28.GUCCI.

1K 52 1
                                    

                                             Mag aalas dos na kami ng hapon nakarating sa pinaka tuktok ng bundok

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

                                             Mag aalas dos na kami ng hapon nakarating sa pinaka tuktok ng bundok.Gaya ng inaasahan,mas malamig na ang klima dito habang papalapit na ang gabi.Kanya kanya silang tayo ng mga tent at by group ang magkakasama sa tent.Napagkasunduan naman nila Maui na kami kami ang magkakatabi at magkakasama sa iisang tent.

"Nasaan si Katie,Parang di ko na sya nakita after magpaalam na magpapalit lang ng damit ah?_Aloha.Nang madinig kong di pa nga bumabalik si Katie after magbihis ay ako na ang nag prisintang maghahanap sa kanya.Lahat halos ay nasa loob lang ng tent dahil nga mga pagod at ang iba ay abala naman sa paghahanda ng makakain.

"Jin,Napansin mo ba si Katie? Nagpaalam kasi na lalabas lang saglet tapos di ko naman nakita.Kakain na daw kasi._AKO.

"UU nakita ko sya dun sa tent nila chef,Baka gustong matuto magluto.Nagpapaturo siguro._Jin. Napaisip ako bigla kung bakit sa dinami dami ng tent na pwede nyang pagtambayan ay dun pa sa may mga nagluluto.Sabagay ay dun naman kasi naka pwesto ang Secretary/PA nya at saka yung mga assistant at yaya nila Maui,Sky at Aloha.

"Kuya,Ilang taon na po kayong personal chef ni AJ?_Katie.Kahit di na ako sumilip sa loob ng tent ay alam kong si Katie nga ang nagsasalita sa loob.
Nagstay na lang muna ako sa labas at nakinig sa usapan nila.

"Ay matagal tagal na din.May ten years na siguro.Bata pa lang nun yung kambal.Si Aloha,napaka bait na bata.Palagi akong nginingitian  kapag nakikita nya ko.Hanggang sa magdalaga este magbinata na nga sya,Ako ng ako ang palagi nyang nire request magluto sa para sa kanya._Chef.Bakit parang may iba akong na feel,Interesado ba si KATIE kay ALOHA kaya ganun na lang pangangalap nya ang impormasyon sa personal chef ni AJ?At bakit para yatang nakakaramdam ako ng selos?Kahit ako ay naguluhan.

"Gucci,Bakit ka nandito sa tent namin may kailangan kaba?_Brylle. Sya ang personal secretary ni Maui.Dahil nadinig siguro kami ni Katie na nag uusap ni Brylle kaya lumabas sya ng tent.

"Gucci,Bakit nandito ka?Sila Maui okey lang ba dun?May kailangan kaba?Nagugutom na ba kayo?_Katie.

"Pinahahanap ka nila sa akin,Akala nila kung ano ng nangyari sayo.Pinatatawag ka nila dahil sabay sabay na daw tayong kakain._AKO.

"Naku pasensya na kamo,Nalibang ako sa pakikipag kwentuhan.Wag kamo silang mag alala at nauna na kong kumain.Pinakain na nila ko dito kaya mamaya na lang ako babalik sa tent natin pag matutulog na.Dito na lang muna ako pakisabi na lang._Katie.Gusto ko sanang yayain na syang sa tent na namin mag stay pero nag aalangan akong sabihin yun sa kanya.Wala naman akong maisip na idahilan dahil baka iba ang maging dating ng pag aaya ko sa kanya kaya bumalik na lang ako mag isa sa tent namin.

"O Chi,Nasaan na si KATIE?Akala ko ba susunduin mo para sabay sabay na tayo kumain,Bakit di mo pa kasama?_Sky.Halos kasunod ko lang na dinala sa tent ang pack lunch namin.

"Tinawag ko na nga kaso kumain na daw sya dun.Mamaya na lang daw gabi sya babalik dito kapag matutulog na._AKO.

"Ganun?Bakit naman mamayang gabi pa,Ayaw nya ba tayong kasama sa tent kaya dun sya mag i stay maghapon?Maui,Ano bang paalam sayo ni Katie talaga ha,Baka naman inaway mo kaya ayaw dito sa atin mag stay?_Aloha.

"How dare you!Hindi ako ganun noh.Maarte lang ako pero hindi ako palaaway.Kaloka ka.Ako na lang palagi ang sinisisi mo kapag merong ganap.Kakainis ka._Maui.

"Hahahhaa.Kayo talagang magkapatid,Aso't pusa palagi.Kumain na lang muna tayo at mamaya ako ang kakausap kay Katie kung bakit ayaw nyang mag stay kasama natin dito._Sky. Sinerve na ang mga bagong lutong pagkain sa tent namin at sabay sabay kaming kumain na.

Nasa pinaka gitna ang posisyon ng tent namin habang nakapalibot naman sa amin ang tatlo pang tent para sa mga bantay naming bodyguards(alternate sila sa pagbabantay sa amin),Isang tent naman para dun sa  mga kasamahan kong mountaineers.May tent din para sa mga nag  guide sa amin pag akyat at sa pinaka dulo na medyo malayo ng kaunti sa amin naka pwesto ang mga (PA'S/ Assistant/yaya)kung saan piniling mag i stay ni Katie.

"I suggest na makipagpalit na lang kaya tayo ng tent kina Yaya.Mas okey pumwesto dun dahil mas malapit sa patag.Payag ba kayo guys?_ AJ.
Yun ang bungad nya sa amin after nyang bumalik matapos nyang makausap si Katie.

"Bakit naman?Mas okey nga dito sa center kasi lahat sila nakabantay sa atin.Saka ang ganda ng view dito mamaya kapag gumabi na,kitang kita mo yung mga bituin.Okey na ko dito,wag na tayong lumipat._Maui.

Bahagya akong napaisip.
May kinalaman ba ang posisyon ng tent namin sa di pag i stay ni Katie dito?Ano namang kayang dahilan yun kung sakali?Tama si Maui,this is the perfect spot dahil kitang kita mo ang magandang view mula sa baba.

"Bakit  kaya ayaw ni Katie mag stay dito?Baka dahil naka sentro tayo sa arawan.
Sana sinabi mong malapit ng lumubog ang araw kaya masarap ng tumambay dito habang nagkakantahan.Saka nasa medyo madilim na yung tent nila dun,Hindi mo na makikita yung ganda ng nature._Sky.

"E di sige sasabihin ko na lang kay Katie na dun na muna sya mag stay kung gusto nya.Sabi nya naman,masaya kausap sila Yay.Saka yung P.A ni Maui,Joker nila dun.Let's go guys,makipag bonding tayo sa mga iba pa nating kasamahang mountaineers._Aloha.Nagsimula kami sa kantahan hanggang sa magkaroon ng games at nagsipag labasan  na din lahat ng mga tao sa kanya kanyang tent dahil wala ng init.Nakamasid lang ang mga bodyguards pero nakikigulo  at nakikitawa din naman sila sa amin.

Isang tao lang ang hindi ko nakitang lumabas ng tent...Si KATIE.

Matapos ang walang katapusang picture taking at selfies habang papalubog ng araw,Nagsipag balikan na muli sa kanya kanyang tent ang lahat para naman maghanda ng hapunan.Nagpalamig na din ng mga alak sa cooler na dala dala nila.Barbeque,fried chicken,sariwang isdang pang ihaw at mga kung ano ano pang cold cuts ang naka handang iluto para sa hapunan mamaya.

"Ang cool din nitong pag akyat natin noh,Dapat maulit! Next time sa beach naman para mas madami tayong mainvite.Bakit ba ngayon lang natin naisipang gawin to,Ang saya pala._Sky.Knowing her na mahilig talaga sa mga ganitong kasiyahan at parties,Talagang enjoy na enjoy sya ngayong araw na ito for sure.

"Sana next time may boyfriend na kong bitbit para mas masaya.hahaha.
Enjoy sana kung mas malaki pa dito yung tent saka may bed.Parang di yata ako makakatulog mamaya nyan kasi ang nipis nung hihigaan natin.
Feeling ko nasa lupa ko mamaya nyan for sure!_Maui.As expected,
madaming reklamo  at demand si Maui.Knowing her na maarte naman talaga,Hindi na ko nagugulat.Saan ka ba naman nakakita ng mga namumundok na may portable cr.May mga fan at mga ilaw na nakapalibot sa loob ng tent at saka makakapal na comforter ang higaan.

Sabay sabay kaming kumain ng hapunan.Nakisabay din si Katie sa amin at masaya naman syang nakikipag tawanan sa lahat.Nakita ko din syang tumutulong sa pag iihaw ng barbeque at Isda para gawing pulutan mamaya kapag nag inuman.Wala akong nakikitang problema sa kanya liban lang sa hindi sya lumalapit sa tent namin maging sa mga tent na malapit sa gilid ng bundok naka pwesto.



"ROOFTOP PRINCESS (KATIE&GUCCI)"THE BILLIONAIRE HEIRESSES "  GxG SERIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon