66.GUCCI

986 49 3
                                    

                                              

                                              

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Sa rooftop deck na ito nagsimula ang lahat.Kaya naman dito din namin naisipan ni Katie na idaos ang masayang selebrasyon ng unang taon ng aming pagmamahalan.Parang kailan lang at ngayon nga ay nakaka isang taon na ang relasyon namin bilang magkasintahan.

"Seryoso ba talaga ito brad,As in isang taon na kayong mag on ni Princess?
_SKY.Ininvite namin silang dalawa ni Aloha,at pareho silang di makapaniwalang magkasintahan  na nga kami ni Katie nuon pa.

"So kelan pa nangyari ang sagutan,Don't tell me sa bundok pa lang kayo na?Kaya naman pala ganun na lang kapursigido itong si Chi na malaman kung sino ang nagtangka nuon kay Katie,Kasi nga may sumting na._Aloha.

"Hahahha.Hindi pa sila nun noh!Advance ka din mag isip eh.Palagi nga silang magkasama nuon pero hindi pa nila alam na concern na pala sila sa isat isa at may kasama ng love yun.After pa ng nangyari sa bundok, Saka pa lang nila narealize na INLOVE na pala silang dalawa._Maui.

"Ahhhh,Ganun pala yun.So,Isa ka sa mga nakakaalam na may relasyon na pala sila at inilihim nyo lang sa amin?E di kayo na!Sabagay,sino lang ba naman ako diba,Panaganay na kapatid lang.Hindi ako bff na palaging sinasabihan ng sikreto._SKY.

"Aysus,At nag emote pa ang kuya este ate ko!Hindi ko lang talaga sinabi sayo kasi hindi ka naman nag tatanong.Ang awkward naman na basta ko na lang sabihin sayo kahit hindi naman natin pinag uusapan ang tungkol sa mga lovelife natin kahit nuon pa diba?Pero Sorry kung now ko lang ipinagtapat sayo,I hope na mapatawad mo ko sa di ko pag amin kaagad._AKO.

"OO nga naman Sky!Kahit naman ikaw,hindi mo din naman sinasabi sa kapatid mo kung ilang babae na ba ang naikama mo diba?hahahha.
Peace captain!_Aloha.Nagtawanan na lang kaming lahat at saka nagsimula ng kumain.

"Tado ka talaga Kapitan!Walang laglagan.Pinapahiya moko sa mga tao dito eh.Basta,nagtatampo pa din ako sayo brad.Pati na din sayo Katie.
Ang galing nyong magtago eh!Akala ko pa naman,Ako lang ang matinik sa pamilya natin pagdating sa chicks,Mas malupet pala itong attorney naming tatahi tahimik lang,Nakadali na pala ng PRINSESA nya!_Sky.

"Hahahahaha.Wag ka ng magtampo Sky.Mamaya may ipakikilala ako sayo.
Im sure mawawala yang tampo mo kapag nakilala mo sila._Katie.
Sina Martha at ang kaibigan nyang si Gari ang tinutukoy ni Katie na ipakikilala nya kina Sky at Aloha.Ininvite din kasi namin silang dalawa na maki celebrate sa first year anniversary namin dito sa rooftop.

"Weeeeh!As if naman magugustuhan sila nung dalawa.Hahaha.
Ang taas kaya ng standard nung mga yun pagdating sa jojowain,Kaya nga until now mga single pa din eh.Saka hindi yata nila type ang mga lesbian.
Kaya sorry na lang kayong dalawa.hehehhe_Maui.

"Ipakikilala lang kasi hindi naman jojowain kaagad! At saka ano namang malay mo sa gusto nila,ikaw ba ang may hawak ng puso at isip nila ha?
_Aloha kay Maui.

"Ayan na naman silang magkapatid.Kontrapelo palagi! Awat na at baka imbis na selebrasyon,mauwi pa sa trahedya itong party na ito.
Tayo ng kumain at saka na tayo magsipag debate kapag nakita at nakausap nyo na sila.Actually,Hindi ko din kasi alam kung anong type nung dalawang yun._Katie.Inakbayan ko sya at sabay sabay kaming pumasok na muna sa loob para kumuha ng mga pagkain.

Malalim na ang gabi pero wala pa ding Martha at Gari na dumating kaya naisipan ni Katie na tawagan sila.Si Maui na ang nagprisintang tumawag at Saka namin napag alaman na nagkaroon ng biglang emergency sa bahay nina Gari kaya hindi na sila nakapagsabi agad kung makakapunta pa.

"Kaya naman pala hindi na sila nakatawag man lang.Isinugod bigla sa hospital ang nanay ni Rita.Mabuti na lang at hindi pa sila nakaka alis ni Martha ng mangyari ang pag atake kaya agad nilang naisugod sa hospital ang nanay nya._Maui.Sya kasi ang tumawag at kumausap kay Martha.

"Kamusta naman daw ang mother ni Rita,Grabe daw ba ang atake?_Katie.

"Under observation pa daw sabi ni Martha kaya hindi nya maiwan dun si Rita.Parating pa lang daw kasi yung dalawang kapatid ni Rita kaya mag isa lang siya dun.Pasensya na daw kung hindi na sya makakahabol pa sa selebrasyon nyo.Babawi na lang daw sya next time._Maui.

"Guys,I have to go na din pala.Mayroon lang akong kaibigan na nagkaroon din ng emergency at kailangan kong puntahan._Aloha. Mayroon din kasi syang kausap sa fone kanina pa kaya pagkababa nya sa telepono nya ay kaagad syang nagpaalam.

"So papano na yan guys,Mauuna na din akong umuwi at sigurado namang kanina nyo pa gustong makapag celebrate ng kayong dalawa lang?
Ikaw ba Maui,sasabay kana ba sa akin umuwi o gusto mo pang maging thirdwheel sa kanila?_Sky.

"Sympre uuwi na din ako noh! Loko din yung kambal ko eh.Talagang hindi ako isinabay sa kanya.Haaay naku,Kahit kelan talaga yun.
O sya papano girl,Mauuna na kami ni Sky.Babush na at humayo kayo at magpakarami.hahahah._Katie.Hindi ko naman napigilang hindi mag blush sa biro ni Maui gayong alam ko namang mamaya ay solo na namin ni Katie itong apartment.

"Hahahaha.As if naman may mabubuo?Look at Gucci...Nagba blush pa din ng bongga!Dont tell me,Virgin pa kayo pareho kahit naka isang taon na kayo?_SKY.Kaagad ko namang hinatak na si Sky palabas ng pintuan dahil baka kung saan pa mapunta ang usapan.

"Luko luko ka talaga Sky.Ibinibuko mo naman sila eh!
Hahahaha.Wag mo nga kaming igaya sayo na expert na sa kalandian!
_Maui.

"Seriously,Pati ikaw Maui wala pang nangyari sa inyo nung professor na nabalitang naka M.U mo?_SKY.

"Ano namang nakakapagtaka dun ha?At saka lilinawin ko lang,Hindi kami naging M.U nung manyak na yun.Over my dead sexy body!
Hahahaa.Naku tumatagal pa ang usapan natin,inip na inip na tong dalawa.Babush na talaga!_Maui.

"Kayo talaga,Ang dami nyong alam.Mag ingat kayo sa pag uwi.
Mag chat na lang kayo kapag nakauwi na kayo ha.Salamat sa pag punta.
_Katie.Ihinatid na din  namin sila sa baba at siniguradong nakasakay na sa kotse nila bago kami bumalik na sa apartment.

Mas komportable kaming magkasama at magkatabi lang sa maliit na kama ni Katie kaysa kapag nasa kwarto ko dahil nasa second floor yung kama ko na walang wall.Since takot si Katie sa mataas na lugar,Plano kong ipatanggal na din sa susunod yung ipinagawa kong kwarto sa itaas ng apartment ko.

"ROOFTOP PRINCESS (KATIE&GUCCI)"THE BILLIONAIRE HEIRESSES "  GxG SERIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon