12.GUCCI

1.1K 52 1
                                    

Itinawag sa akin ni Ate Menggay na nakiki usap daw ang tenant sa rooftop para ipa ayos ang mini garden ko sa itaas

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Itinawag sa akin ni Ate Menggay na nakiki usap daw ang tenant sa rooftop para ipa ayos ang mini garden ko sa itaas.Masyado daw kasing malaki ang space na sakop ng mga bulaklak ko duon at gustong maglagay ng gym equipment nya sa itaas.Dahil busy ako sa OJT at final exam,hindi ko na magawang makipag usap pa sa bagong tenant at si Ate Menggay na lang ang pinamahala ko.

"Napaka health buff naman pala ng bagong tenant mo sa rooftop panyero,Plano pa yatang maglagay ng gym dun at ipatanggal yung mini garden mo._Zee.Halos puro libro na lang ang kaulayaw namin palagi dahil sa masinsinang pag rereview para sa finals ni Zee.

"Kaya nga gusto ko sanang makausap yung new tenant sana,Kaya lang sobrang hectic ng sked natin ngayon kaya wala na akong time umuwi sa apartment.I need to focus para naman kahit papano hindi ako mangulelat sa exam._AKO.Hindi kasi ako sing talino at sing bilis magsa ulo ni Zee kaya kailangan ko ng focus at sipag sa pag rereview.

"I knew it!Ayaw mo lang kasing magpatalo sa akin talaga.Kunwari ka pang kulelat sa exam pero muntik muntikan mo na nga akong mataasan sa last quiz natin ah!Hahaha.Ikaw din,kapag di mo chineck yung garden mo sa apartment,baka magulat ka na lang wala na lahat ng mga alaga mong bulaklak duon._Zee.

"Hindi naman siguro.Ang sabi ni ate Menggay,may hinired daw na gardener yung tenant para maayos yung mga tanim ko.Im sure naman hindi mapapahamak ang mga bulaklak at mga tanim ko duon sa itaas.
Ang nakakainis lang,Bakit ba ganun na lang ka bigdeal sa kanya ang mini garden ko samantalang nakaka ganda nga yun sa rooftop.haaaist!_AKO.Ngayon lang ako nagka problema ng ganun sa tenant.Yung nasa 2nd floor naman daw ay tahimik lang at walang pakialam sa paligid nya.Kabaliktaran ng bagong tenant na halos gusto na yatang palitan lahat ng kung anong meron sa rooftop.

"Baka naman may allergy sa pollen.O kaya naman,dahil mas mahalaga sa kanya na makapag exercise sya kaysa dun sa mga paso mo sa taas.Sympre nga naman,sya na ang nagrerent dun tapos hindi nya pa magagamit ng husto yung place.Mukhang may pera yung tenant mo noh,Kasi nakakapag hire na ng hardinero at saka bibili pa ang gym equipment.Ang mahal kaya ng mga ganun._Zee.Kahit ako ay napa isip sa sinabi nya,posible nga kayang RK yung bagong tenant ko o sadyang madami lang arte sa katawan?

"Kung mayaman yun,bakit sa apartment lang magti tyaga?Ang dami daming condo at hotel na malapit sa place ko,Sana dun na lang sya nag rent.Sadya lang sigurong may kaartehan yung bagong tenant kaya madaming gustong ipabago sa taas.Pag nagkausap kami,Saka ko malalaman kung anong klaseng tao nga talaga sya._AKO.

"Well may point ka naman dun.Bukod sa tatlong palapag lang ang apartment mo,maliit lang ang rooftop kaya bakit sya dun magtitiis kung mayaman nga sya talaga.Anyways,maiba nga pala ako.Kamusta naman yung case na naka assign sayo ngayon,Sa palagay mo sino ang mas llamado at dehado.Yung publishing company ba o yung author na walang pangalan?_Zee.Magkaiba kami ng OJT na pinasukan ni Zee.Ako ay sa Justice hall naka assign habang sya naman ay sa University bilang assistant ng law professor namin.

"Kung ako ang tatanungin,malaki ang laban nung walang pangalang author.Depende na lang sa abogadong naka assign sa kanya kung magaling sa depensa.Pero kung pera at impluwensya ang labanan,siguradong panalo na kaagad ang may pangalan na._AKO.
Isa sa dahilan kaya hindi maganda ang tingin ng mga tao sa batas,Hindi dahil kayang bilhin ng mayayaman ang hustisya kundi dahil sa kakulangan at di sapat sa matibay na ebedensya.

"Goodluck na lang sa'yo panyero.Nawa'y makamtan ng totoong manunulat ang katarungan at ng makilala na sya ng tuluyan sa larangan ng pagsusulat._Zee.Alam kong sa iba ay simpleng kaso lang ito at hindi na kailangan pang isensationalizes,pero para sa kagaya ng biktimang si EDNA DELA PEÑA.Mahalagang malaman ng publiko na sya ang tunay at lehitimong utak sa napaka halagang masterpiece nyang yun.

"Im sorry Mam pero bawal po kasi talaga ang media sa loob ng court.
Pasensya na.Hindi po sila nagpapa pasok ng mga taga press._Manong guard.Ilang minuto bago pa magsimula ang hearing ay nauna na akong pumasok sa loob ng trial court.

"Pero nagpaalam na ako sa boss nyo na pwede akong pumasok para manuod.Kailangan ko lang talagang kumuha ng kaunting impormasyon tungkol sa kaso.Please naman papasukin nyo na kasi ako._Babaeng nakatalikod.May bag at camera syang hawak kaya obvious na taga media.
Kaagad akong lumapit sa kanila para pigilan sya sa pagpasok.

"Im sorry miss pero bawal ang taga media dito.Kung pupwede lang,wag na tayong mamilit pa kung ayaw nyong makaladkad palayo dito sa court room._AKO.Kagad namang humarap sa akin yung babae at saka ako sandaling di naka imik.Of all people,bakit ba palagi na lang kaming nagkikita ng babaeng ito sa mga alanganing sitwasyon tulad nito.

"Gucci?Aha,So ikaw na pala ang bagong gwardya nila dito?Mabuti naman at hindi moko binangga ngayon.Teka,dont tell me ikaw din yung bastos na nakausap ko sa telepono last night na binabaan ako ng telepono?Kahawig ng boses mo eh.Ikaw yun noh?_Katie.
Napataas naman ang kilay ko.Ako pa pala ang bastos samantalang sya ang naunang nanigaw at kung ano anong pinagsasabi kaya ako napilitang magbaba ng fone.

"Gaya nga po ng sabi ko, at pati na din ng gwardiya...Bawal po ang mediamen at press dito.Kaya pakiusap lang sana,wag na po kayong mag eskandalo at magpilit pang pumasok dito at malapit ng magsimula ang hearing,Makaka abala lang kayo.Have a good day Miss._AKO. Kaagad akong bumalik sa pwesto ko dahil nakita kong malapit ng magsimula ang trial.

Nagsimula ng manumpa ang magkalabang panig.Sinimulan na din ang pagdinig at pagtalakay sa kaso.Tahimik lang akong nag oobserve at nakikinig sa mga pahayag ng bawat isa.Maging ang kilos at mga salita ng mga abogado ay masusi kong pinag aaralan.Ilang saglit pa,Napako ang tingin ko sa isang tao na nakasumbrero ng itim at may hawak hawak na celfone.Kaagad akong lumapit sa kanya at saka ko sya mabilis na hinila papalabas ng court room.

"Ayyyy ano ba,Bakit kaba nanghihila?Heeeey,bitawan mo nga ko!
Teka lang,hindi pa tapos yung hearing.Anoooo baaa!_Naka sumbrerong nagvivideo recording gamit ang fone nya.

"Alam mo bang bawal yang ginagawa mo?Sinong nagbigay sayo ng karapatang mag record ng isang pribadong trial na walang pahintulot?
Halika sa police station para maipakulong ka._AKO.Saktong paghatak ko sa kanya,naalis ang sumbreong suot nya kaya laking gulat ko ng makita ko kung sino ang salarin.

"Ikaw?_Sabay naming sabi.

"Katie Guillermo?Ikaw na naman?Are you crazy?Ganyan kaba talaga ka desperado para lang may maibalita?_AKO.

"At ikaw na naman din,GUCCI PAMINTUAN?Excuse me,Im not crazy.Trabaho lang ito at walang personalan.
Ginagawa ko lang ang tungkulin ko bilang isang magaling at madiskarteng mamamahayag!_Katie.

"I told you to STOP! Wag mo ng ipilit kung ano ang gusto mo dahil maling mali ka! Kapag di kapa tumigil,Hindi ako mangingiming ipakulong ka talaga!_AKO.Saka ko sya iniwan mag isa at bumalik na sa loob ng trialcourt.

"ROOFTOP PRINCESS (KATIE&GUCCI)"THE BILLIONAIRE HEIRESSES "  GxG SERIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon