44.GUCCI.

945 52 0
                                    

                                                 Minsan ko ng naabutan ang isang delivery boy na naglagay ng bouquet of flowers sa pintuan ng apartment ni Katie.
Napag alaman ko mula sa kanya na kay Ate Menggay sya nanghingi ng permiso para magdeliver ng bulaklak sa rooftop.Kinausap ko sya ng  pa sikreto para malaman kung kanino ba nang gagaling ang mga bulaklak.

"Boss,Wala po talaga akong alam kung sino ang nagpapadala ng bulaklak kay Miss Katie.Basta may tumatawag na lang sa amin at saka ko naman sya idi deliver sa itaas ng rooftop._Deliveryboy.Dahil mukha namang wala talagang alam yung boy,Kaya ako na lang ang nag aalis at nagtatapon ng bulaklak na dini deliver sa kanya.

"Miss Pamintuan,Mukha yatang malalim yang iniisip mo kaya hindi mo nadidinig na kanina pa kita tinatawag?Baka gusto mong sa labas na muna para hindi ka namin naabala?_Professor Alonte.Saka ako biglang natauhan at saka nag sorry sa prof ko.Mabuti na lang at hindi nya ako tuluyang pinalabas ng classroom.

"Alam mo Chi,Hindi na maganda yang nawawala ka na sa focus sa pag aaral dahil sa kakaisip mo sa problema ni Katie G. Kung ako sayo,Mag usap kayo baka sakaling pareho nyong malaman ang gagawin at kung ano nga ba talaga ang totoong problema.Ang dami nyo kasing issue._Zee.
Sa paborito kong resto kami ngayon nakatambay.Katatapos lang namin maglunch.

Sabay kaming napalingon sa magka akbay na babae at lalaking pumasok sa loob ng resto.
Napakunot ang nuo ko sa nakita ko.Si DIEGO DELACOSTA ang lalaki pero hindi si KATIE ang babaeng kaakbay nya kundi ibang babae.Agad akong tumayo palapit sa mesa nilang dalawa.

"Teka Chi...Wait lang.Kalma ka lang.Naka uniform tayo.Hindi ka pwedeng gumawa ng di maganda baka magka problema tayo nyan._Zee.Inawat nya ako at saka hinila papalabas ng resto.

"Shiiiit!How dare him.Ang kapal naman ng mukha nyang lokohin at paglaruan lang si KATIE. He's nothing but a garbage! _AKO.Sa galit ko,Sa basurahan ko na lang ibinuhos ang lahat at pinagsisipa ko.

"CHI,Alam mo parang hindi na ikaw yan.Nasan na yung dating kalmado at  chill lang na si GUCCI PAMINTUAN ha? Naiintindihan ko na gustong gusto mong matulungan si Katie at maprotektahan sya,pero ikaw na din ang may sabi diba,Na dapat idaan sa tamang proseso ang lahat.Hayaan mong mga pulis ang kumilos at hayaan mong si Atty Quijano ang gumawa ng paraan para managot ang mga dapat managot._Zee.
Isa si Diego sa mga pinaghihinalaan ko na nagtangkang magpa dukot kay Katie.Pero lumalabas sa imbestigasyon na  malaki ang posibilidad na ang taong may initial na P.H. ang totoong salarin.

Isa sa malalapit na kaibigan ni Katie si Channel kaya naman madalas akong sumasama kay atty.Quijano sa bakeshop nya para makipag close sa kanya.Alam ko naman kasi na hindi ganun kadali na mag oopen up basta basta si Channel sa akin kaya dinaan ko sa pagiging friendly.

"Mas masarap yata ngayon itong cake mo ah.Siguro inspired ka kaya may kakaibang linamnam itong kinakain ko ngayon._AKO. Nagpaalam sandaling mag CR si atty. Kaya naman chance ko na makipag usap kay Channel ng sarilinan.

"Naku ha,Lakas mo mambola.Pero salamat.Saka hindi ako inlove noh,
medyo na trauma na yata ako pagdating sa love na yan.Hahaha.Para na kong si Katie tuloy na may mga trauma din._Channel.Saka sya biglang napatakip ng bibig nya.Pero huli na para magdeny pa sya dahil  malinaw kong nadinig na may mga trauma pala si KATIE talaga.

"Don't worry Channel,Hindi makakalabas ang sikreto tungkol kay Katie.
Pareho lang naman tayo ng layunin eh,Ang makatulong sa kanya.
Kung may mga alam ka tungkol sa taong nagtatangka sa kanya,Pwede mong ishare sa akin para matulungan natin sya.Hindi ako kaaway Channel,Kakampi ako na handang tulungan si Katie na mailayo sa kapahamakan._AKO.

"Here's my calling card.Tawagan mo ko dyan kapag meron kang mga tanong at kung meron akong maitutulong.Tama ka,Hindi dapat sinasarili lang ni Katie ang mga TRAUMA AT PAGBABANTA SA KANYANG BUHAY.Kailangan nya ng taong MAGMAMALASAKIT AT MAGTATANGGOL sa kanya._Channel.After mag cr ni Atty ay umalis na din kami kaagad sa bakeshop.

"May fear of heights at fear of flowers si KATIE...Naalala mo naman siguro yung araw na nahulog sya mula sa balkonahe ng mansyon nyo nuon diba?
Dahil iniwasan nyang natapakan yung nakausling bulaklak sa may terrace ng bahay nyo,na out of balance sya sa hagdan at saka nahulog.Nang magkamalay sya sa hospital,Dun na nagsimula maglabasan ang mga phobia nya._Channel.

Shock ako sa mga nadinig ko.Ngayon ko lang nalaman na napakalaki pala ng naging epekto kay KATIE ng lahat ng nangyaring aksidente nuon.Ang buong akala ko,Malala na yung naging epekto nun sa akin(Naging anti social) ako pero mas higit pala ang pinagdadaanan ni KATIE hanggang ngayon.

"Kaya naman pala takot syang lumabas o sumilip manlang sa labas nung rooftop.
At kaya naman  pala mas pinili nyan tumira sa tatlong palapag na apartment lang dahil hindi nya kayang umakyat pa sa mas mataas na floor._AKO. Kaya naman pala mas pinili nyang mag stay lang muna sa tent na malayo sa gilid ng bundok dahil nalulula sya.

Matapos kong malaman ang totoo tungkol sa mga traumang pinagdadaanan nya,Hindi ko na muna inalam kung sino ba ang taong gustong magpadukot sa kanya at nagmamadali akong pinuntahan sya sa apartment nya.

"Katieee!Papasukin mo ko.Mag usap tayong dalawa!.Alam mo naman na gustong gusto kita diba,Pero napaka pakipot mo.Porke ba mayaman ka, kaya ganun na lang ang pagtanggi mo sa akin?_Diego.Nadatnan ko syang nagsisisigaw sa labas ng pinto ng apartment ni KATIE.Kaagad nag init ang ulo ko at saka ko sya itinulak papalayo sa pintuan ni Katie.

"Will you please get out of here! I'll sue you for tresspassing kapag hindi kapa umalis dito now!Ayaw kang kausapin ni KATIE kaya umalis kana! _AKO.

"Wow naman,Hindi kapa man ganap na abogado pero kung maka asta ka parang ikaw na ang pinaka magaling na lawyer sa mundo.Baka nakakalimutan mo na sa media ako nagta trabaho at kaya kitang sirain kung gugustuhin ko?_Diego.Lalong nag init ang ulo ko sa sinabi nya kaya naman akmang susuntukin ko na sana sya ng may kamay na pumigil sa akin.

"ROOFTOP PRINCESS (KATIE&GUCCI)"THE BILLIONAIRE HEIRESSES "  GxG SERIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon