37.GUCCI

1K 49 1
                                    

Gulat na gulat naman si Mommy Dess pagkakita nya sa kin.Hindi ako sure kung dahil ba sa maiksing buhok ko o dahil hindi nya akalain na susunod ako sa kanila dito sa bahay nila Tito Ding sa may Antipolo.Dala ko ang BMW ko na bibihira ko lang gamitin.

"Anak,GUCCI..Mabuti at hindi ka naligaw? Nagsama kaba ng bodyguard mo?Napaka gwapo naman ng baby ko.Lalo kang gumwapo sa bagong hairstyle mo anak ko.Sobra talaga akong blessed sa pagkakaroon ng walang kasing gagandang mga anak._Mommy.Kaagad akong humalik at yumakap sa kanya ganun din kina Lola Mama(Clara),Tita lola(Sarah) at kay Tita Sassy.(Asawa ni Tito Ding)na bunsong kapatid ni Ninang Sally.

"Tama ang mommy mo Chi,Bagay na bagay sayo yang gupit mo.
Mapagkakamalan kang artista.Sabagay,ke mahaba o maiksi yang buhok mo,artistahin naman talaga ang datingan mo.Iba din talaga ang lahi natin eh.hahahha._Tito Ding.Kitang kita sa mga mata nila ang "PAGTANGGAP" sa kung ano ba talaga ako.Sabagay,kahit nuon pa naman...Open na sa pamilya ang pagiging Lesbian naming mga kapatid.At hindi na yun bago pa sa kanila dahil nasa dugo na talaga.

"Ang mabuti pa,kumain na muna tayo.Masarap kumain kapag mainit pa ang mga nakahaing ulam.Syanga pala ate Dess,Susunod daw ba si Ate Top dito?_Sassy.Si Sky ay sigurado ng gagabihin sa party kaya hindi na makapunta.Salo salo lang talaga ito ng pamilya nila mommy kaya kami kami lang ang bisita.

"Baka hindi na daw sya makahabol.Gagabihin sya sa meeting with foreign investors.Medyo mahirap daw i convince kaya need ng masinsinang usapan._Mommy.

"Iha,Kumain ka ng marami ha.Ako ang nagluto nyang ginatang laing.Paborito yan ng mommy mo.Yan ang palaging inirerequest nya sa lola Anna na iluto sa kanya nung nabubuhay pa._Tita LolaSarah.Bahagya syang napaluha pagkabanggit nya  sa pangalan ni lola Anna.Sayang nga lang at di ko na naabutan pa ang lola ni mommy.

"Ano kaba naman ate,Bakit ka naman biglang iiyak iyak dyan.Pati tuloy ako naiiyak na din.Dapat masayang salo salo ito,naging drama tuloy.
Nakakahiya sa apo natin,baka mamaya hindi na ulit sumalo sa atin yan sa susunod._LolaMama Clara.(Mama ni Mommy na mas matagal ang inilagi sa HK nuon kaya kay lola at tita sya halos lumaki)

"Tita,Wag ka ng umiyak.Mamaya nyan pati itong misis ko iiyak na din eh!
Pambihira.Dahil lang sa laing nagkaka iyakan kayo.Manang Alice,pakitapon na nga itong laing._Tito Ding.Nagtawanan ang lahat sa biro ni tito Ding kaya naman naging happy na ulit ang lahat.

"Gucci anak,Kamusta na nga pala yung apartment mo?May iba pa bang pinababago yung tenant mo dun sa rooftop bukod sa garden mo?
Gusto mo bang bisitahin ko siya at kausapin para naman malaman ko kung ano ang dahilan nya at ayaw nyang makakita ng mga bulaklak sa labas ng apartment nya?_Mommy Dess.

"Seryoso ba talaga yun,As in ayaw makakita ng bulaklak?Akala ko naman maarte lang si girl kaya ayaw ng may garden sa paligid nya,pero kung ganung may problema sya sa mga bulaklak,Maybe meron syang trauma or may allergy yun sa pollen._Tita Sassy.(Tita din sya nina MAUI AT ALOHA dahil kapatid sya ni ninang SALLY)

"Its okey mom,Ako na po ang bahalang kumausap.Since naghahanda pa naman ako sa darating na pasukan,hindi pa ako masyadong busy.
Gusto ko din namang makilala yung mga tenant ko.Baka naman sabihin napaka suplado ng may ari ng bahay at hindi manlang nakikipag usap sa kanila._AKO.

"Mabuti naman kung ganun anak.Maganda din naman na kakilala at kaibigan mo yung mga kapitbahay mo kahit papano.Iba pa din yung mararamdaman nilang mabait at makatao pala ang may ari ng tinitirahan  nila,Magkakaroon sila ng peace of mind._Tita Lola Sarah.Tumango ako sa kanya at saka ngumiti.Hinawakan naman ni LolaMama ang kamay ko.

"Sa susunod,dapat kasama na natin sina Ate TOP at Sky.Namimiss ko na din ang kakulitan ng batang yun.Super hyper! Lalo na kapag magkasama silang dalawa ni Aloha,Naku para silang delubyo.Kapag nandun nga kami sa mansyon ng mga Villareal ni Sassy ,As in super gulo nung mga yun.
_Tito Ding.

"Hahahha.Hindi nga papawat yung dalawang yun sa kakulitan.
Pero im sure naman lielow na sila ngayon dahil mga piloto na.Si Sky ba ate Dess,May ipinakilala ng girl sa inyo?_Tita Sassy.

"Last month lang may ipinakilala sa amin.Model din ng GUCCI.Melanie nga ba ang name or Mel lang?Basta ganun.Tapos after one week,Sabi ni Sky wala na sila nung girl.Kauna unahang babae na ipinakilala sa amin yun ha pero hindi din pala tumagal.Ewan ko ba dun sa batang yun,Ang daming mamamana,Pagka babaero pa ng daddy nya._Mommy Dess.

"Baka naman ayaw pa talagang magseryso ni Sky,Hayaan mo lang muna.Ganun naman talaga ang mga kabataan ngayon,Mas gusto yung malaya lang at walang commitment.Darating din yung tamang babae para sa kanya,Hindi pa lang siguro nya nakikita yun._Tito Ding.

"Mabuti pa itong si Chi,Masyadong focus sa pag aaral nya kaya sa  palagay ko matatagalan kapa magka manugang dito ate!hahahah._Tito Ding.

"Naku,Wag kang papakasiguro mahal.Minsan,kung sino pa ang tatahi tahimik at akala mo walang hilig sa babae,Sya pa yung grabe mainlove kapag tinamaan yan! Sa palagay ko,Inspired yang si CHI kaya ganyan.
Tama ba ako ha pamangkin?_Tita Sassy.Namula ako ng bahagya.Pakiramdam ko sapul na sapul ako sa sinabi nya.Saka ko biglang naalala si Katie.Yung reaksyon nya pagkakita nya sa bago kong hairstyle...

"Hahahaha.Nagblush si Gucci ate! Mukha ngang tama si Sassy ah._Tito Ding

"Abay kung may inspirasyon na ay mas mabuti.Hindi masama ang magmahal at mahalin.Napakasarap kayang ma inlove.Kung ako ang bibigyan ng chance na magmahal ulit,Yung tatay pa din ni Dess at Ding ang pipiliin ko kahit na ipinagpalit nya ko sa iba,Kasi naman ay napaka lambing ng taong yun._Lola Mama Clara.

"Ayan tayo eh!Kaya pala umalis ka at nangibang bansa.Hindi mo pa din makalimutan ang first love mo.Oo na,masarap ng mainlove.Totoo naman yun.Kaya Gucci anak,Wag kang tumulad sa akin na takot masaktan kaya hindi nag asawa.Masarap at masaya kapag nagmamahal at minamahal tayo,Kaya wag mong hayaang mawala pa ang taong yun kapag nakita mo na sya._Tita Lola Sarah.

Dahil sa mga magagandang salita na nadinig ko today,Mas lalo akong na trigger na i let go kung ano ang nararamdaman ng puso ko.Totoong mahirap pala talagang itago lang kung ano ang sinisigaw ng puso.
Lalo na kung alam mo na mayroon ng nagmamay ari sa puso ng taong nilalaman ng puso mo.

"ROOFTOP PRINCESS (KATIE&GUCCI)"THE BILLIONAIRE HEIRESSES "  GxG SERIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon