Walang araw at gabi akong pinalampas para magsaulo ng mga batas.Halos apat na oras lang ang naitutulog ko at pagkatapos ay magbabasa at magsasaulo na naman kinaumagahan.Pasalamat na din ako at kasama ko sa pag aaral at pagbabasa si Zee kaya madami syang pointers na itinuturo sa akin.Kasabay ng pag aaral namin sa kung ano anong mga batas ay ang paminsan minsan ding pagsilip silip nina Daddy Top at Mom Dess sa amin sa library dito sa mansion.
"Kamusta naman kayo ditong dalawa?Baka naman nagpapalipas kayo ng gutom ha,Madami tayong pagkain sa kitchen,magpasabi lang kayo at lagi kayong hahatidan dito ng pagkain._Daddy.Kadarating lang halos ni Zee kaya hindi pa kami nakakapag umpisa sa pagrereview.Tamang tama ang mga pinahatid na breakfast ni Dad sa amin."Thanks Dad,Your the best!_AKO Saka ako nag thumbs up sa kanya.
Dito sa mansyon ako umuuwi muna pansamantala habang nagre review kami sa finals.Kumpleto kasi ng mga libro dito at hindi na namin kailangang tumambay pa sa library.Bata pa ako ng ipinagawa ni Dad itong library na ito para sa amin ni Sky.
"Thanks po sa pa breakfast Bossing.Pasensya na po kayo sa abala.Libre library na,may pa kain pa.Maraming salamat po talaga._Zee.Kasundo na din kasi ng pamilya namin si Zee.Sa totoo lang,mas mahaba pa ang oras na magkasama kaming dalawa kaysa kay Sky kaya naman mas madami kaming alam sa isat isa."Naku wag mong alalahanin yun.Malaking tulong din naman ang ginagawa mo para sa amin,lalo na kay Chi.Mula ng maging magkaibigan kayong dalawa,mas sumipag mag aral yan at nag excell ng husto ang mga grades nya._Daddy.
"Dad,Okey na.Masyado mo ng bini build up ng husto yang si Zee.Baka mamaya maningil na yan ng danyos perwisyos at hindi ko mabayaran sa mahal ng attorney's fee nya._AKO.
Nagtawanan naman silang dalawa sa joke ko.Mayamaya pa ay humalik na ako kay dad ng magpaalam na sya para pumasok na sa opisina nya."Chi,matanong ko lang.Hindi ba kakilala mo yung MAUI Villareal?_Zee.
"Si MK?Ofcourse I know her.Kakambal sya ni Aloha na bestfriend ni Sky.
Bakit,Dont tell me type mo sya?_AKO.Napakunot ang nuo ko ng bahagya ng mapansin kong medyo namula sya sa biro ko.Sa pagkaka alam ko at pagkakakilala ko sa kanya. Hindi type ni Zee ang maarte at pabebeng gaya ni Maui."Hah?Hindi.Natanong ko lang.San na nga ba yung chapter na binabasa ko.
_Zee.Nagsimula na kaming magbasa pagkatapos naming mag breakfast.
Naalala ko tuloy bigla yung breakfast meeting namin ni Atty.Lara sa bakeshop(Zweetz Chanel).Dun yung bakeshop na itinuro nuon nung gwardiya na pinupuntahan ni Katie G na ang may ari daw ay kaibigan nya."Chi,Kamusta nga pala yung kinukwento mong makulit na reporter na palagi mong nakaka bangga?Si Katie G.Parang wala naman akong napanuod na ibinalita nya yung tungkol sa kasong hinawakan ni Atty.Lara ah?_Zee.Lihim akong natuwa sa nangyari.Hindi naman pala totoong para sa promotion kaya pursigido si Katie na makakuha ng impormasyon.
May puso din pala sya para sa mga taong gusto ng katahimikan sa buhay."Actually hindi na kami nagkita mula nuon.After ma resolve ang kaso,nagkaroon na ng pagkaka sundo ang dalawang panig na hindi na maghahabol si Miss Dela Peña sa libro.Kapalit ng pagbabayad nila sa danyos at pananagutan sa magiging anak nito._AKO.
"Really?As in pumayag si otor na hindi sya ang kilalaning tunay na sumulat sa libro nya?Ibig sabihin,Mas pinili nyang maging tahimik pero may magandang kinabukasan para sa anak nya kaysa ang makilala sya at matupad ang pangarap nya._Zee.Ngumiti akong tumango tango lang sa kanya.Kahit di na ko mag elaborate,kuha na ni Zee ang ibig kong sabihin.
"May bagong kasong hinahawakan ngayon si Atty.Lara.Pero since tapos na ang OJT ko sa kanya bilang assistant nya,Hindi ko na masyadong pinagka abalahan pang basahin.Basta about sa MANA yata yun.Tungkol sa magkapatid na nagka barilan dahil sa hindi daw pantay na hatian ng MANA.Grabe noh,Dahil lang sa pera kailangan pa nilang magkasakitan._AKO.
"Well ganun talaga.Kapag pera na ang pinag uusapan.Wala ng kapa kapatid at magu magulang.Alam mo,yan ang magandang hawakang kaso eh.Para malaman mo kung sino sa magkapatid ang tuso at ayaw magpalamang.hahahahha._Zee.
"Sa kasong yun,Walang panalo.Lahat sila talo sa kabuuan.Especially the parents.Ang saklap kaya nung makita mong nagpapatayan ang mga anak mo dahil lang sa pera mong pinaghirapan.Sa palagay ko,They dont deserve to have that PAMANA.Kung ako sa parents,IBIBIGAY KO NA LANG YUN SA KAWANG GAWA para wala silang pag awayan.hahahah._AKO.
"Hindi mo din masasabi yan.Baka yung parents,Sa masama din galing yung mga kayamanan kaya lumaking ganun ang mga anak.Kung matino at maganda ang pagpapalaki ng magulang sa kanila,sa palagay mo aabot sila sa ganung sitwasyon?Maybe,May mali sa pagpapalaki ng parents kaya sila nagka ganun._Zee.
"You should'nt blame the parents.May mga anak talaga na sadyang masasama.Walang magulang na gustong mapasama ang mga anak nila.
Choice na yun ng mga anak kung papano nila ihahandle ang sarili nila at hindi na sagutin ng magulang kapag sila na mismo ang pumili sa path na gusto nila sa buhay...Teka nga,bakit ba tayo ang nagtatalo tungkol dyan?
Hahahaha._AKO.Nakitawa na din sa akin si Zee.Madalas na ganito kaming dalawa kapag magkasama.Maya maya lang ay magdedebate tapos magtatawanan."Alam mo Chi,Mag lovelife kana nga.Kulang ka kasi sa inspirasyon kaya puro ka lang pagbabasa at pagsasaulo.Mas okey kung sasamahan mo ng konting lambing at saka tamis para naman magkakulay yang boring mong buhay._Zee.
"Oh bakit sa akin na naman napunta?Bakit ikaw ba may inspirasyon na ha?Sasabihin mo na naman mga kapatid mo ang inspirasyon mo.Bakit ako wala bang kapatid para gawing inspirasyon? Sa wala pa ngang makita,bakit kaba nagmamadali?_AKO.
"Bakit di mo pa kasi ligawan si Atty.Lara?Sobrang lodi mo yun diba?Sa tingin ko naman type ka din nun kaya nga ikaw ang ni request na mag assist sa kanya eh._Zee.
"Idol ko nga si atty Lara panyero,Pero hindi para ligawan at syotain.
Hindi ko ma feel yung kabog sa dibdib eh.Pag nakikita ko sya,As in natutuwa lang ako sa kanya pero walang spark.Ewan ko ba,Kahit anong pilit kong magka gusto sa kanya,Ayaw talaga nito._AKO.Sabay turo sa puso ko."Sabagay naiintindihan kita jan sa iniarte mo.May point ka naman.Kahit pa anong pilit mo na magustuhan ang isang tao,kapag hindi sya ang itinitibok ng puso mo...Wala kang magagawa.Sorry na lang kay Miss Lara dahil pihikan ang puso ng panyero ko.hahahaha._Zee.
"Ikaw na muna ang magka girlfriend bago ako.Ang tagal dumating ng "PRINSESA ko eh.Baka nasa kabilang kaharian pa kaya hindi ko makita.
Hahahaha._AKO.*Parang nahanap mo na sya matagal na,Hindi mo lang napapansin*hehe
BINABASA MO ANG
"ROOFTOP PRINCESS (KATIE&GUCCI)"THE BILLIONAIRE HEIRESSES " GxG SERIES
RomanceTHIS IS ABOUT THE STORY OF FRIENDSHIP AND RELATIONSHIP OF TWO PEOPLE WITH THE SAME GENDER. MULA SA TAMBALANG SALLY AT GD,NAGKAROON NG "MAUI AT ALOHA" "Kinidnap na Pangarap" (Maui and Zoila love story) "Ang oldmaid kong stewardess" (Aloha and Gari lo...