32.GUCCI.

997 59 3
                                    

Gaya ng inaasahan,Nakaabang na sa amin sa itaas ng building sina Daddy,Ninang Terry at Ninang GD.Kaagad na sinalubong ni Ninang Terry si Katie at saka sila nauna ng bumabang magkayakap paglapag na paglapag pa lang ng chopper.

"Kamusta na kayo mga anak?Ohhh my gaaddd,Grabe ang kaba ko.
Wala bang nasaktan sa inyo?Si Katie at Maui ba,hindi naman nila nalapitan?_Momshie Dess.Nasa loob na kami ng opisina ni Ninang GD.Sa itaas kasi ng building na ito ang helipad kaya dito na muna kami pansamantalang nag stay bago umuwi.

"Mom,Were okey.Wala pong nangyari sa amin.Lalo tuloy natatakot si Ninang Sally dahil sa reaksyon nyo eh.Relax lang po Mom._Sky.

"Nag aalala lang kami sa inyo mga anak.Pasensya na kayo dito sa momshie nyo,medyo nerbyosa kasi yan pag dating sa inyo.Babe,okey lang sila.
Kalma lang._Daddy.

"Ang mabuti pa ay umuwi na muna tayong lahat at saka na tayo magkwentuhan habang kumakain.Pinasusunod ko na lang dun sa hotel sina Joyce at Terry at dun na tayo magkita kita later_Ninang GD. Like Ninang Sally,Pareho lang silang kalmado pero yakap na yakap kay Maui at AJ habang naglalakad papalabas ng opisina.Hindi sila masyadong emotional kagaya ni Momshie pero ramdam mo  din na sila yung tipo ng magulang  gagawin lahat para sa mga anak nila.

"Chi,Anak.Kanina kapa walang kibo dyan,May problema ba?_Daddy.
Andito na kami sa sasakyan papuntang restaurant.

"Medyo hindi pa siguro nakakarecover si Chi dad.Sobra ang pag aalala nya kanina eh.Alam nyo bang never nya ng binitiwan ang kamay ni Katie mula pa nung madinig nyang may masamang balak ang mga lalaking yun sa dalawa.Kahit ako naman,pag may nadinig akong ganun,Baka hindi ko mapigilang pagbabanatan sila eh!._Sky.

"Sky!Wag na wag mong gagawin yun.Ikaw talagang bata ka,Masyado kang matapang.Aatakihin ako sayo eh._Momshie.Sabay hawak sa puso nya.

"Babe naman,Binibiro ka lang ng anak mo.Masyado ka naman kasing seryoso masyado.Kung sina Joyce at Sally nga hindi naman masyadong nagrereact eh dapat ikaw din.Relax lang Babe okey?._Daddy.

"Akala mo lang walang reaksyon yung dalawang yun.Kilala ko sila at alam kong mga nag iiyakan na sa kotse nila yun ngayon.Si Joyce pa,Unang una yun sa hindi mapapakali lalo pa't anak nya ang involve.Siguradong magpapa dagdag na namn ng bodyguards ang dalawang yun para sa mga anak nila._Momshie.

"Maiba nga pala ako Mom,Dad...Bakit nagmamadaling ibinaba ni Ninang Terry si Katie at hindi na tayo nahintay,Nagka problema ba si Katie?_AKO.
Kanina pa yun gumugulo sa isip ko kaya hindi na ko makapaghintay na malaman.

"Hindi naman,Baka napagod lang si Katie kaya nagmamadali sila para makauwi kaagad.Im sure she's okey naman.Matapang na bata yun si Katie at alam kong hindi makaka apekto yun sa kanya ng ganun ganun lang.Sanay yun makakita at maka experience ng mga kung ano anong pangyayari sa paligid nya kaya sa tingin ko naman ayos lang sya.Dont worry anak._Daddy.Kay momshie sya nakatingin habang nagpapaliwanag sa amin ni Sky.Sabagay,may point naman si Daddy.Feeling ko nga,mas ako pa yung sobrang nag alala ng husto sa  para sa kanya.

"Actually tama ka dyan dad.Hindi ko nga nakakitaan ng kaba man lang si Princess eh.Saka kalmado lang sya dun sa bundok kahit na hindi maganda ang sitwasyon duon kanina.Nag iba lang nung bumaba na kami ng chopper.Parang medyo namumutla sya ng kaunti.
Hahahaha.Siguro,dahil masyadong napahigpit si 'tol sa paghawak sa kamay ni Katie._SKY.Natawa na lang ako sa hirit ni Sky at pati naman sina Mom and Dad ay sumangayon din sa kanya.

Natawa na lang ako sa hirit ni Sky at pati naman sina Mom and Dad ay sumangayon din sa kanya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Kami ang unang pamilyang dumating sa restaurant.(Diamond hotel)Isa sa pinaka luxurious na restaurant sa dito sa  Pilipinas.Ilang minuto lang ang pagitan namin sa Guillermo family.Fresh na fresh si Katie sa suot nyang hot pink dress na hanggang tuhod ang haba.

"Hello everyone!Pasensya na at medyo na late ng kaunti.Alam nyo naman,
Kambal ang anak ko at parehong mabusisi  at mapili sa mga isusuot kaya nahuli kami ng dating._Ninang GD.Nagbeso sya kina Mom and dad.Pati kina Tita Ninang Gd at Ninang Sally.

"Walang problema,Kadarating lang naman din namin halos eh.Nauna lang sina Top ng ilang minuto.Sympre naman,puro barako este puro mabibilis kumilos ang mga anak nila kaya sila ang mauuna talaga._Ninang Terry.Natawa naman kaming lahat sa biro nyang mga barako kasi kaming mga anak nila dad and mom.

"Wag na nga pala kayong mag alala at naayos na din ang problema.
Nagawan ko na ng paraan at nasa kustodiya na sila ng pulisya ngayon.
Maaari na kayong makatulog ng mahimbing.Salamat sa soon to be attorney natin na si GUCCI at walang napahamak sa mga anak natin.
_Ninang GD.Parang medyo nahiya naman ako sa sinabi nya at napayuko na lang.Hindi talaga pa ako sanay na napupuri ng harapan.

"At balita ko nga,Talagang hindi binitiwan at hindi iniwan ni Gucci si Katie hangga't di pa sila nakaka alis dun sa mountain.Salamat talaga ng marami sayo iha,Napaka swerte ng anak ko sa pagkakaroon ng kaibigang gaya mo._Ninang Joyce.Na mangilid ngilid pa ang luha habang pinasasalamatan ako.

"Nagkataon lang po na ako ang unang naka dinig ng masamang balak nila.
Kahit naman po sino sa amin,Ganun din po ang gagawin para maprotektahan ang isa't isa.Si AJ at Sky din naman po ay hindi din umalis sa tabi ni Maui ng mga oras na yun._AKO.Ayoko kasing ako lang ang sentro ng atensyon kaya dapat sila din.

"Mabuti na lang at maaasahan itong mga anak natin.Madidiskarte at lumaking mga responsableng mga bata kaya hindi tayo dapat masyadong nag aalala sa kanila.Sa palagay ko nga,dahil sa nangyari...Mas magiging malapit pa silang lalo sa isa't isa._Daddy.

"E di mas okey yun.Kampante ako kapag alam ko at kilala ko ang mga kasama nila.Lalo na kapag gigimik sila at iba ang kasama,Hindi ko maiwasang mag alala palagi._Mom Dess.As usual,si mom talaga yung mas straight forward at walang preno kapag may gusto syang sabihin.

"Mom,Hindi naman pasaway yung mga sinasamahan kong kaibigan kaya wag ka na pong mag worry masyado please? Promise ko sayo diba,Hindi pa ko mag aasawa kaya let me please enjoy my single life na lang,okey?_Sky.Guilty  sya na sya ang tinutukoy ng mom kaya nagtawanan kaming lahat.

"Well,Speaking of lovelife.Ito bang sina Maui at Katie ay wala pang mga boyfriend? Ke gagandang mga bata pero pihikan yata masyado._Daddy.

"Ninang Top,Madami naman pong nanliligaw pero ayoko sa kanila eh.
Hayaan nyo po,Kapag na in love na ko ipaaalam ko kaagad sa inyo._Maui.
Nag aantay naman ako na umamin si Katie na may bf na sya pero wala yatang balak magsabi at pangiti ngiti lang.

"Alam nyo kasi mga anak,Mga ganyang edad kami nagkakila kilala ng mga mommy nyo.Ang dami naming mga naging karibal sa mga yan pero kami pa din ang nakasungkit ng mga puso nila.Ang sarap kaya ng meron kang inspirasyon,Mas lalo kang nagpupursige para matupad mo yung mga pangarap mo._Daddy.
Nagkataon namang napatingin ako kay Katie at ganun din sya sa akin.Kaagad nagtama ang mga mata naming dalawa.Bigla na lang parang may kung anong kaba akong naramdaman sa di sinasadyang pagtititigan naming yun.

"ROOFTOP PRINCESS (KATIE&GUCCI)"THE BILLIONAIRE HEIRESSES "  GxG SERIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon