64.GUCCI

1K 54 4
                                    

                         Sa wakas ay lumabas na din ang tunay na may motibo para saktan at gawan ng masama si Katie.Ang PH na nagtatago sa alyas na DIEGO DELA COSTA.Anak ng ex fiance ni Daddy na si Leslie Imperial ng LESLIE Philippines.(Ang may ari ng nangungunang kape at ibat ibang brand ng mga juices dito sa Pinas).

"Sinasabi ko na nga ba at hindi talaga tayo titigilan ng pamilya nyang si Leslie eh!Hindi sya titigil hanggat hindi sya nakakaganti sa atin.Until now, Hindi nya pa din matanggap na ako ang mas pinili ng daddy nyo kaysa sa kanya._Mom Dess.Sa tono na inis na inis sa nangyari.

"Babe kumalma ka lang.Ako na ang bahala sa lahat.I'll make sure na pagbabayaran ni Diego ang ginawa nya kay Katie.Hindi natin sya titigilan hanggat di natin sya napapakulong ng wala ng labasan._Daddy.

"Mom,Dad will you please calm down.Ang iinit ng mga ulo nyo eh. Kung meron mang may karapatang maghabla kay Diego,Hindi kayo yun kundi sina Ninang Terry at Ninang Joyce.Come on,Hayaan na natin sila tungkol duon._SKY.

"Tama si Sky Mom,Dad.Wala tayong pwedeng gawin kundi sumuporta lang sa kanila at hayaang sila ang magdecide sa gagawin tungkol sa kaso.
Ang mahalaga ay nalaman na natin kung sino ang tao sa likod ng tangkang pagpapadukot kina Katie at Maui._AKO.

"Ang nakakainis lang,Bakit kelangan nya pang gumanti sa atin para lang matanggap sya ng nanay nya.Alam nya namang may sakit yung nanay nya at wala sa matinong pag iisip,tapos kukunsintihin nya pa? Pasalamat sya hindi girlfriend ko yung muntikan nyang gawan ng masama,Dahil baka nanghihiram na sya ngayon ng mukha sa aso._SKY.Hindi pa alam ng family ko ang tungkol sa relasyon namin ni Katie kaya hindi na ako nagsalita muna

"Chi anak,Kamusta naman yung pag uusap nyo nina Terry at Joyce?
Im sure galit na galit yung dalawa sa ginawa ni Diego sa prinsesa nila.
Kakaiba din namang mainlove itong pamilyang ito talaga,Nagiging warfreak at nasisira talaga ang mga ulo kapag di napapasa kanila ang magustuhan._Mommy Dess.

"Sinabi mo pa Mie.It runs in the blood ika nga.Im sure lalong natrigger si Diego na  daanin na sa pwersa si Katie lalo pa't nakikita nyang nagiging close na itong si Bunso kay Katie.Imaginin mo nga naman ang pagkakataon kung sakali at mauulit lang ang nakaraan.Si daddy na ex fiance ng mother nya at ngayon naman si Katie ay kay Gucci mapupunta,Anong mararamdaman nila nun hindi ba?_SKY.

"Aba'y kasalanan ba natin yun kung sakaling magkagustuhan sina Gucci at Katie kung sakali?Ang problema kasi sa kanilang mayayaman,Hindi sila marunong tumanggap ng pagkatalo.Ang akala nila,Ang LOVE at ang NEGOSYO ay iisa.
Na kapag ginusto nilang makuha at pabagsakin ang kalaban,sisirain nila, tatakutin at dadaanin sa pera.Hindi nila mabibili ang PAG IBIG._Mom Dess

"Agree ako dyan sa sinabi mo BABE.Hindi talaga nila kayang bilhin ang PAGMAMAHAL ko para sayo.Ikaw ang pinakamahalagang kayaman ko pati ang mga anak natin.Anyways,Kung ano man ang maging desisyon ng pamilya nina Terry,Nasa kanila naman yun.Ang mahalaga,Walang nangyaring masama kay Katie._Daddy Top.

After ng early dinner namin ay nagpaalam na din kaming magsisipag uwian ni Sky sa kanya kanya naming inuuwiang apartment at condo unit.
Nakahiga na ako sa bed ng maalala ko yung mga moments na magkasama kami sa rooftop apartment ni Katie.Pansamantalang sa mansyon na muna nila sa Laguna uuwi si Katie from work dahil nga sa nangyari.

Isang marahang katok ang nagpabangon sa akin mula sa kama.Wala kasi akong inaasahang bisita sa ganitong oras na ng gabi.Chineck ko muna sa monitor kung sino ang taong nasa labas at nagulat ako sa bisitang di ko inaasahang darating.

"KATIE? Anong ginagawa mo dito,Gabing gabi na ah! Okey ka lang ba,May nangyari na naman ba at napasugod ka dito?_AKO

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"KATIE? Anong ginagawa mo dito,Gabing gabi na ah! Okey ka lang ba,May nangyari na naman ba at napasugod ka dito?_AKO.Sa taranta ko ay hindi ko kaagad sya napapasok sa loob kaya sya na ang nagkusang maunang dumiretso sa maliit kong living room.

"Attorney Pamintuan,Pwede po bang isa isa lang ang tanong dahil mahina ang kalaban?Halika,Maupo ka na muna dito sa tabi ko.biliisss!_Katie.Kaagad naman akong tumabi sa kanya at saka nya ako biglang hinawakan sa magkabilang pisngi at pinang gigilan.

"Oouucchhh,Araaay teka! Nakakagulat ka naman._AKO.Saka sya biglang napasimangot sa reaksyon ko kaya kaagad kong ibinalik ang kamay nya sa pisngi ko.

"Masama bang puntahan ko ang boyfriend ko? Namimiss kasi kita kaya nagpaalam ako kina Mom and Mama na dito muna ako mag i stay sayo.
Kaya lang parang di ka naman yata masaya na nandito ako._Katie.
Bahagya syang lumayo sa tabi ko na parang batang natatampo.

"Katie naman,Im sorry.Nagulat lang ako na nandito ka ng walang pasabi.
Akala ko kasi may nangyari na naman sayo kaya hindi ko alam ang magiging reaksyon.Pasensya na.Sympre naman masaya ako na magkasama tayo ngayon.I miss you too so much._AKO.First time ko lang magkaroon ng karelasyon at hindi ako sanay sa mga lambingang ganito.
Pero aaminin kong masaya pala at masarap ang ganitong feeling.

"Totoo ba yan,Namiss mo din ako? Baka naman taga Korea yung namimiss mo at hindi ako ha?_Katie.Saka ko naalala yung tungkol sa mga IG post ni Aloha sa Bora.Hindi ko nga pala sa kanya nasabi na may mga model kaming kasama duon.

"Ofcourse I miss you.Ikaw ang girlfriend ko kaya wala akong ibang namimiss kundi ikaw lang.About dun sa mga models na kasama namin sa Bora,Actually sina Sky at Aloha lang naman ang nag invite sa mga yun at wala kaming alam ni Zee tungkol sa kanila._AKO.

"Uhmmmm,Okey.Naniniwala na ko sayo.Importante sa relasyon ang TRUST kaya naman alam kong nagsasabi ka ng totoo._Katie.

"Tama.Kaya naman dapat ganun ka din sa akin.Sana wag ng maulit pa na maglilihim ka sa akin about Diego.Alam mo bang ang suspek na pinakatutukan ko talaga ay yung anak ni Senator Hipolito?Sino ba naman kasing mag aakala na screen name lang pala ni Diego ang pangalang ginagamit nya at Prestley Hernandez pala ang totoong pangalan nya.
_AKO.

"Kaya nga eh.Minsan talaga,Hindi mo alam kung sino at anong bang klase ng pagkatao ang nakakaharap mo at nakakasalamuha mo.Yung akala mong totoong tao kapag kaharap mo,May hidden agenda pala at balak na masama sayo kapag nakatalikod ka.Anyways,Wag na nga natin syang pag usapan.Andito ako para mag enjoy at makalimot sa mga nangyari._Katie.

Yumakap ako sa kanya ng mahigpit na mahigpit.Actually,Medyo guilty ako sa nangyari dahil nahuli ako ng dating.Thankful ako kay Martha,dahil kundi sya kaagad umakyat para i check si Katie dito sa rooftop baka may nangyari ng masama kay Katie.

"ROOFTOP PRINCESS (KATIE&GUCCI)"THE BILLIONAIRE HEIRESSES "  GxG SERIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon