na lang sya kung sakali._Martha.Napangiti naman ako sa biro nya.Siya kasi talaga ang nag insist na magbabayad daw ng lunch namin bilang pasasalamat sa naitulong namin sa kanya at sa foundation.

"Dadamihan ko na lang ang pagkain para masulit ko yung libre.Hahahaha.
Pa request na din ng paborito kong laing para ganahan ako lalo._Gucci.
Ngayon ko lang nalaman na ang simple lang pala talaga ng mga gusto ni Gucci.At daing na bangus at laing pala ang paborito nyang pagkain.

"Katie,Kumain ka din ng kumain para naman hindi ka madaling madapa.
Ang sexy mo kasi masyado kaya kahit yata hangin madali kang liparin.
_Martha.Parang halos pareho lang naman kami ng katawan,Mas matangkad nga lang sya sa akin ng kaunti.Pero overall...lamang lang siguro ako sa kanya sa buhok.Dahil nga hindi sya madalas magsuklay, parang maganit at di sinashampoo ang hair nya sa tigas.

"Kung makapag salita ka naman,Akala mo kay taba mo ding babae.
Ganun ka din naman kapayat.Medyo lousy nga lang itong prinsesa kaysa sayo.Pareho kayong kumain ng madami at wag nyo masyadong inaalala yang body figure nyo,Kasi kung totoong  mahal kayo ng mga nobyo nyo, tatanggapin nya kayo kahit na magsipag tabaan pa kayo._Gucci. Napangiti ako sa sinabi nya.Para kasing mas matanda pa sya sa amin kung mangaral samantalang obvious naman na malaki ang agwat ng edad namin sa kanya

"Naks naman attorney!Iba ka din eh.Alam mo,okey na sana yang mga words of wisdom mo kaya lang hindi uubra yan sa amin ni Katie eh.
Mas matanda kami sayo at di hamak na mas malawak na ang mga naging  experiences na pinagdaanan kaya sa amin ka makinig okey?_Martha.

"Agree ako dyan Martha!Tama ka naman dyan sa sinabi mo.Kaya makinig ka sa aming mga ate mo okey?.Hahahaha.Gusto ko lang i korek yung sinabi mo about my eating habits,Hindi ako concious sa body figure ko pero hindi lang talaga ako tabain.Pangalawa,pwede mo akong tawaging ate Katie.At pangatlo,alam ba ng girlfriend mo na kami ang kasama mo today?Baka mamaya,gawan na lang kami bigla ng kaso nun kapag nalamang may mga babae kang kasama._AKO.

"Ohooo!Bakit naman biglang napunta sa girlfriend ang usapan?At saka hindi naman yata mandatory na kapag mas matanda sayo ng kaunti,Ate na kailangan ang itawag diba?Hindi ako sanay gumamit ng salitang ate kahit pa nga kapatid ko pa mismo.Mas mabuti pa,Umorder na lang tayo ng dessert para mas matamis ang usapan._Gucci.

Masaya sa pakiramdam na sa wakas ay naging okey na din kami ni Gucci.
Madaming taon na din ang lumipas at sa palagay ko naman sapat na yun para pareho naming kalimutan na ang nakaraan at mag focus sa hinaharap.

"ROOFTOP PRINCESS (KATIE&GUCCI)"THE BILLIONAIRE HEIRESSES "  GxG SERIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon