62.KATIE

967 51 1
                                    

Madilim na ng makauwi ako sa apartment dahil sa late na kami natapos sa meeting with the network Bosses kaya medyo pagod akong pumasok sa loob ng bigla na lang may pumigil sa braso ko.

"Katie...Pwede ba tayong mag usap kahit sandali lang?_Boses lalaki ang nagsalita mula sa likod ko kaya medyo kinabahan ako dahil alam ko kung sino sya.

"Diego,What are you doing here? Hindi bat pinagbawalan na kita at sinabihang wag ka ng pupunta dito sa apartment? Umalis kana kung ayaw mong tuluyan na kitang isumbong sa mga pulis._AKO.Saka ko kinapa ang celfone ko sa bag at saka iyun idiniyal pero agad nya itong hinila mula sa akin.

"I told you na mag uusap lang tayo,Kahit sandali lang.Please naman Katie..
Kausapin moko.Bigyan moko ng chance gaya nuon._Diego.

Diego ano ba,Hindi bat napag usapan na natin ito nuon pa?
Sinabi ko naman sayo na tanging Friendship lang ang kaya kong ibigay sayo.Kahit nung una pa lang,Tinapat na kita na at hindi kita pinaasa dahil ayokong makasakit ng kapwa._AKO.

"Dahil ba mas gusto mo sa lesbian na yun kaysa sa akin ha Katie?hah! Sabagay,Like mother like daughter nga naman kasi.Pare pareho kayo.
Pero ang masaklap dun,Sa isang Pamintuan kapa napunta.Sa pamilya ng taong sumira sa buhay ng Nanay ko!Kaya naman para QUITS na kami ni Gucci at makaganti na din ako sa ginawa ng nanay nya sa nanay ko,Ako muna ang makikinabang sayo!_Diego.Saka nya ako nilapitan at saka isinalya sa gilid ng rooftop at pilit na hinahalikan.

"Diego ano ba!Bitiwan mokong hayup ka!Hindi ko alam yang mga pinagsasabi mo at lalong hindi kita mapapatawad kapag itinuloy mo pa ang balak mo!Bitiwan moko ano ba!_AKO.Hindi ko alam kung sa takot ko sa gagawin nya sa akin o sa pagkalula ko dito sa may rooftop kaya nakaramdam ako ng panghihina at saka tuluyan ng nagdilim ang paningin ko.

"Princess...Katie Are you alright? Please wake up.Andito na ko,Hindi na kita iiwan.Im sorry dahil hindi agad kita nabantayan._Boses na kahit nakapikit ako ay alam kong iisang tao lang ang nagmamay ari.Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko at saka tumambad sa akin ang mukha ng taong miss na miss ko ng makita.

"Ohhh Salamat naman at nagising kana Anak.Kamusta na ang pakiramdam mo?May masakit ba sayo?_Mommy Joyce.Kaagad nya akong niyakap at saka hinagkan.Napayakap din ako sa kanya.

"Mom...Okey lang po.Wag kayong mag alala sa akin.Hindi ako mapapahamak dahil alam kong may tagapagligtas ako na laging dumarating sa mga oras na kailangan ko sya._AKO.Saka ako tumingin kay Gucci na nasa mukha pa din ang labis na pag aalala.

"Anak,Andito na si Doc.Magsabi ka lang kung may masakit sayo.
Wag ka na munang umuwi ngayon at magpahinga ka muna dito para maka sigurado tayong okey ka ngang talaga._Mama Terry.Tumawag sya kaagad ng doctor ng makita nyang nagising na ako.

"Mama,Dont worry.Okey na okey naman po ako eh.Wag na po kayong mag alala please.Doc,Hindi ba okey naman ako?Wala namang injury or nangyaring masama sa akin diba?_AKO.

"Yes iha,Okey naman lahat ng vital signs mo at wala ka namang natamong kahit na anong galos o pasa sa katawan.Kaya lang,Mas dapat ka pa ding magpahinga muna at mag relax dito kahit ngayong araw lang._Doc

"Wala naman po akong choice Doc kaya sige po dito na lang muna ako ngayong gabi.Pero bukas po ay lalabas na ko dahil may mga trabaho pa akong kailangang gawin.Salamat po doc._AKO.Matapos umalis ang doctor ay walang ni isang nagsalita kaagad sa aming apat duon.

"Ahmmm...Mama,Mommy.Okey lang ba na si Gucci ang magbantay sa akin ngayong gabi?_AKO.Tumingin ako kay Gucci at ngumiti naman sya sa akin.

"Wala namang problema yun anak,Pero hindi ba mas maganda kung meron muna kayong sasabihin sa amin para naman aware kami sa mga nangyari?Ang hirap mag assume pero alam namin na something is going on between the two of you right?_Mama Terry.

"Ninang.Before anything else,Gusto ko lang po sanang humingi ng SORRY about sa nangyari.Alam ko po na isa sa malaking factor sa pagkaka ganun ni Diego ay dahil po sa akin kaya,Sobra po akong humihingi sa inyo ng paumanhin._Gucci.

"Alam mo anak,Hindi kana iba sa amin dahil para ka na din naman anak.
Wala kang dapat ihingi ng paumanhin dahil hindi mo yun kasalanan.
May mga pangyayari lang talaga sa buhay natin na hindi maiiwasan kaya nangyayari ang mga ganitong bagay.Pasalamat na lang tayo at walang nangyaring hindi maganda kay Katie._Mama Terry.

"Pero ganun pa man,Humihingi pa din po ako ng paumanhin sa inyo in behalf of my Dad and my family.At humihingi din po ako ng paumanhin kung hindi po namin kaagad naipaalam sa inyo ang tungkol sa amin ni Katie.Well actually po,Sasabihin naman po namin talaga kaya lang nag hihintay pa po kasi kami ng tamang tyempo.Kami po ni Katie ay may unawaan na._Gucci.

"Kundi pa nangyari ang lahat ng ito,Hindi pa namin malalaman.Bakit kailangan nyo pang maglihim sa amin,Hindi naman kami hahadlang sa inyo kung sakali dahil nuon pa man,Napapansin na naming may espesyal na namamagitan sa inyo kahit mga bata pa man._Mama Terry.Pareho kaming nagulat sa sinabi ni Mama,Bakit nila nasabi na bata pa lang ay alam na nilang kami ang magkakatuluyan?

"Nagulat ba kayo sa sinabi ng Mama Terry nyo?Kasi naman mga bata pa lang kayo,palagi na kayong magkahawak kamay na dalawa at ayaw maghiwalay.Madalas din na kayong dalawa lang ang magkausap at magkalaro nuon kahit na mas matanda nga itong si Katie.Minsan mo pa ngang hiniling sa Daddy Top mo na bilhan ka ng itim na kabayo para kamo isakay si Katie duon at itira sa palasyong ipatatayo mo.Imagine,Ilang taon ka pa lang nun,Gusto mo na kaagad pakasalan itong si Katie namin._Mommie Joyce.
Pulang pula naman si Gucci sa hiya habang nakikinig kami sa kwento ni Mommie.

"Hahahaha.Totoo yun.Nakakatuwang alalahanin yun mga panahong mga bata pa kayo at madalas na kayo ang palaging magkakampi kapag naglalaro kayo.Kahit bata at pinaka maliit ka pa nun Gucci,Walang takot mong pinagtatanggol si Katie kapag may umaaway sa kanya.Nuon pa man, alam na naming hindi mo pababayaang masaktan at mapahamak si Katie
kahit na ano pa man ang mangyari._Mama Terry.

Namalayan ko na lang na tumutulo na pala ang luha ko sa mga narinig ko.Mula nuon hanggang ngayon,Hindi pa din nagbabago si Gucci sa akin at patuloy nya pa din akong binabantayan at ipinagtatanggol.Kaya naman mas lalo ko pa syang Minamahal habang lumalamin ang pag iibigan naming dalawa.

"ROOFTOP PRINCESS (KATIE&GUCCI)"THE BILLIONAIRE HEIRESSES "  GxG SERIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon