48.GUCCI

1K 47 0
                                    

                                                 Bukod sa bff na si Channel,Wala ng iba pang nakaka alam sa relasyon namin ni Katie maliban sa aming dalawa lang.
Minabuti naming ilihim na muna sa lahat,para na din walang pressure sa pamilya at mga kaibigan.

Minabuti naming ilihim na muna sa lahat,para na din walang pressure sa pamilya at mga kaibigan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Grabe,Ang laki naman nitong stuffed toy na dala mo.Mabuti at nagkasya ito sa pinto?Mas malaki pa yata sa akin toh eh!_Katie.Naka ngiting Katie ang sumalubong sa akin pagpasok ko pa lang sa pinto. Ngayon na lang kami ulit nagkita dahil pareho kaming busy at maaga nakakatulog sa pagod,Naisipan kong regaluhan sya ng pansamantalang kayakap nya kapag wala ako sa tabi nya.

"Pasenya kana kung medyo naging busy ako nitong mga nakaraang araw at hindi nakakapasyal dito sa rooftop.Kaya naman naisipan kong regaluhan ka nyan para sya muna ang pansamantala mong kayakap kapag namimiss mo ko._AKO.

"Hahahahha.Salamat.Ang cute ng gift mo,Ang laki nya kaya for sure wala na akong space sa kama ko kapag itinabi ko sya sa akin._Katie.

"Uhmmm..Your welcome.So kamusta ka naman sa new network  mo,Maayos naman ba ang pamamalakad nila duon compare sa dati mong network?_AKO.Magkatabi kaming nag uusap sa sofa at nakasandal ako sa kanya na nakasayan ko ng gawin kapag magkatabi kami sa upuan.

"So far,Okey naman at walang problema.Maganda din ang mga project at assignment na bininigay nila sa akin.Kapag nga daw maganda ang naging performance ko sa mga susunod na buwan,Baka isalang nila ko sa camera at mabigyan ng break as a news anchor._Katie.

"Hindi na ko magtataka kung mangyari man yun ng mas maaga sa inaasahan.Deserving ka naman talaga sa front row at hindi basta sa field reporting lang.Ang galing mo kayang newscaster._AKO.

"Ayun,Hindi naman halatang bias ka nyan noh?Hahahha.Pero okey lang naman kahit nasa labas ako,Exciting din at saka mas maaksyon kapag nandun ka mismo sa pinangyarihan ng binabalita mo._Katie.

"Exciting at maaksyon pero malapit ka naman sa panganib?Parang hindi naman nakaka excite yun.Anyways,Kamusta na nga pala yung bago mong assignment na sabi mo ay kaduda duda dahil sa ayaw magpa interview sa inyo,Nakausap mo na ba?_AKO.

"Well malapit na naming mafinalize at nasa process na kami ng pakikipag usap sa mga kinauukulan about it.So far,Maganda naman ang kinalabasan ng pag uusap at siguradong hindi na magtatagal,mahuhuli na din ang nasa likod nito._Katie.

"Thats a good news.Kawawa naman kasi ang mga taong nabibiktima at ang mga legit na kumpanya na maayos na nagtatrabaho tapos pipiratahin lang ng iba._AKO.

"Kaya nga eh.Pero teka,maiba nga pala ako.Sa susunod na linggo nga pala, Sa Davao ako naka assign mag report.Tungkol ito sa mga bagong beaches na bubuksan para sa mga turista.Masyado na daw kasing over puluted sa Boracay kaya naisipan nilang ipakilala naman ang mga bagong beaches sa bansa natin._Katie.Nalungkot naman ako na ilang araw din syang mawawala at pupunta sa malayong lugar.

"Sino pang makakasama mo duon bukod kay kuya Roger?Meron pa bang ibang taga newsteam nyo din?_AKO.

"Actually,kasama namin yung executive producer namin at saka yung dalawa pang staff nya.Tapos ako at si kuya Roger then si Venice ofcourse.
Ang alam ko,may iba ding mga taga ibang network kaming makakasabay pero hindi ako sure kung sino sino ang mga iyun._Katie.

"Hindi ba may private resort kayo duon?So,Meaning dun kayo mag i stay with your staff at hindi dun sa resort na inassign sa inyong i promote at ibalita?_AKO.Hindi ko ma explain kung ano ba itong nararamdaman ko.
Basta feeling ko lang,Ayoko nung malayo sa akin si Katie lalo pa at hindi kami magkasama ng ilang araw.Am i bieng too possessive?

"Pwede naman siguro, Pero depende sa mapag uusapan.Ang alam ko kasi,libre ang accomodation at food namin duon eh.Kung sa Private Island kami mag i stay,syempre hindi naman gagastos ang producer namin dahil free nga naman kami dun sa bubuksang Resort.Although wala namang problema dahil libre din sila sa resort  namin,kaya lang mas okey din yung magkakasama kami nung iba pa naming kasamahang taga media din_Katie.

"Okey,Basta mag ingat kayo dun.Basta kapag nandun na kayo,tumawag ka kaagad para alam ko.Wag kang aalis ng wala kang kasama ha,Lalo na sa beach.Kung pwede,iwasan mo din ang magsuot ng sobrang revealing na outfit lalo pa at wala ako dun. _AKO.Nangingiti namang nailing si Katie sa akin.

"Heeeey!Ayos ka lang ba?Para namang hindi si GUCCI PAMINTUAN ang kaharap ko ngayon.Mas parang nanay at tatay ko yata.hahahaha.Hindi ko alam na ganyan ka pala ka possessive na boyfriend ha,Miss Pamintuan?
Wag kang mag alala,Behave lang po ako dun at trabaho lang ang focus ko.
_Katie.

"Sorry but i can't help it.Actually,Ngayon ko lang din naramadaman at narerealize na masyado na pala akong naghihigpit sayo which is wrong and unfair.Sa totoo lang,May tiwala ako sayo at alam ko naman na trabaho lang ang ipinunta mo dun kaya hindi ako dapat mag isip ng kung ano ano._AKO.

"Salamat sa pagiging understanding mo Chi.Isa yan sa mga katangian mo na gustong gusto ko sayo.Palagi mo lang akong sinu suportahan sa mga gusto ko at ginagawa ko.Pero syempre,ang pinaka gusto ko sayo ay yung palagi kang nandyan para sa akin.Hindi ko na kailangang magsalita, basta dumarating ka na lang kapag kailangan kita.Salamat ng marami sa lahat ng tulong mo sa akin._Katie.Mahigpit na yakap at halik sa pisngi ang premyo ko ngayong gabi kaya naman masaya akong matutulog ngayon na may ngiti sa aking labi.

Maaga pa lang ay bumangon na ako para maligo at mag ayos ng sarili.
May dalawang oras pa ako para magmemorya at muling basahin ang irereport ko mamaya sa klase.Actually,Natapos ko na syang basahin at sauluhin kagabi pa pero mas mabuti na yung muli ko syang pag aralan at balikan para mas ma perfect ko pa ang irereport ko mamaya.

Walang puwang ang katamaran kapag LAW ang gusto mong pag aralan.
Kailangan mo ng malawak na pag iisip,matalas na memorya,mahusay at malinaw na diction lalo na sa english kung ayaw mong maging katawa tawa ka sa buong klase.Hindi uso ang craming dahil dapat LIMANG ARAW BAGO pa ANG EXAM,dapat ay nakapagbasa at nakapag saulo kana ng mas maaga.

"ROOFTOP PRINCESS (KATIE&GUCCI)"THE BILLIONAIRE HEIRESSES "  GxG SERIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon