THIS IS ABOUT THE STORY OF FRIENDSHIP AND RELATIONSHIP OF TWO PEOPLE WITH THE SAME GENDER.
MULA SA TAMBALANG SALLY AT GD,NAGKAROON NG "MAUI AT ALOHA"
"Kinidnap na Pangarap" (Maui and Zoila love story)
"Ang oldmaid kong stewardess" (Aloha and Gari lo...
After ng Gucci fashion event last night,Hindi na kami ulit nakapag usap pa ni Gucci.Pagkatapos ng trabaho ko ay sa bakeshop na ni Chanel ako dumiretso para makipag kwentuhan.Medyo matagal na din kaming di nagkikita dahil palagi akong dumidiretsona sa apartment pagkatapos ng trabaho.
"Mabuti naman at naisipan mo pa din akong dalawin kahit busy kayo ng jowa mo sa pagmomoment nyo dun sa rooftop.Pero teka nga pala,Speaking of Gucci...Kelan nyo naman ba balak ipaalam sa madla ang pag iibigan nyo ha?Dont tell me kuntento na kayo na ganyan lang palagi ang set up nyo,Daig nyo pa mga artista ah._Channel.
"Anu kaba sympre hindi kaagad agad.Saka nag aaral pa si Gucci.Ayokong maka sagabal pa itong relasyon namin sa pribadong buhay nya as a law student.Wala namang problema sa pamilya namin kung sakali,Pero yung mga taong nakapalibot sa amin at saka sa mga career namin,Sila yung inaalala namin kayadi na muna namin ipinapaalam sa mga tao._AKO.
"Alam mo kasi,Ang labo lang ng set up nyong dalawa.Ikaw na nga ang nagsabi,Wala namang problema sa family nyo kung sakali pero bakit mas iintindihin nyo pa yung sasabihin ng ibang tao kaysa dyan sa mga feelings nyo? Papano naman yung sariling damdamin nyo na hindi nyo ma express dahil nga ayaw nyong malaman ng iba._Channel.
"Hindi naman sa ganun Cha.Medyo kumplikado lang kasi sa ngayon dahil parehas pa lang kaming nagsisimula.Ayoko namang madamay pa si Chi sa mga ginagawa ko as a news anchor.Para na din kaming nasa showbiz nun kapag nagkataon,Hindi kami tatantanan ng PRESS at magkakaroon pa sya ng conflict habang nag aaral dahil sa pag open namin in public kaya nag decide kami na saka na lang kapag stable na kami pareho._AKO.
"So meaning to say...Since nasa unang taon pa lang ng Law si Chi,Meron pa kayong tatlong taon para maghanda?Habang nag aaral si Gucci,Ikaw naman sikat ng news anchor nun malamang right?Okey,Kayo na nga ang bahala.Basta kapag need nyo ng help ko,Andito lang ako bff.Sagot ko na yung cake sa wedding nyo.hahahaha._Channel.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Madilim na ko nakauwi sa apartment at pakanta kanta pa ako habang umaakyat ng may biglang kumalabit sa likuran ko.
"Goooosssshh! Bakit ka naman nang gugulat? Guuucciiii.Humanda ka sa akin kapag naabutan kita._AKO.Inunahan ako ni Chi sa pag akyat sa hagdan habang tawa sya ng tawa sa akin.
"Hahahahah.Ang epic ng expression mo kanina grabeh! Hindi ko inakala na ganun ka pala magulat._Naka abang na sya sa itaas ng apartment ko at nag aantay na buksan ko ang pinto.
"Tawang tawa ka dyan,Hindi mo alam muntik na kong atakihin sa puso! Sira ka talaga.Sa susunod kapag ginulat mo pa ko ulit,makakatikim kana talaga sa akin._AKO.Nakangiti naman ako habang sinasabi ko yun. Ibang ibang Gucci kasi ang nasa harap ko ngayon at hindi na yung dating seryoso lang at hindi masyadong tumatawa.
"Hahahah.Patay ako dyan.Sorry na po ate,please forgive me._Gucci Umarte pa sya na parang nagmamakaawa s akin.
"Ate pala ha! Sige wag kang makapasok pasok dito kung ayaw mong masapak!_AKO.Dumiretso ako sa dinning area para i check kung anong nakaprepared na pagkain sa ref.
"Hahahaha.Im sorry if natawag kitang ate.Nasanay lang ako dahil yun ang tawag ni Zee dun sa may ari ng resto na kinakainan namin.Puro ate ang tawag nya sa mga nagsi serve duon kaya pati ako nasanay na din sa "ATE" term na yan.Sorrry na po....Please forgive me._Gucci.Sino ba naman ang hindi matutunaw sa taong ito,Lalapitan ako at yayapusin sa likod at saka bubulong ng " I LOVE YOU".
"Okey,Thats enuf.Kakain na tayo.Wag mokong hihindian dahil hindi ako papayag na di moko sasabayan sa pagkain._AKO.Inilagay ko sa microwave yung food na prinipared sa akin ni Manang para uminit.
"Sige kahit busog ako,Sasamahan kita mag dinner._Gucci. Nag enjoy akong kumain habang kausap si Gucci.Matapos kumain ay magkatabi kaming umupo sa sofa at saka nagkwentuhan.
"Syanga pala KATIE,Kagabi ko pa gustong itanong sayo kung bakit ka ininvite ng mommy kamo ni Diego dun sa fashion show event,Anong meron sa inyo at naguguluhan ako._Gucci.
"Ahhh yun ba.Actually,bago ko lang din syang nameet because of Diego nga.Tapos nang magkita kami sa studio,Saka nya ko ininvite nga sa GUCCI PH.Nagkataon naman na favorite brand ko yun at gusto kong makita yung mga bago nilang product._AKO.
"Uhmmm,So May sinabi ba sya sayo about my family? I mean para kasing ang dami nyang alam sa akin at sa parents ko eh._Gucci
"Wala naman syang naikukwento.Hindi ko nga alam na kilala nya pala ang parents mo eh.Pero aminin mo,Nag enjoy ka sa din dun sa fashion show? Nakita kitang pumapalakpak ng malakas._AKO.
"Well nag enjoy din naman kahit papano.Pero hindi na mauulit.Mas gusto ko pang mag bungkal na lang ng lupa at magdilig ng halaman kaysa umupo at tumunganga dun sa event._Gucci.
"Hahahaha.Ewan ko sayo Gucci.Ang wierd mo talaga. Nga pala,Parang hindi ko nakita kanina si Diego sa event ah pero sabi ng mommy nya nandun naman daw at may mga kausap lang.Nakakapagtakang hindi nya ako nilapitan man lang,what do you think?_AKO.
"Maybe because he knows that Im with you.Kahit ako,hindi ko din sya napansin duon.Masyado kasing madaming tao kaya hindi na nya nagawa pang lumapit sayo para mangumusta.Isa pa,nahihiya pa yun for sure sa ginawa nya before._Gucci.
"Siguro nga...But anyways,Bukas pala at sa makalawa baka hindi tayo magkita dahil sa out of town ang location nung i interviewhin kong Mayor ng Quezon.Madami kasing bali balita na sya daw ang nagpapatay sa sarili nyang asawa para sya na ang maging mayor sa lugar nila.Pamilya kasi ng mga politician ang pamilya ng asawa nya at nang mamatay ito,Sya na lang ang tanging naiwan at ang mga anak nito._AKO.
"Uhmmm,Interesting story.Sa tingin ko,Magandang malaman ng publiko ang side nya para naman mabawasan ang mga maling usapin tungkol sa kanya.Unfair na husgahan sya at paratangan basta basta gayung asawa nya mismo ang nagsabing sya ang karapat dapat sa posisyong iyun._Gucci. Nangiti ako sa sinabi nya,Ganun din kasi ang paniniwala ko kahit na hindi ko pa talaga nalalaman ang totoo from the mayor.Higit na makapangyarihan ang TIWALA lalo na sa dalawang nagmamahalan. Kapag hindi ka nagtiwala sa Mahal mo,Mawawalan ng saysay ang lahat.