30.GUCCI

1K 59 3
                                    

Dahil madami daming beer din ang nainum ko kagabi,Hindi ko na kinaya ang antok at agad akong nakatulog

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Dahil madami daming beer din ang nainum ko kagabi,Hindi ko na kinaya ang antok at agad akong nakatulog.Maliwanag na ng magising ako kaya agad akong nag ayos ng sarili at lumabas ng tent.Naiwan pang tulog sina ALOHA,SKY AT MAUI sa loob.

"Good Morning boss Chi!Mukhang napasarap ang tulog ah!_Kuya Bogs.
(Bodyguard ni Sky).

"Oo nga po kuya Bogs.Naparami po kasi yung nainum ko kagabi. Ano pong meron dun?_AKO.Nag uumpukan kasi sila sa may bandang  halamanan.

"Ahhh,Wala yun.Nakahuli kasi si RM ng ibon.Naawa yung mga babae kaya gusto nilang pakawalan.Ayaw naman ni RM.Iuuwi nya daw._Kuya Bogs.
Natawa naman ako.Akala ko kung ano na.Inabutan ako kaagad ni chef ng isang hita ng manok paglapit ko.Saka ako hinainan ng breakfast ni Miss Lorrie(Nutritionist ni Aloha)

"Salamat po.Kayo po ba ay nagsipag almusal na din?Kain po tayo._AKO.
Nagising na din pala sila Sky at Aloha kaya sabay sabay na kaming nag almusal.

"Hoy Chi,Ang lakas ng hilik mo kagabi ah.Hindi siguro nakatulog si Katie ng maayos kagabi kaya ang aga gumising.hahahah._SKY.Napatigil ako sa pagsubo ng pagkain.Totoong humihilik ako pero hindi malakas.Pero hindi ko alam na kasama naming natulog sa tent si Katie.

"Malamang yun KAP.Hahahaha.Ikaw ba naman ang may katabing humihilik makakatulog kaba ng maayos?Mabuti na lang nauna na tayong makatulog din kaya wala na tayong namalayan pa._Aloha.

"What do you mean magkatabi?Kami ni Katie ang magkatabi sa higaan?
Hindi ba,Sa tent nila Yay sya natulog?_AKO.

"Ayan kasi,iinum inum ng madami tapos di pala kaya.Hindi ka na nga nakasali sa truth or dare namin,hindi mo pa alam na kayo ni Katie ang magkatabi matulog.Grabe ka nga makadantay eh,sakop mo buong space.
_Maui.Nagsasalita sya sa galing sa  likod namin at pupungas pungas pang nakiupo sa tabi ko.

"At bakit naman namin sya patutulugin sa ibang tent kung mas komportable sa tent natin aber?Gusto mong magwala si Ninang Joyce kapag nalaman nyang sa iba natin sya pinatabi.Yun nga lang mas naging worst kasi nga may hilik na,may naka dantay pa sa kanya.hahaha._Sky.
Hiyang hiya naman ako sa ginawa ko at dahil dun ni hindi ko sya matignan ng harapan.Pilit kong iniwasan sya at hindi na kinausap dahil na din sa kahihiyan.

"Guys,Listen.Since last day na natin ito at maaga tayong aalis bukas.
Ang gagawin natin today ay ang magtanim ng mga puno sa gubat.
So,itong mga nakikita nyong maliliit na puno na yan sa harap nyo itatanim nating lahat yan.Magkakaroon tayo ng grupo para masigurado na maikalat natin sa buong paligid ang mga puno at hindi sa iisang lugar lang._RM.
Nahati sa dalawa ang grupo.Hindi kasali ang Chef,Assistant cook at ang Nutritionist dahil sila ang maiiwan sa tent para mag handa ng pananghalian.

Kagrupo ko si SKY,RM,Kookie,VI,Sugar at si Katie.Kasama sympre ang PA at yung lady bodyguard nya.
Sa kabilang grupo naman sina AJ at Maui.Ang yaya nya,coach ni AJ at sina Jin,Jimin,Jhay at si Hope.

"Princess,Kamusta naman?Nakatulog kaba kagabi?_SKY.Tahimik lang ako at di umiimik.Magkakasama kami ngayon na naglalakad papunta sa lugar na pagtataniman namin.

"Okey naman,Nakatulog din ng ayos.Nakakapagod kasi yung mahabang nilakad natin pero enjoy naman._Katie.

"Tinawagan kana ba ng mommy mo? Nagtext lang ako kina daddy kagabi,Mahina kasi ang signal dito eh._Sky.

"Oo nakapag usap na kami kahapon pa.Medyo malakas ang signal dun sa spot nila Yay kaya dun ako nag stay habang kausap ko sila ni Mama.
Alam mo na,Baka mapagalitan ako nung dalawa kapag di ako nag report kaagad._Katie.So may reason naman pala kaya nandun sya sa tent na yun.

"Hahahaha.Iba na kasi kapag ang prinsesa ang involve,dapat talaga naka report.mahirap na,Baka tinangay na pala ng prince charming nya hindi pa nila alam._SKY. Speaking of prince charming...Si Diego kaya,nakausap nya din kaya mukhang maganda ang araw nya today?

"Miss Katie,May tawag po kayo..Si Sir Diego,gusto daw kayong makausap.
_Venice.Nagmamadaling kinuha nya naman ang telepono  kay Venice at excited na kinausap ang boyfriend nya.
Binilisan ko ang paglalakad at nauna na ako sa location namin.Ayoko lang sigurong madinig ang pag uusapan nila ng boyfriend nya kaya ganun.

Madami dami din kaming puno na naitanim.Nang maramdaman naming mainit na sa balat ang sikat ng araw ay nagpasya na kaming bumalik na sa tent para makapagpahinga.Nakasabay namin sila AJ at Maui na uhaw na uhaw at init na init ang mga itsura.

"Pahinga na muna tayo guys tapos lunch,tapos idlip muna after.Kapag di na mainit,sa baba tayo ng clif.Presko duon at may falls sa likod.
Kaya lang medyo mahirap ang pagbaba dahil malalaking bato ang daraanan.Sa mga gusto lang naman sumama.Dun sa hindi naman sasama,pwede kayo dun sa kabilang side,lalakad lang kayo tapos may maliit na sapa duon._RM.

Sa cliff piniling sumama nina AJ at Sky.Si RM,Jimin at Jin ang kasama nila papunta dun.Gusto ko din sanang sa kanila sumama since di pa ko nakakarating dun pero nag aalala ako baka walang mag assist kay Katie sa sapa.Medyo madulas pa naman duon at baka madulas na naman sya gaya kahapon.

"Chi,Samin kana sumama.Hayaan mo na lang yung mga girls dun.
May mga kasama namang bodyguards at guide ang mga yan kaya walang problema.Mas okey dito,Mas may thrill._AJ.Si Maui ay sa mga girls din sumama.

"Hindi na,Next time na lang ako sasama.Kayo na lang muna.Dun na lang ako kina Maui makiki join para naman may kasama sila.Sige na,Kita na lang tayo later.Ingat kayo ni 'tol._AKO.Kumaway pa sila sa akin habang naglalakad papalayo.Naglakad naman ako sa direksyon papuntang sapa.
Medyo malayo layo na sila at hindi ko na matanaw kaya nagmadali ako sa paglalakad.(Ako lang ang walang kasamang bodyguard)Hanggang sa makarinig ako ng mga nag uusap sa may bandang masukal na talahiban.

"Siguraduhin nyo lang na hindi kayo mahahalatang may masama kayong balak ha.Basta kapag nakita nyong mag isa lang yung KATIE o kaya yung MAUI,Kunin nyo kaagad.Mag ingat kayo baka makahalata yung mga bodyguard nila at mabulilyaso pa tayo._Lalaki.(Hindi ko makita ang mga mukha nila pero parang pamilyar ang boses nung nagsasalita)

Mabilis akong naglakad papunta ng sapa at nadatnan kong masaya silang nagsasabuyan ng tubig.Kaagad kong nilapitan at binulungan ang mga  bodyguard nina Maui at Katie at saka ko hinawakan sa kamay si Katie at marahang hinatak para umahon sa tubig.

Si Maui naman ang sunod na  inalalayan ng bodyguard nya para umahon na din sa sapa at saka kami naglakad pabalik sa tent.


"ROOFTOP PRINCESS (KATIE&GUCCI)"THE BILLIONAIRE HEIRESSES "  GxG SERIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon